What's new

Naniniwala ba kayo sa octa research na yan?

guys can I ask something naniniwala ba kayo sa octa research?

dahil sa kinakaharap natin na pademya kasi my close friend told me na nakakapag off pa sila isa siyang nurse at di naman daw punuan mga hospital pero yung pinapalabas ng DOH at FDA sa media punuan lagi mga hospital.
 
Well we have to believe even if it's true or not kasi ang pinoy mahilig umasa eh, lam mo yun 😅. If people would be aware of this things the effects will definitely in a positive way even if it's negative 😅. Palage may bakante whether believe it or not, only the hospital knows kung saan parte iyon ng hospital. Kumbaga for VIP, Officials, Owner of Hospital (Mga kamag-anak din nila 😳). Palakasan system in short harharhar 😈.
 
I think ang basis ng data ng Octa Research ay galing sa DOH, mga professional yang mga yan kaya walang dahilan para magduda sa kanila. Mas maigi namang maniwala sa mga professional na mga yan kesa sa kung sinu-sino lang sa kanto, diba?
 

@ThePirateBay, since comprised po yan ng mga specialized academics and professionals na nagbibigay lamang ng kanilang general opinion base sa kanilang nakukuhang data at pagkaintindi sa kakayahan ng ating gobyerno, yung kanilang findings ay malapit sa katotohanan (mathematical-wise) para magbigay ng babala bukod sa sinasabi ng DOH para maging impartial tayo sa pag-unawa sa kondisyon ng pandemya. In simple terms, theoretically reliable and correct yung UP-OCTA Research assuming tama yung kanilang ginagamit na data. Kailangan yan para makapag-desisyon ng tama kung saan dapat magtuon tayo ng pansin. DOH Data Drop reports at field data ng mga iba nating mga ahensya (tulad ng NDRRMC, DILG, ...LGU, etc.) rin naman ang ginagamit nila. Kahit sinong may alam na magbasa/mag-review ng mga files na yan ay mauunawaan yung kanilang mga nilalabas na mga pahayag sa balita. Pero kailangan pa rin natin ng actual 3rd party field reports para mas malinawanagan tayo sa aktual na nangyayari.​

Halimbawa, sa kanilang statistical findings, mapupuno nga yung mga hospital facilities "in general" ayon sa grabe ng dami ng infected ngayon. Sa papel yon! Pero, sa imbestigasyon sa "labas ng papel na yan", maraming mga ospital at facilities sa ibang areas ang halos walang pasyente o di naman napupuno dahil mas preferred ng mga infected na mag-self quarantine na lang - sa maraming mga dahilan. Hindi naman lahat ay maganda ang pasilidad, mainit, kulang sa gamit, walang sapat na tao, takot magpa-ospital dahil walang pera o mahal ang singil, at marami pang ibang puna. Isa yan sa malaking dahilan sa mataas na pagkalat na hindi nakikita sa "numerical stats" unless included yon sa reports - di po ba?​

 
Yes, naniniwala ako sa Octa. They make these assumptions based on the data provided.
Whether that data provided are accurate or not is another question.
 

Similar threads

Back
Top