Namomroblema ka ba sa Pimples / Acne? Ako din! 🤣

stantokki

Forum Veteran
Joined
Dec 16, 2016
Posts
2,058
Reaction
3,955
Points
924
I have the same issue but throughout the years na sinubukan kong gamutin ang acne ko, etong dalawang set ng products lang ang gumana sakin. (Not sponsored tho, well I wish! 😂 )

If narinig nyo na 'tong combination na 'to, isa lang ang masasabi ko. Eto ang pinaka mura yet effective na natry ko!

Soap: DR. WONGS Sulfur Soap with Aloe Vera 135g (P58.00)
Ointment: BIODERM Ointment 15g (P32.75)


1599618764859.png
1599618744608.png


PROS

  • Within a week makikita mo na yung results. (Based sa reaction ng skin ko. 😅)
  • Mura ang presyo.
  • Mabibili mo kahit saan.

CONS

  • Sobrang nakaka dry.
  • Kailangan mo pagpalit ng pillow case every day kasi nagtatransfer yung ointment.
  • Ang hirap matangal kapag naghihilamos, sumisiksik sa pores.
  • Nasabi ko na bang nakaka dry? As in. Di ako makagamit ng AloeGel kasi nagkakaroon ng reaction, namumula yung face ko kaya tinigil ko.

Mas madaming CONS? Okay lang yun observation ko lang naman yun at ang mahalaga effective sya.

--

Yung pangalawa, ito ang GO TO products ko kapag nagbreak out ako at wala ng PAGASA pa. Etong dalawang 'to ang pang control ko sa acne ko kapag hindi na sya macontrol. LOL

Soap: Erasul Soap - Acne Cleanser 90 gm (P170 plus - P200)

Mahal diba? Ang ginagawa ko dito para tumagal ang gamit ko is cut ko sya ng maliliit.
Sa Watsons ko lang 'to nabibili (Di ko sure kung meron sa iba eh.)

Ointment: SAVE OUR SKIN (SOS) ROLL ON - Clindamycin 10 ml (P 99.00)

Etong clindamycin sa ibang Watsons branch nag hahanap sila ng reseta, pero sa iba naman hindi kasi anti biotics sya.


1599619290892.png



PROS

  • Subok ko na kasi sya, so I can say effective sya kahit sa malalang break out.
  • Wala na kong maisip hahaha!

CONS

  • Mahal! Sabon pa lang mahal na.
  • Hindi available sa lahat ng botika (Di po ako sure dito, pero sa watson lang kasi ako nakakabili.)


Gusto ko lang iShare. Ang hirap kasi kapag gusto mong gumaling yung pimples/ acne mo tapos walang natalab sayo. 😅 I feel yah! Rejuvenating Sets! Kojic! Yung vitamins na pang pimples, yung charcoal soap. Madami na, malayo na din ang narating ng acne journey ko. Pati nga korean routine na cleansing, toner, face mask ginawa ko na din, pero wala pa din! 🤣

For clearer skin! Claim it! ! 😉
 

Attachments

UP!

Though isa ako siguro sa mga sinuwerteng di naman namrublema sa pimples/acne, isa itong napaka gandang post. Very informative! Marami akong nababasang may acne/pimple problems na humihingi ng suggestions dito sa PHC, sana makita rin nila to.
 
Kung active o prone sa acne yung face nyu. Gumamit lang kayo ng mild na products sa mukha yung mga may aloe vera. Wag yung matatapang. Tsaka tamang diet din yan. Tamang oras ng pagtulog
 
Agree po ako dito, siguro dun sa mga pasulpot sulpot lang ang pimples, kaso hindi po umaayon sa mukha ko ang mild eh. 😅 Even diet is good, pero for the long run kasi yun. Sometimes yung mga katulad namin na nagsa suffer from acne, we need results na makikita namin within few weeks or months. 🙂
 
Yung Bioderm and Dr. Wongs, pwedeng two times a day ka maglagay, kaso ang instruction kasi nila sa paglalagay ng ointment kailangan thick or madami kang ilalagay dun sa area na may pimples ka. So kapag umaga naglagay ako, namumuti ang mukha ko atsaka ang hirap nya tanggalin kapag gusto ko ulit maghilamos. Ang if nag school ka or work kitang kita yung ointment. Kaya tuwing gabi na lang ako naglalagay.

Kung yung isa naman Erasul and SOS, pwede yun two times a day. Since ang medyo watery naman ang consistency ng clindamycin kaya natutuyo sya agad. Hindi sya visible tulad ng bioderm ointment.
 
Problema ko din yan nung grade 7-8 ako hahaha. Pero nung nag grade 9 ako kumonti tas nawala na nung nag grade ako hahaha.
P.S. wala akong ginamit na any product haha tamang hilamos lang
 
Meron akong open pores at pimples ng konti Hirap tanggalin Bwiset Gumamit ako ng acbegone wlang kwenta Hanggang sa sumuko nako Sabon lanG gamit Hayown nawala ng konti Di na masyadong halata😀
 
Yung Erasul Soap pwede siguro kasi designed sya for Oily and Acne Prone Skin, actually mild lang tong sabon na 'to. Walang stinging effect and hindi sya ganun ka drying, yun nga lang medyo pricey. Maganda din yung SOS sabi ko nga, eto yung pang control ko talaga. Pero kung di mo pa na try yung Bioderm and Dr Wongs, try mo din sya, mura lang din kasi meron pa ngang 5 grams na ointment parang P15.00 or P20.00 lang, tapos bili ka na lang ng nasa pack na Dr. Wongs. Search mo din sa facebook sa page ng Dr. S. Wong yung mga review ng mga users for sure may same condition sayo na pwede mong pag kunan ng idea.
 
Update:

Almost two months na kong gumagamit ng Bioderm and Dr. Wongs combo, and I think very effective sya, aside from occasional pimples during red days and sobrang controlado nya yung pagtubo ng mga bagong pimples, wala din matinding scaring na nagaganap. So far so good. 😊
 
Natry ko na din ang cethaphil actually, pero wala ding effect. Hindi bet ng skin ko yung sobrang mild na mga cleanser.

Tho, good for you kung effective. 🙂
 
Back
Top