What's new

Trivia Nakatadhana ba ang Ating Buhay?

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
2,431
Reaction
1,742
Sinasabi ng ilan na nakatadhana na kung kailan tayo mamamatay. Iginigiit naman ng iba na ang Diyos mismo ang nagpapasiya nito. Sinasabi rin nila na ang mahahalagang pangyayari sa buhay ay hindi maiiwasan. Ganiyan din ba ang paniniwala mo?

Maaaring itanong mo: ‘Kung totoo ngang wala tayong magagawa upang baguhin ang ating kapalaran, at kung itinakda na ng Diyos o ng kapalaran ang mangyayari, bakit kailangan pang manalangin? At kung nakatakda na ang ating kapalaran, bakit pa tayo mag-iingat? Bakit pa tayo magsusuot ng seat belt kapag nagbibiyahe? Bakit hindi rin tayo umiinom kapag nagmamaneho?’

Hindi sinasang-ayunan ng Bibliya ang ganiyang walang-ingat na paggawi. Hindi nito itinuturo na nakatadhana ang mga bagay-bagay, sa halip, inutusan nito ang mga Israelita na maging palaisip sa kaligtasan. Halimbawa, inutusan silang maglagay ng halang sa palibot ng patag na mga bubong ng kanilang bahay para walang mahulog mula rito. Pero bakit ito ipag-uutos ng Diyos kung nakatadhana namang mahulog ang isa mula sa bubong at mamatay?—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kumusta naman ang mga namatay dahil sa likas na mga kasakunaan o iba pang kalunus-lunos na mga pangyayari na hindi nila kontrolado? Nakatadhana ba silang mamatay? Hindi, tinitiyak sa atin ng manunulat ng Bibliya na si Haring Solomon na “ang panahon at di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa [ating] lahat.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya hindi itinadhana ang kalunus-lunos na mga pangyayari kahit pa di-pangkaraniwan ang mga ito.

Subalit iniisip ng ilan na salungat ito sa naunang sinabi ni Solomon: “Sa lahat ng bagay ay may takdang panahon, isang panahon nga para sa bawat pangyayari sa silong ng langit: panahon ng kapanganakan at panahon ng kamatayan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero talaga nga bang naniniwala si Solomon sa tadhana? Suriin nating mabuti ang sinabi niya.

Hindi sinasabi ni Solomon na nakatadhana ang kapanganakan at kamatayan ng tao. Sa halip, tinutukoy niya na, gaya ng maraming bagay, bahagi na ng buhay ng tao ang ipanganak at mamatay. Tiyak na makararanas ang isa ng masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay. “May . . . panahon ng pagtangis at panahon ng pagtawa,” ang sabi ni Solomon. Ipinakikita niya na ang gayong mga bagay at di-inaasahang mga kasakunaan ay bahagi na ng buhay ng tao, ng “bawat pangyayari sa silong ng langit.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya bilang konklusyon, sinabi niya na huwag tayong maging labis na abala sa ating pang-araw-araw na mga gawain anupat nakakalimutan na natin ang ating Maylalang.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bagaman lubusang nauunawaan ng ating Maylalang ang buhay at kamatayan, hindi niya ito itinatadhana. Itinuturo ng Bibliya na lahat tayo ay binibigyan ng Diyos ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan. Ngunit hindi tayo pinipilit ng Diyos na tanggapin ang pag-asang ito. Sa halip, sinasabi ng kaniyang Salita: “Ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Oo, dapat na gusto nating “kumuha ng tubig ng buhay.” Kaya ang ating kinabukasan ay hindi nakatadhana. Nakadepende ito sa ating mga pagpapasiya, saloobin, at paggawi.
 
Depende sau...kung ano gusto mo...sa tingin mo sinong salarin sa pagiging mamatay tao ng iba....kung trip naman ng iba mamatay ngayon o kaya bukas...kaya depende sa iyo...dasal dasal lang para medyo makaisip ng tama..at humaba ng kaunti ang buhay...
 

Online statistics

Members online
1,498
Guests online
1,246
Total visitors
2,744

Forum statistics

Threads
1,230,988
Posts
21,621,098
Members
1,615,499
Attachments
1,734,101
Profile posts
100,276
Top