1 month na rin ang nakalipas nung nag-proposal defense kami pero hanggang ngayon, nadidisappoint pa rin ako sa sarili ko.
Very confident talaga ako kapag nagsasalita sa harap, lalo na sa recitation. Kaya malakas ang loob ko nung nag proposal defense kami. Plus pa na ako mismo ang gumawa ng research namin. Sobrang taas din ng expectation ng mga kaklase ko sa akin.
Kahit first time kong makaranas ng research defense nun since wala kaming research sub noong junior high kasi regular student lang ako, STE lang ang meron, taas noo pa rin ako nun, tinititigan ko talaga sa mata yung mga panelist. Yung introduction namin e hindi rin malamya. Sa amin nga yung kakaiba e.
Kaso nangyari yung 'di ko inaasahan. Nahanapan ng butas ng isang panelist yung research namin. But hindi pa rin ako nagpatalo. Sumasagot-sagot ako kada tanong ng panelist. Hanggat kaya ko, talagang pinaglaban ko yung research namin. Nasa isip ko "Bakit pa tinawag na defense to kung isusuko ko kaagad research namin?"
Sa huli, hindi naman rejected yung research namin. Pero sa lahat ng group na nag defense, group namin yung pinakamababa. Sobrang sakit nun. Pagkahapon, nilagnat ako. Parang naluluha rin pagdating ng bahay. Naguguilty ako kasi di ko man lang nabigyan ng mataas na grades yung mga ka-group ko. Feeling ko dahil sakin mababa kami. I am aiming for Highest Honor pa pero after ng proposal defense, bigla akong pinanghinaan ng loob. Parang nawalan ako ng pag-asa na maabot yung goal ko.
Hindi ko pinapakita sa mga klasmeyt ko na sobrang nasaktan ako sa result ng defense namin. Ngiting-ngiti pa rin ako sa harap nila.
Yun lang, gusto ko lang ikwento sa inyo. Malapit na Final Defense namin at parang hindi ko na kayang maging confident ulit tulad nung una. Hindi na ako nag-eexpect. Lagi ko na ring na-iimagine na babagsak nanaman kami. Parang bumaba rin tingin sakin ng guro ko pati ng kaklase ko. Ang hirap kapag lagi kang nasa top tas bigla kang babagsak.
Balak ko nga pong ipa-critic sa mga expert dito yung revised research namin e. Ipopost ko po kapag nakuha ko na soft copy sa laptop namin.