What's new

Nagtatampo ako sa boyfriend ko

Status
Not open for further replies.

BlueBerry16

Honorary Poster
Joined
Dec 7, 2016
Posts
578
Reaction
96
Points
233
Mahal at seryoso ba talaga sakin ang boyfriend ko?

Hindi tugma ang salita nya sa actions nya.

Last week, may plano syang dadalaw sa bahay. I memeet nya ang father ko at first monthsary namin sa susunod na araw.

Nakakatampo na itself na hindi man lang nya ko kinausap sa plano namin that day. Hindi nya pati pinaghandaan yung araw na yun. Wala man lang syang binili para sa bahay at nung kinabukasan monthsary namin wala man lang syang effort na pinakita. Ni hindi nga ako binati.

Nagtatampo ako bago sya umuwi. Malungkot ako kasi matagal kaming di magkikita at ramdam nya rin siguro kaya inaya niya ko kumain sa labas.

Nung kinagabihan napag usapan namin yun. Nung nakauwi na sya. He told me he is sorry kasi wala raw syang pera that day. Hindi nya daw ako binati kasi wala raw syang regalo para sakin at nahihiya sya. Sabi ko sa knya hindi ko naman kailangan ng regalo.

Hindi nga raw sana sya tutuloy kasi nahihiya daw sya bilang lalake na magpunta ng bahay na wala man lang dala pero tumuloy sya sa takot na magtampo ako. I said I understand. Naawa naman ako.

Pero yung totoo kasi. Nakakatampo na hindi man lang nya pinaghandaan yung araw na yun. Isang buwan bago kami ulit nagkita before that at yun yung araw na sinagot ko sya. Pakiramdam ko tuloy hindi nya ko ganun kamahal.

Ano po sa tingin niyo?
 
first consider mo if me work siya or wala or simple may pagkukuhanan ba siya ng funds para mapag handaan yang monthsary niyo second pandemic season assume na ganyan talga maraming hirap ngayon sa buhay last kumain naman kayo sa labas kaya siguro yun lang kaya niya may pera siya pero sakto lang
 
Alam ko naman po yun. Ang siguro nagtrigger sakin is hindi nya man lang ako binati. Tsaka imemeet nya father ko e hindi man lang sya gumawa ng paraan to impress him. For me its a big deal po kasi to meet the family.
 
[XX='sunnyberry, c: 111330, m: 707265'][/XX] ano work niya sapat ba or baka naman nag support siya sa pamilya nya tapos konti lang ntira sa kanya
 
Ayun nga daw po. Sinabi ko na rin sa kanya yon. Hindi naman ako materialistic na tao kako. Batiin nya lang ako masaya nko.
 
If pinagplanuhan nya dapat hindi naging rason na wala syang pera. Lalo at sinabi mong may work sya. Magkano lang naman ang isang pansit na bilao. hehe. Since first time nya mameet parents mo nag eeffort man lang sana sya. Pwede ding prutas sa 200 pesos madami na mabibili yun. Wala ba syang dala ket ano? Ket bulaklak man lang para sayo?
 
Boss salamat naiintindihan mo ko. Yan yung punto ko. Yung iba iniisip na materialistic at needy lang ako. Pero yes sir tama ka, wala po syang dala ni kahit ano.
 
Nakakain pa nga kami sa labas e. Wala naman actually sa plano nya yun. Inaya nya lang ako don kasi nagtatampo ako nung pauwi na sya.
 
[XX='sunnyberry, c: 111349, m: 707265'][/XX] maiintindihan talaga kita haha. kasi first of all kung seryoso yan dapat 1st meeting palang with your parents nag effort sya kasi diba "first impression lasts". Anyways iba iba tayo ng pananaw. Ilang taon ka na ba?
 
Hindi naman po talaga dun sa monthsary ang problema e. Imemeet din po kasi nya parents ko. Tas nung hindi nya ko binati pakiramdam ko sarili lang inuna nya at pride. Sana kinausap man lang nya ko.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top