What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Nagtatampo ako sa boyfriend ko

sunnyberry

Addict
Established
Joined
Dec 7, 2016
Messages
289
Reaction
44
Mahal at seryoso ba talaga sakin ang boyfriend ko?

Hindi tugma ang salita nya sa actions nya.

Last week, may plano syang dadalaw sa bahay. I memeet nya ang father ko at first monthsary namin sa susunod na araw.

Nakakatampo na itself na hindi man lang nya ko kinausap sa plano namin that day. Hindi nya pati pinaghandaan yung araw na yun. Wala man lang syang binili para sa bahay at nung kinabukasan monthsary namin wala man lang syang effort na pinakita. Ni hindi nga ako binati.

Nagtatampo ako bago sya umuwi. Malungkot ako kasi matagal kaming di magkikita at ramdam nya rin siguro kaya inaya niya ko kumain sa labas.

Nung kinagabihan napag usapan namin yun. Nung nakauwi na sya. He told me he is sorry kasi wala raw syang pera that day. Hindi nya daw ako binati kasi wala raw syang regalo para sakin at nahihiya sya. Sabi ko sa knya hindi ko naman kailangan ng regalo.

Hindi nga raw sana sya tutuloy kasi nahihiya daw sya bilang lalake na magpunta ng bahay na wala man lang dala pero tumuloy sya sa takot na magtampo ako. I said I understand. Naawa naman ako.

Pero yung totoo kasi. Nakakatampo na hindi man lang nya pinaghandaan yung araw na yun. Isang buwan bago kami ulit nagkita before that at yun yung araw na sinagot ko sya. Pakiramdam ko tuloy hindi nya ko ganun kamahal.

Ano po sa tingin niyo?
 

PHC-Earl

Eternal Poster
first consider mo if me work siya or wala or simple may pagkukuhanan ba siya ng funds para mapag handaan yang monthsary niyo second pandemic season assume na ganyan talga maraming hirap ngayon sa buhay last kumain naman kayo sa labas kaya siguro yun lang kaya niya may pera siya pero sakto lang
 
S
sunnyberry
Yes po theres a plan naman po. Salamat
 

Call me senpai

Honorary Poster
Mahal ka nun ts, wala lang talaga sya pera, ganun din ako eh nahihiya ako bumati sa gf ko pag wala akong gift sa kanya. peru trust me mahal ka nun ts
 
1 Comment
S
sunnyberry
Ayun nga daw po. Sinabi ko na rin sa kanya yon. Hindi naman ako materialistic na tao kako. Batiin nya lang ako masaya nko.
 

Yakultza

Forum Guru
If pinagplanuhan nya dapat hindi naging rason na wala syang pera. Lalo at sinabi mong may work sya. Magkano lang naman ang isang pansit na bilao. hehe. Since first time nya mameet parents mo nag eeffort man lang sana sya. Pwede ding prutas sa 200 pesos madami na mabibili yun. Wala ba syang dala ket ano? Ket bulaklak man lang para sayo?
 
S
sunnyberry
Opo tignan ko nlang next kita namin. Salamat lods
 

WhiteLancelot

Enthusiast
ganun kasi talaga pag manliligaw palang. todo pakitang gilas hahaha pag naging kayo na parang wala ka nalang sakanya kasi nasakanya ka na may label na. pero para sakin hindi naman rason yung walang pera kasi anything naman kahit anong ibigay nya basta galing sakanya for sure matutuwa ka na nun lalo na at monthsary yun. ibig sabihin hindi nya kaya imeet yung father mo kasi hindi naman sya sigurado sayo or maybe hindi sya seryoso
 
S
sunnyberry
I dont think hindi naman po. Ramdam ko din naman sa kanya yun.
 

ced17

Eternal Poster
Di ka niyan mahal sakin ka na lang regalo at magdadala din ako ng regalo para sa magulang mo then after nun pagsawaan kita iiwan kita niyahahaha wala sa kung ano ang ibinigay o ibibigay sayo minahal ka na nga hahanapan mo pa ng materyal
 
S
sunnyberry
Effort lods haha at maturity. Pero okay na po yun. Medyo naliwanagan din ako dito. First po kasi namin isat isa. So di namin alam both pano ihandle
 

ledin

Addict
May pandemic ngayon. Ilang buwan nang hirap ang mga tao financially. Baka isa sa apektado ang boyfriend mo so I hope you also consider that. At sabi mo, isang buwan pa lang kayo. Ilang buwan na ba tayong may pandemic? Apektado ang mga tao financially. Yung mismong fact na pumunta ang boyfriend mo sa inyo kahit may pandemic, e, nag-risk na siya. Pwede siyang mahawaan. Isipin mo yun.

Pangalawa, inamin niya sa'yo na wala siyang pera that day. Yun pa nga lang ang hirap nang aminin para sa ibang lalaki. Nakakahiya. May stable bang trabaho ang boyfriend mo? Breadwinner ba siya? I-consider mo rin yun. Pero sa totoo lang, kung after nun ay nagkapera na siya, bumawi na sana siya sa bahay niyo kahit papa'no. Hahaha.

Hindi siguro gaanong madiskarte ang boyfriend mo. Tingnan mo rin ibang anggulo. Kung palpak pa rin siya sa ibang bagay, medyo kailangan mo na ngang mag-isip.
 
Comment

NormanBaits

Honorary Poster
May pandemic ngayon. Ilang buwan nang hirap ang mga tao financially. Baka isa sa apektado ang boyfriend mo so I hope you also consider that. At sabi mo, isang buwan pa lang kayo. Ilang buwan na ba tayong may pandemic? Apektado ang mga tao financially. Yung mismong fact na pumunta ang boyfriend mo sa inyo kahit may pandemic, e, nag-risk na siya. Pwede siyang mahawaan. Isipin mo yun.

Pangalawa, inamin niya sa'yo na wala siyang pera that day. Yun pa nga lang ang hirap nang aminin para sa ibang lalaki. Nakakahiya. May stable bang trabaho ang boyfriend mo? Breadwinner ba siya? I-consider mo rin yun. Pero sa totoo lang, kung after nun ay nagkapera na siya, bumawi na sana siya sa bahay niyo kahit papa'no. Hahaha.

Hindi siguro gaanong madiskarte ang boyfriend mo. Tingnan mo rin ibang anggulo. Kung palpak pa rin siya sa ibang bagay, medyo kailangan mo na ngang mag-isip.
Depend naman sa edad ni bf kung may diskarte o wala. Base on my exp kasi 25yo na ako natuto sa buhay. Haha
Pero kung may edad na at wala pa ring diskarte ngayon pa lang tapusin na haha
 
B
Bonakx
Maayos pa po yan <3
 

zaxcal

Forum Guru
intindihin mo na lang TS. mas mabuti na xa mismo ang nageffort kahit walang regalo basta makasama kalang dba. krisis ngayon at isa pa support din sya family nya mahirap matimbang ang financials ngayon. i value mo yun effort nya na pumunta in person not material things. may lakas ng loob sya na hinarap yun family mo thats a good thing parin.
wag nyo bilangin yun monthsary, Anniversary ang icelebrate nyo taon ang binibilang ng matatag na relasyon.
stay happy lang kayo at always communicate. 👌
 
J
Jazzpper
Tama lods malakas pa loob ng bf nya ni walang dala e pumunta pa haha
 

Ikigai_

Forum Veteran
mahal ka niyan, hindi lahat may lakas harapin yung pamilya ng kasintahan, pakiramdam ko nahihiya talaga siya kaya di ka niya binati pero mali yung mindset niya na yun dapat bati muna bago regalo, baka kasi sa tingin niya materialistic ka, baka ganun nakikita niya i dunno
 
P
-PH_Drin
Palakasin mo loob niya at wag mo siyang iwan, samahan mo hanggang sa dulo at doon niya maipapakita kung gaano ka niya kamahal
 

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
685
Guests online
894
Total visitors
1,579

Forum statistics

Threads
782,017
Messages
15,466,036
Members
1,418,692
Top