What's new

My Glitch_in_the_Matrix Story

Ewonni

Eternal Poster
Established
Joined
May 13, 2015
Posts
948
Reaction
622
Points
407
Age
24
Naniniwala ka ba sa Alternate Universes? O di kaya, ang ating reality ay simulated lamang? Na kagaya ng isang computer ay nagkakaroon din ng glitches na nagiging dahilan ng mga pangyayaring napakahirap paniwalaan? May nangyari na bang ganito sa iyo?

"Eye-witness event(s) that cannot be explained with critical thinking."

Ayun na nga. Dahil sa kakatanong ko kay pareng Google about "disappearing then reappearing things", napadpad ako sa isang sikat na forum site na nagseshare din about sa mga ganitong pangyayari.

Napaisip ako na baka nga pwede. Pwede ngang ang ating realidad ay isang simulation lamang na maaaring magkaroon ng glitches. Kasi nangyari din sa akin ito kahapon.

~~~~~

Nagtatrabaho ako bilang isang accounting staff sa isang di gaanong kilalang kompanya. Tambay ako dito sa PHC sa aking free time, nag iikot sa Cryptocurrency o di kaya pasimpleng nakikinood sa ãdül† Section.

Monday, March 15, 2021.
4:xx PM


Ordinaryong araw rin naman, walang kataka-takang pangyayari. Malapit na ang uwian no'n at tumambay na lang ako dito sa PHC. Tamang scroll lang at react sa mga post nang maisipan ko na magligpit na ng aking mga gamit. Kinuha ko ang mga papel sa desk ko at inilagay sa aking drawer. Habang nagliligpit ako ay nasagi ko ang aking ballpen, kaya't ito'y nahulog. Rinig na rinig ko pa ang "click" ng ballpen, tunog ng pagkakahulog nya sa sahig. Hindi ko muna ito kinuha at pinagpatuloy ko na lang ang aking pagligpit. Nang ako'y matapos ay hinanap ko na aking ballpen ngunit ito'y di ko na matagpuan. Tumayo ako't pumunta kung saan ito nahulog upang hanapin ito ngunit wala talaga. Para sa reference n'yo, ganito ang porma ng desk ko.
set-09-in-gn-_b_.jpg

Naisip ko'y imposible namang pumasok ito sa ilalim ng desk ko. Hinayaan ko na lang yung ballpen ko at nagpasya na bukas ko na lang hahanapin. Hindi naman masyadong weird yung nangyari kaya pinabayaan ko na lang at ako'y umuwi na. Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at nagtanggal ng uniform, ng may biglang nahulog click. Yung ballpen. Bigla akong kinabahan. Napakaimposible namang nasa bulsa ng uniform ko 'yun. Sobrang linaw ng pagkakarinig ko nahulog 'yun sa sahig sa opisina. Napasmirk ako at napaisip na baka hindi ito yung ballpen na nawala, na baka ibang ballpen ito, na baka kung ano ano lang iniisip ko. Tinignan ko ulit yung ballpen. May tatak ng permanent marker, yung tatak na nilagay ko upang 'di nakawin ang ballpen ko na 'yun.


F*****G Weird.
 

Attachments

Weird nga TS 😱 Pero sure ka po bang isa lang yung ballpen mo na ganun?

Minsan kasi ang ibang tao para ma-identify lahat ng gamit is ginagawang uniform ang mga palatandaan. Baka same ballpen with same mark po yan.

But I like the idea na may Alternate Universe. 😁
 
99% sure ako na yun yung ballpen ko paps kasi pahirapan kumuha ng ballpen sa office eh. Kailangan pa mag log book tapos pag nakita na lagi kang kumukuha ng ballpen eh ichacharge sa sahod mo haha 😂 Ewan ko nga paano nangyari 'yon pero di ko ginamit yung ballpen. Iniwan ko na lang sa bahay at bumili na lang ako ng bago. 😂
 
isa nga yan sa mga fascinated theories of reality, ang computer simulation. pero to think na if we're just part of a matrix, san naman galing yung designer ng matrix natin? we have infinite realities nga talaga siguro gaya nung idea sa movie na The Thirteenth Floor.
 
Yan ang tanong talaga hahaha. Plausible din naman kase na simulated. Ang daming proof na talagang mapapaisip ka. Isa sa favorite is yung mga constants (e.g. speed of light, acceleration due to gravity), ay nilagay ng mga designer to prevent us from breaking the barrier between the simulation and reality.
 

Similar threads

Back
Top