What's new

My DIY Ebike

vinceky12

Addict
Joined
Dec 22, 2018
Posts
182
Reaction
35
Points
103
Hi guys!

Just want to share lang my accomplishment. Naka gawa ako ng DIY ebike ng walang alam sa mismong pagkakalikot sa bike. Pag talagang gusto mo makamit ang isang bagay, magagawa mo eh. At dahil jan, gusto ko lng ishare kase ang saya eh alam yung feeling ng gumawa ka ng washing machine tas napagana mo, or nag program ka ng codes tas smooth ang execution. Ganun feeling haha. Eto na ,my DIY ebike conversion. By the way. 20km bago malobat kung full throttle at di mo sasabayan ng padjak, pero pag sabayan mo padjak mas doble layo abutin mo. Ginagamit ko to papuntang work, from taguig to pasig or mandaluyong. Vise versa, super tipid kase 1 charge sa bahay tas 1 charge sa work, di mo ramdam sa bills. Actually wala nga eh.

-Rear motor brushless hub 48v 1000watts w/ pedal assist and throttle.

-Battery is 48v 13ah hailong self made.

Wala nang lisensya kailangan. Nakikipag sabayan pa sa bilis ng mga motor, max speed sa patag 45kmph




Isang beses nga eh nag overtake ako ng motor sa c5 😂 napalingon sya haha, di makapaniwala kala nya malakas ako pumadyak hahaha.

Napaka gaan sa loob specially sa panahin ngayun na nag sisi taasan lahat ng bilihin.


Tas may bike lane na din , iwas traffic. Naaalala ko nung nag cocomute ako grabe haba pila. Ngayun pag nauwe ako at nadadaanan ko yung sinasakyanan ko sa daming tao, masasabi ko talaga sulit investment. Hinde na ako nag hihintay ng 2 hours maka uwe lang.

Yun lng na share ko lng kase sarap sa feeling haha. Sana kayo din masaya sa mga ginagawa nyo maski madami pinagdadaanan.

Mabuhay kayo!
 

Attachments

magkano lahat nagastos nyo po dyan ts?
Yung sa motor complete set 11k
Yung battery ang mahal eh , pag DIY, naka 9k ako. Pero may nabibili naman gawa na. Mga around 20k nagastos ko pwera pa sa mga upgrades sa bike.

Yung bike is matagal nang naka stock sa bahay. Kinonvert ko lng.
 
Kumusta po ang water proofing nito sir? Have you tested it during heavy rains?
Yes po , isang beses sa may c5 grabe baha di ko na pansin na baha na pala yung pinasok ko. Mahaba yung baha abot tuhod pero naka survive padin naman yung bike ko. Yung controller nya nasa rear rack ko tas yung battery sa may bottle holder banda at water proof naman sya. Yung mga motor at kotse nakahinto ako tuloy tuloy lng sa baha haha

ayos to lalo pag may baha di mo na kailangan mag hintay humupa kasi pwede mo buhatin kung magaan gaan naman
Medyo mabigat sya paps kase yung motor hub is 2.5kg tas battery is 0.5kg

yung conversation kit mo ts katulad ng MAKE emtb ng i-wheels
Oo nga noh? Nisearch ko haha, cguro mahal mga binebenta nilang ganyan? Makakamura ka kase pag sariling build. Since ako , hindi makapag ipon ng isang buo, binili ko yan by batch , una is yung motor hub, then battery cells then housing ng battery tas bms. Para mabuo ang isang battery compatible for ebike. Ang cons lng kase. Ng DIY walang Local support, binili ko yung akin sa china kase mura hehe then shinip dito sa pinas tas yung battery locally, yung ginagamit sa mga solar powr na battery yung binuild ko. Wala akong alam sa mga pinag gagawa ko basta natutunan ko nlng in the long run kase anjan na eh naibilii ko na , haha napilitan pag aralan.
 
Last edited:
Yes po , isang beses sa may c5 grabe baha di ko na pansin na baha na pala yung pinasok ko. Mahaba yung baha abot tuhod pero naka survive padin naman yung bike ko. Yung controller nya nasa rear rack ko tas yung battery sa may bottle holder banda at water proof naman sya. Yung mga motor at kotse nakahinto ako tuloy tuloy lng sa baha haha


Medyo mabigat sya paps kase yung motor hub is 2.5kg tas battery is 0.5kg
hahaha yung sinusuong mo yung baha tapos mga motor sasakyan nakatingin lang sayo, like a boss datingan

maganda pa nyan pwede ka dumaan sa bikelane at kahit walang lisensya pwedeng pwede pero ride safe pa rin suot ka ng safety gear especially helmet
 
medyo mahal din kay i-wheels. 26k to 36k yung MAKE emtb nila.

ito yung samin ts
received_641389264386089.jpeg
 

Attachments

Last edited:
hahaha yung sinusuong mo yung baha tapos mga motor sasakyan nakatingin lang sayo, like a boss datingan

maganda pa nyan pwede ka dumaan sa bikelane at kahit walang lisensya pwedeng pwede pero ride safe pa rin suot ka ng safety gear especially helmet
Yes I agree, na experience ko na maaksidente, akala ko pag sa bike lane ka na, magiging safe ka pero hinde, maski ikaw na nag iingat, pero yung mind set ng mga kamote hinde, mapapahamak ka padin. Nabangga ako ng L300 sa may bike lane , buti nlng nakita ako ng enforcer ang pang yayari, lulusot pa yung driver, eh kita ng enforcer asa bike lane ako . Kudos dun sa enforcer di ako pinabayaan. Binayaran ng driver sira ng bike ko, buti di nasira yung rear hub motor. Yung front wheel lng napipi. Tas one time traffic nasa bikelane ako , may walang hiyang motor pinapaalis ako sa bike lane . Isampa ko daw sa sidewalk haha , the audacity talaga. Ako nmn sumunod kase traffic talaga tas ako nlng ang bike sa lane, puro motor na sa harap ko haha. Ang di ko lng nagustohan yung pagkasabi nya, kala mo may ari ng kalsada. Tas yung enforcer nmn andun, wala paki, magisa lng kase nag mamando, isinumbong ko, wala daw sya magawa kase traffic talaga.

medyo mahal din kay i-wheels. 26k to 36k yung MAKE emtb nila.

ito yung samin ts
View attachment 2301131
Woah ayus yan, plano ko nga mag add ng extra battery sa may rack pwesto. Maganda sya pag mag long ride ka, pag uphill grabe pinapagaan nya yung padyak ko dahil sa pedal assist haha. May mga bikers group na nakakasabay ako pag uphill, naging close ko sila kase nag overtak ako sa kanila ng pa uphill haha. Naging interesado din sala sa build ko. Imagine mag long ride ka, tas pede mo i charge sa hotels na mga mura or mga short time. Tas arangkada ulet. Ang saya. Pinaka malayo na naabot ko is real quezon. Tas pabalik no probs basta stop over sa hotel pag napagod tas charge mo dun , then the next, banat ulet.
 
Last edited:
Yung sa motor complete set 11k
Yung battery ang mahal eh , pag DIY, naka 9k ako. Pero may nabibili naman gawa na. Mga around 20k nagastos ko pwera pa sa mga upgrades sa bike.

Yung bike is matagal nang naka stock sa bahay. Kinonvert ko lng.
Mag invest
 

Similar threads

Back
Top