What's new
Pinoy Internet and Technology Forums
Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to. Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

My Defi Pet Guide | How to's ETC.

PinoyMod

Elite
Joined
Mar 2, 2016
Posts
632
Reaction
1,269
Age
32
Hi guys!

Long time no post, since the lazada 100 thread haha

Pero this time, gusto ko sana gumawa ng thread regarding sa napaka hype ngayon na NFT games sa Pilipinas, maybe sa Southe East Asia, "Ang My Defi Pet"

Start na agad. BTW, Im using BSC Network on this tutorial.

dpet.png

So, ano nga ba ang My Defi Pet?

-Kung Pamilyar kayo sa ibang NFT games like Axie, CryptoBlades etc. Same lang sila. Although nagkakatalo sa feature ng game, same concept sila halos.
Mag i-invest ka ng pera to buy characters na gagamitin mo in-game naman to earn some tokens, na kalaunan ay pwede mong ipapalit sa real money.

g.png


Sa "My Defi Pet" naman, napaka easy ng game. Kung ikaw ay nasa fb na ng mga panahong uso ang farmville at dragon city, e tyak madali na lang sayo ang
gameplay ng MDP. Build, farm and battle and concept ng MDP kaya naman napaka dali lang nyang laruin.

May Bayad ba pag sasali sa MDP?

-YES!. Kagaya ng ibang NFT games, invest to play to earn ang konsepto ni MDP. Meaning kailangan mong maglabas ng puhunan bago mo malaro ang full feature ng game.
Same lang to ng pag iinvest sa cypto at stockmarket. Although inintegrate lang sya as a game to make it more marketable, same padin sila ng proseso. "Invest-trade-earn".

So, Magkano ba ang dapat ilabas bago makasali sa MDP?


-Dito na papasok ang pagttyaga mo sa pagbabantay sa pagtaas baba ng presyo ng DPET Token. As of writing, nasa 300+ pesos na ang 1 DPET token. Kailangan mo ng 3 DPET token para makabili ng "EGG" in game na syang gagamitin mo para makalaro ng MDP. Minimum of 5 Pets and required para makasali sa PVP feature nito na magbubukas sa mga susunog na buwan.

Eto ang simple computation para sa mga gustong magstart:

Price of DPET token (As of writing) = Php 302.68
Price per EGG = 3 DPET token
Required Pet to start = 5 PETS
Gas FEE from Metamask = Varies (usually 10-13 pesos per transaction)

So total, kailangan mo ng 5 PETS x 3 DPET Token x Php 302. 68 = Php 4, 540.20 + GAS FEE

Masyado na malaki di ba? Sa akin kase, nakabili ako ng Dpet token sa halagang 101 pesos each last July first week.

Eto ang naging investment ko:

Price of DPET token (July 6, 2021) = Php 101.00
Price per EGG = 3 DPET token
Required Pet to start = 5 PET
Gas FEE from Metamask = Varies (usually 10-13 pesos per transaction)

Overall, nagspend ako ng Php 1,515 noong July 6. para makapag invest sa MDP. Ang Value ng ngayong ng aking investment ay Php 4,540+ at maaari pang tumaas sa mga susunod na buwan pag nagstart na fully ang game.


Paano magstart at maglaro ng MDP?

Although the game is fully playable na as of the moment, di pa sya fully implemented dahil may mga features pang inaanatay like PVP, Adventures, Marketplace, trading, etc. At as per MDP twitter, this year nila ilababas ang ibang feature ng MDP.

Ano nga ba ang mga kailangan para makalaro ng MDP?

1. Knowledge sa Crypto, Trading vocabulary and terms (Kahit Basic lang)
2. Money (Syempre) as per DPET token price, need 4,500 pesos to 5,000 pesos to have 5 pets
2. PC or Android Phone (Via Yandex Browser)
3. Fast Internet Connection or Data (Stable Connection ang Kailangan, Don't use VPN para safe)
4. Chrome Browser + Metamask Extensions (Mga importante para makalaro)
5. Pasensya and Tiwala sa MDP. (Kaw na bahala dito)

Pano ba mag Set-Up to Start? (Sa mga may konting Kaalaman na sa Crypto)

1. Merong 2 way para makagawa ng account sa MDP, Una is sa thru BSC at isa naman ay sa Kardia Chain.


Kung BSC ang gagamitin (meaning Binance Smart Chain ang Network na gusto mo), Kailangan mong gumawa ng account sa Binance at kung wala pa.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
. Need to Verify your account hanggang Intermediate level, para makapag buy ka at sell agad ng crypto.

After mong makagawa ng account sa Binance at maverify, punta ka lang sa official webpage ng MDP You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. at iclick and PLAY NOW.

2. Intall Metamask extension and Register


May makikita kang 2 Network, Connect To BSC at Connect to Kardia Chain. At dahil sa BSC tayo gumawa gn account, BSC ang iko-Connect natin. Make sure na nakapag register ka na sa Metamask bago iclick ang "Connect to BSC" para mag sync ito. Pag ok na, click connect to BSC para makapag register in-game. Isave ang Secret Phrase sa safe na lugar, mas maganda sa notebook mo isulat para di mo makalimutan.

Note: Wag na wag mong ibibigay ang secret phrase na ito kahit kanino, dahil kung sino man ang may hawak neto ay madali nyang mapapasok ang account mo sa metamask.

Question:
Bakit hindi Binance Smart Chain ang Network ko at Etherium Mainnet sya?

Answer: Take note of this part. Manually natin ilalagay ang network ni BSC o Binance Smart Chain para makapagsend ka ng crypto from Binance account na ginawa mo kanina.

Paano i add manually ang BSC network:

1. Click Metamask Extension sa top right ng chrome (yung may orange na logo ng fox)
2. Click Settings (yung bilog sa top right)
3. Click ulit yung settings sa baba
4. Click Networks
5. Then Add Network at itype ang nasa picture (ng walang mali)
216138058_926460214881721_3556527008231292013_n.png


Pag Successful, makikita mo na yung BSC network sa Metamask at connected na rin sya in-game.

3. Connected na ang Metamask ko sa MDP ano ang next step?

Kapag connected na si metamask kay MDP. Time na para bumili ng "EGG". Pero Paano?

Shortcut to buy EGG (Using Gcash):
-Go to Binance to Buy USDT using GCASH.
-Go to P2P Trading and change the currency to PHP and sort the merchant to GCASH Payment only
-Select your desired merchant and make a trade
-After Receiving the USDT, transfer it to Spot Wallet. After transfering, Go to Fiat and Spot Wallet and check your coins.
-Select BNB then Trade your USDT to BNB (BNB/USDT)
-After successful trade, your USDT is now converted to BNB, what's next?
-Transfer your BNB balance to Metamask and make sure that the address is correct before transferring your balance to metamask. Check you metamask account if the balance is already reflected.
-After Transfering and balance is now on metamask, time now to buy DPET Token, but how?
-Go to pancakeswap (search it on google). Click connect on the top right corner. Click connect to metamask.
-After connecting your metamask account on pancakeswap, your BNB balance is now reflected on pancakeswap.
-The Trade must be BNB to DPET token, but can't find the DPET token? Add it manually.
-Go to mydefipet.com and scroll down and search for the MDP Contract Address or copy this and paste it on pancakeswap.
MDP Contract Address You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
-Now that the DPET token is now there, you can now exchange your BNB balance to DPET token to be able to buy EGG in game!
-Check your metamask wallet and the DPET token must be reflected.
-Goodluck Pet Masters!

Sa ngayon eto muna, Stay tuned for update!

I will update DPET token Price Everyday every 8 am and 12 am.

Drop question lang sa mga interesado.

Gawa ako thread ng MDP gameplay, kung may mga interesado.

Note: Pa message admin kung bawal para madelete. Thanks!

My New NFT game thread (Ethermon) - https://phcorner.net/threads/etherm...ser-gameplay-like-axie.1133195/#post-18738751
 

Attachments

Last edited:

choon

Established
very clear and complete, nice work sir.
just to share lang :
To do p2p trading in binance, kailangan verified yung binance account.
If di pa verified, pwede magpasok/bumili ng USDT using credit card.
After buying USDT, convert to BNB.
 
TS, daghang salamat dito

So, ₱297.43 sa ngayon ang DPET

Sa Coingecko, eto yung mga lowest niya na malapit
288 - July 21
258 - July 20
221 - July 20 (fluke?)

"Pwede na" siguro itong 298 ano? Wag na hintayin mag 288 (baka pwede) o 258 (parang malabo)
Kasi hyped siya ngayon e, so baka hindi na masyadong bababa presyo?
Ano opinyon mo?
 
DPET Price update (7-23-2021 10:54 am)
1 DPET = PHP 292.49
Minimum Pet Required 5 Pets = 5 Pets x 3 DPET token per EGG x PHP 292.49 = PHP 4,387.35 + Gas Fee

Via Coingecko
 

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,782
Guests online
1,287
Total visitors
3,069

Forum statistics

Threads
1,138,855
Posts
18,820,130
Members
1,551,330
Attachments
1,512,007
Profile posts
98,869
Top