What's new

My CRUSH May PAG-ASA ba o WALA

Status
Not open for further replies.

Jayfoxsoul452

Forum Veteran
Elite
Joined
Mar 10, 2015
Posts
1,675
Solutions
1
Reaction
873
Points
602
Age
26
Magandang Gabi Po Mga ka PHC 😊

Sa Ngayon po yung pakiramdam ko parang na lilito na po parang mawalan na ako ng pag asa sa isang taong pinaka CRUSH ko sa lahat.

Kayo po sa situation ko ngayon may chance po ba ako sa kanya. Mahirap siya isuko eh ayuko ng maulit pang masaktan dahil sa crush. araw2x ako tumingin sa cp ko palagi din akong online kung mag cha chat siya. Minsan mag cha chat siya compare daw ako sa ibang artisa grave gwapo ako uh hahhahaa. Minsan tumawag siya kung anung mga pag usapan namin mga 4 or 5 na oras kami mag usap hanggang madaling araw na. Parang masaya ako na araw na yan.

Hiling ko lang sa buhay ko Siya na talaga para sa akin. palagi akong magdasal na safe siya, Pina suprise ko siya sa ginawa kung website na may mga tamis na salita effort ko yun ginawa para maaliw naman siya. Parang sabihin ko na sa kanya yung naramdaman ko. Pero di pa ako handa.baka sabihin niya na friends lng tayo or may tao din para sayo. mawalan na akong gana.

Sa ngayon po nag change ako ng background chat sa messenger na LOVE THEME then nagtataka ako seen lng niya yung mga chat ko. Parang hindi siya nag re reply. Ayuko din mang harrast sa kanya kasi hindi ako ganyang tao. Nag hihintay lang ako. Baka ma reply siya. Baka siguro busy siya ngayon.

FOCUS talaga ako sa isang Tao. Hindi ko talaga siya ipagpalit sa iba. Siya lang talaga para sa puso ko. Kung may chix dyan hindi ako titingin talaga.

Sa inyo guys ipagpatuloy ko ba na hihintayin ko siya or mag offline nlng ako palagi sa FB. Mag lalaro nlng ako ulit.

Kasi hirap na eh ayuko nang maulit pa nangyari sa akin noon ni reject ako noon.
Yung ****** ko parang mahina na sa kaka worry. Parang naawa na ako sa sarili ko.
 
pakitandaan nalang na iba ang infatuation sa love saka paano mo siya nagustohan need mo itanong sa sarili mo crush mo nga ba siya or mahal

infatuation or love?

saka kung LDR yan yan ang pinaka mahirap ts malupitang observation ang kailangan mo baka sa huli ikaw ang masaktan.
 
Parang nalilito na ako boss. Pero may gusto ako sa kanya dahil sa pagiging faithful niya mataba siya maganda, ma appriciate mo yung mga sabihin niya. Yung mga poblema ko. Dapat mga ganyang babae iingatan talaga yan.
 
Ako lang ba? Yung pagkabasa ng compare ay " kom-pa-re hahahahah. Umamin ka ts na may gusto ka. Remember hindi ka lang ang nagkakagusto sa kanya meron ding iba baka maunahan ka pa. Wala namang mawawala kung umamin ka. Kung ireject edi move on. Kung bet naman pala nahihiya lang.
 
Parang naging facebook na to ah :ROFLMAO:

Eneweys.. actually I`ve also experienced that situation of yours. Yung tipong may araw na inaabot kayo ng madaling araw magka chat, tapos meron din namang buong araw kayong hindi nagcocommunicate. Dumating ako sa puntong nafall na talaga ako sakanya, masaya ako pag kachat ko siya, pinapatawa, binibigyan ng advices sa buhay, tsaka tinuturuan siya sa ibang mga subjects na nahihirapan siya. Minsan naman naguusap kami tungkol sa mga past relationships namin. That time akala ko nafafall na din sia sakin kasi diba imaginin mo, pag magkachat kami inaabot kami ng almost 3:00 or 4:00 ng madaling araw.. Eh kaso naobserbahan ko, kapag hindi ako nagchat sakanya hindi rin siya magchachat sakin. Eh minsan ayoko din siya ichat kasi alam kong busy sia sa studies nia, ayoko naman mang istorbo. So ayon, pinakiramdaman ko lang, sinubukan kong di magchat hanggat di sia nagchachat para malaman ko kung mamimiss nia ba ako. Eh ang kaso nagtaka ako kasi almost 1week na kaming di nagkakachat, pero ni hoy ni hi wala. Hanggang dumating yung pasko nung 2019, binati ko sia syempre and I expect na magrereply sia ng mahaba kasi matagal tagal kaming di nagcommunicate (almost 1month), eh kaso sobrang ikli ng reply nia nun, then nag follow up chat ako kaso di na nia sineen. Nahurt ako nun hahaha kaya simula nun, diko na sia chinat, diko na nirereact-an mga posts nia, di nako nagcocomment sa mga tweets nia, in short di ko na sia pinakialamanan.. Naisip ko, baka naging assuming lang ako, baka friendly lang talaga sia masiado to the extent na nafall nga ko. Mahirap yang situation mo TS lalo na kung nag invest kana ng feelings sa kanya, knowing na wala ka namang pinanghahawakang assurance or commitment kung ano kaba sa buhay nia. If I were you, just stay low muna, wag mo muna ibigay yung 100% attention mo sakanya, maglibang ka, wag mo siyang istalk or kulitin masiado, sige ka baka mabigla ka pag sinabi niang FRIENDS LANG TAYO. So much better just be friends with her, FOR NOW. Pakiramdaman mong mabuti kung mutual ba ang feelings nio sa isat isa o baka ikaw lang ang nakakaramdam niyan. Mahirap maging assuming TS. Remember this legendary quote: TOO MUCH EXPECTATIONS CAN LEAD TO TOO MUCH DISAPPOINTMENTS!
 
Last edited:
Just tell her about how you feel. You said it already na halos 5 hours kayo magkausap sa phone. Pero nung nag Change theme ka di kana pinapansin.. Don't jump into conclusions agad. Maybe she's busy lang. May ginagawa pero if nag seseen lng siya then maybe nailang siya sa sa pag change ng theme. May tawagan naba kayo? Maybe she's too friendly lng. Ilaw buwan naba kayo magkausap n girl?
 
di yun busy maam palagay ko "seen" nabasa na so what pwede sabihin nung girl na wait huh kasi busy ako
kasi kung busy siya walang "seen" na magaganap kasi busy nga pero pag na seen siya at active pa rin si girl may problema na diyan dilang napapansin ni ts
 
[XX='___RELENNUT___, c: 531330, m: 454032'][/XX] yun nga eh. Ng seseen lng si girl. Maybe she's not into relationships pa TS. She enjoys your company kaya ganun kahaba pinag uusapan niyo.. My advise,, dont rush things. If she's the one then she's the one tlga. Just ask her ano problema why she's seeing your messages lng. Maybe nafafall na rin siya sayo💕
 
Mag paka totoo ka lang ts, subokan mo kaya ibahin diskarte mo mga plano sa hinaharap lagi mong e topic lalo na kong mag kaka pamilya kana . Para kasi sa mga babae pag ganyan mindset ng mga lalaki matured mag isip at nakaka turn on.
 
Suko na ako guys wala na akong magawawa. Baka ma destruct lang to sa akin while nag wo work ako walang halong inspiration walang nag momotivate sa akin. Siya sana pero wala parang gusto ko na umiyak ngayon hindi ako makatulog. Mahirap magiging seryoso kasi nererespito ko yung babae.
kaysa maging f**k boy na madali maakit ng babae. Salamat sa inyo guys. Wag kayong mag alala nandito pa naman ako. Salamat din sa inyo. Sinagot nyo yung katanungan ko. 😊 more power po sa inyo. 💝
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top