What's new

Move on na ba?

sour kreme

Honorary Poster
Joined
Jun 13, 2017
Posts
334
Reaction
168
Points
162
Magandang hapon mga ka PHC, now lang ako sinipag ipost to.

Bale di na kasi kami nakakapagusap nung gf ko, halos isang buwan na, nung 20 inunblock ko sya. Bat ko naman sya niblock? nag away kasi kami nung nakaraan, bale gumawa ako dummy account tapos nastalk ko yung dummy account nya na blinock ako, nakailang palit sya ng dp tapos puro ex nya lang nag ccomment tsaka react. Tapos ayun sabi nya di naman daw sila nag uusap nyun, sabay pinakita ko mga screenshot, naumay ako sa kasinungalingan nya, actually ilang beses na, dati nga ayaw nya pa ipakita acc nya kasi inoopen daw nung mama nya pero nung binigay nya after ng ilang buwan, device nya lang naman naka save dun sa info. Basta maraming beses pa syang nagsinungaling sakin pero di ko na ililista. Open naman ako sa kanya sa lahat, naoopen nya pa nga acc ko nun.

Ayun balik tayo, walang actual na breakup na naganap eh, basta nung kinausap ko sya, pinagtatabuyan nya nako, lahat ng social media acc nya, chinat ko pero ganun lang reply nya, puro wag na raw akong magparamdam, ayaw nya na daw.

Feel ko sa side nya okay na sya, pero sakin hirap na hirap parin ako. Kasalanan kong blinock ko sya pero kaya ko kasi ginawa yun para matahimik kahit papano utak ko, pahinga ba. Ang hirap, di ko alam kung hihintayin ko pa ba sya o tatanggapin ko nalang. Kaso kapag naiisip kong tatanggapin ko, parang di ko kayang isurrender yung pinagsamahan namin.

Pasampal naman ako ng realidad.
 
Alam mo bang mas marami ang babae kesa sa lalaki? idagdag mo pa ang mga bakla so mas lalong lumiit mga lalaki sa mundo.. Kaya kung ako sayo, kung ayaw na ng tao sayo. Wag mo nang habulin. magbigay ka ng Value sa sarili mo, minahal mo naman sya diba? ginawa mo naman lahat ng makakaya mo para mapasaya sya diba? kaya wag mong habulin. Hayaan mo siya na maglandi sa iba...Ang isipin mo you did everything for her so wag kang manghinang sa iisang babae lang. Hindi siya ang para sayo. may mas Deserving pa para sayo. Yun lang. GISING KANA BRO.
 
Ika nga nila time heals all wounds, bigyan mo sya ng oras para makapagisipsip. Give her space. Kung wala na talaga, well marami namang isda sa dagat, except sa likod ng MOA, napatay na ung mga isda dahil sa white sand. Once na ready ka na,iunblock mo siya, mag hello ka, padala ng nakakatawang meme, o kaya batiin sya ng Marry Christmas. Kung wala talagang reply well relationship over. Move on na, magpatugtog ng Forever blue habang may hawak na kape at pinapanood ang baba ng araw. Kaya mo yan tsong, ganyan ang relasyon, may ups and downs, left and right, No U-turn, at 45kph. Mas maganda na clean breakup, kaysa nagiisip kayo kung kayo pa ba, kaya after 1 week text mo lang, lagyan mo ng smiley face, piso lang yun, tipid na tipid. Paminsan nauuso ang pagsisinungaling, kaya ika nga nila ang tiwala ay parang baso, pag sobrang basag na ang baso hindi na ito mapapalitan, kaya sa Lazada ang bagsak.

O siya, nandito na ung order ko from Lazada. Good luck pre.
 
[XX='sour kreme, c: 526904, m: 917904'][/XX] get a hobby, play a game, distract yourself, chat with others, go to dating site, bond with your family, friends and acquaintances etc.
 
[XX='sour kreme, c: 526937, m: 917904'][/XX] make a move. wag ka mag intay na ikaw ang e approach ng babae. ano ka ba torpe? nagka gf ka naman diba... so alam mo na pano dumiskarte..
 
[XX='sour kreme, c: 526937, m: 917904'][/XX] bata ka pa pala. dami ka pa makikilala. punta ka sa mga bar pag gabi kasama mga kaibigan mo. bili ka ulit ng gitara baka makabuo ka na ng kanta. haha wag ml magdota ka nalang tas makipag trash talk haha
 
Simplehan ko lang paps. Kung mahal mo pa ilaban mo pero kung wala nang natitirang pagmamahal edi suko na. Ganun lang. Ang bata mo pa marami ka pang pagdadaanan sa buhay pag ibig mo hehe 😉
 
Mag work-out ka ts sureball yan may chix ka palagi. Plus, magandang hobby yan tsaka malay mo mahanap mo yung partner mo sa gym hahahahaha. Proven and Tested na yan (y)
 
as long na nagsisinungaling siya sayo mayron yang tinatago.. kapag ganyan ang babae layuan mo na, mauulit at mauulit lang yan at pag aawayan nyo paulit ulit din.. been there na move on nalang.. tikim ka lng ng ibang babae limot agad yan hahaha
 
kapag ang babae na ang nagloko, wala na yan. nangyari na din skin yan. move on ka na lang. lagi mong isipin na maswerte ka at gf mo pa lang sya eh nangyari na agad yan, paano na kung mag-asawa na kayo.
 
Well para sa ikatatahimik ng yung puso (charaught 😂) I think you need closure, since sabi mo walang actual break up para maka move on ka na ng bonga.
 
Bakit mo kasi ni block par, tuloy naghanap siya kalinga sa iba. Imbes na ayusin at pagusapan tsk gg na par move on na. Or kausapin mo for closure kung nahihirapan ka. You need to let her go isa siyang haliparot haha. Imagine yung dating inayos mo siya din pala wawasak sayo.
 
Back
Top