What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Move on na ba?

sour kreme

Established
Joined
Jun 13, 2017
Messages
263
Reaction
158
Age
22
Magandang hapon mga ka PHC, now lang ako sinipag ipost to.

Bale di na kasi kami nakakapagusap nung gf ko, halos isang buwan na, nung 20 inunblock ko sya. Bat ko naman sya niblock? nag away kasi kami nung nakaraan, bale gumawa ako dummy account tapos nastalk ko yung dummy account nya na blinock ako, nakailang palit sya ng dp tapos puro ex nya lang nag ccomment tsaka react. Tapos ayun sabi nya di naman daw sila nag uusap nyun, sabay pinakita ko mga screenshot, naumay ako sa kasinungalingan nya, actually ilang beses na, dati nga ayaw nya pa ipakita acc nya kasi inoopen daw nung mama nya pero nung binigay nya after ng ilang buwan, device nya lang naman naka save dun sa info. Basta maraming beses pa syang nagsinungaling sakin pero di ko na ililista. Open naman ako sa kanya sa lahat, naoopen nya pa nga acc ko nun.

Ayun balik tayo, walang actual na breakup na naganap eh, basta nung kinausap ko sya, pinagtatabuyan nya nako, lahat ng social media acc nya, chinat ko pero ganun lang reply nya, puro wag na raw akong magparamdam, ayaw nya na daw.

Feel ko sa side nya okay na sya, pero sakin hirap na hirap parin ako. Kasalanan kong blinock ko sya pero kaya ko kasi ginawa yun para matahimik kahit papano utak ko, pahinga ba. Ang hirap, di ko alam kung hihintayin ko pa ba sya o tatanggapin ko nalang. Kaso kapag naiisip kong tatanggapin ko, parang di ko kayang isurrender yung pinagsamahan namin.

Pasampal naman ako ng realidad.
 

Mark Fredgie

God's Disciple
Contributor
Alam mo bang mas marami ang babae kesa sa lalaki? idagdag mo pa ang mga bakla so mas lalong lumiit mga lalaki sa mundo.. Kaya kung ako sayo, kung ayaw na ng tao sayo. Wag mo nang habulin. magbigay ka ng Value sa sarili mo, minahal mo naman sya diba? ginawa mo naman lahat ng makakaya mo para mapasaya sya diba? kaya wag mong habulin. Hayaan mo siya na maglandi sa iba...Ang isipin mo you did everything for her so wag kang manghinang sa iisang babae lang. Hindi siya ang para sayo. may mas Deserving pa para sayo. Yun lang. GISING KANA BRO.
 
10 Comments View more comments…
J
Josemari_10
Patama Tama sakin to sinabi ni ts
 

boysbe

Established
Ika nga nila time heals all wounds, bigyan mo sya ng oras para makapagisipsip. Give her space. Kung wala na talaga, well marami namang isda sa dagat, except sa likod ng MOA, napatay na ung mga isda dahil sa white sand. Once na ready ka na,iunblock mo siya, mag hello ka, padala ng nakakatawang meme, o kaya batiin sya ng Marry Christmas. Kung wala talagang reply well relationship over. Move on na, magpatugtog ng Forever blue habang may hawak na kape at pinapanood ang baba ng araw. Kaya mo yan tsong, ganyan ang relasyon, may ups and downs, left and right, No U-turn, at 45kph. Mas maganda na clean breakup, kaysa nagiisip kayo kung kayo pa ba, kaya after 1 week text mo lang, lagyan mo ng smiley face, piso lang yun, tipid na tipid. Paminsan nauuso ang pagsisinungaling, kaya ika nga nila ang tiwala ay parang baso, pag sobrang basag na ang baso hindi na ito mapapalitan, kaya sa Lazada ang bagsak.

O siya, nandito na ung order ko from Lazada. Good luck pre.
 
1 Comment
S
sour kreme
salamat papsi. di ko narin siguro babalakin kausapin, baka manumbalik pa yung mga sinabi nya sakin. sakit pa naman
 

copro14

Elite
Simplehan ko lang paps. Kung mahal mo pa ilaban mo pero kung wala nang natitirang pagmamahal edi suko na. Ganun lang. Ang bata mo pa marami ka pang pagdadaanan sa buhay pag ibig mo hehe 😉
 
Comment
as long na nagsisinungaling siya sayo mayron yang tinatago.. kapag ganyan ang babae layuan mo na, mauulit at mauulit lang yan at pag aawayan nyo paulit ulit din.. been there na move on nalang.. tikim ka lng ng ibang babae limot agad yan hahaha
 
Comment
kapag ang babae na ang nagloko, wala na yan. nangyari na din skin yan. move on ka na lang. lagi mong isipin na maswerte ka at gf mo pa lang sya eh nangyari na agad yan, paano na kung mag-asawa na kayo.
 
Comment
Well para sa ikatatahimik ng yung puso (charaught 😂) I think you need closure, since sabi mo walang actual break up para maka move on ka na ng bonga.
 
Comment

epalkapala

Established
Bakit mo kasi ni block par, tuloy naghanap siya kalinga sa iba. Imbes na ayusin at pagusapan tsk gg na par move on na. Or kausapin mo for closure kung nahihirapan ka. You need to let her go isa siyang haliparot haha. Imagine yung dating inayos mo siya din pala wawasak sayo.
 
Comment

ainetots

Established
may halong swerte parin paps dahil magjowa pa lang kayo hindi pa magasawa. kami may anak na pero dumating parin sa point na nagloko kami parehas .ako sa ex sya sa indiano hahahaha .btw hanggang may nakikita ka pang pagasang maayos ayusin pero kung wala na why stay diba. kailangan mo rin bigyan ng importansya yung sarili mo para sa future mo mahirap matali sa ganyang sitwasyon lalo na kung paulit ulit
 
Comment

kaneki98

Established
as long na nagsisinungaling siya sayo mayron yang tinatago.. kapag ganyan ang babae layuan mo na, mauulit at mauulit lang yan at pag aawayan nyo paulit ulit din.. been there na move on nalang.. tikim ka lng ng ibang babae limot agad yan hahaha
Hahahha
 
Comment

Luvi

Established
Bigyan mo na ng closure yan ts, uulit lang yan hanggang sa masanay ka na. Mabuti pang sarili muna ts
 
Comment

Bags Rakenrol

Established
putek ang hirap nyan. maisip ko pa lang na may kalandian partner ko parang gusto ko na silang sapakin parehas. manghihiram talaga sila ng mukha sa aso. anyway, pabayaan mo na yan brad. wala na yan pag nagloko na ang babae. naranasan ko na yan. sobrang sakit. hanap ka na lang ng bagong iislammin. hehe 🤘
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,069
Guests online
1,893
Total visitors
2,962

Forum statistics

Threads
1,012,544
Messages
17,360,267
Members
1,485,725
Comments
678,980
Attachments
1,136,271
Profile posts
96,444
Top