Medyo mahaba 'tong sagot ko pero pagtiyagaan mo na lang din ..
Sa panahon ng pamamahala ng Kristo, magkakaroon ng isang malawakang pagtuturo tungkol sa layunin ng Diyos para sa Lupa. So, sa panahon na 'yan, lahat ng bubuhaying muli ay may pagkakataong matuto tungkol sa Diyos at mapaglingkuran siya.
Sa panahon ding iyan ay unti-unting isasauli ang Paraiso sa Lupa. Muling irerestore ang Lupa sa dati nitong kalagayan na mala-Paraiso. Kaya magkakaroon ng malawak na pagsasaayos muli sa Lupa. Yan yung sinasabi ni Brother Morris na after Armageddon, kakailaganin talaga yung mga may skill sa pagkokonstruksiyon at plumbing. Pero kahit naman ang mga makatatawid ng buhay sa Armageddon na walang skill na ganiyan ay puwede pa rin naman maturuan ng ganyang skill doon para magkaroon sila ng bahagi sa pagsasauli ng Paraiso sa Lupa.
Gaya ng nabanggit ko na kanina, si Satanas at ang kaniyang mga demonyo ay ilalagay sa "kalaliman", isang sagisag ng kalagayan kung saan hindi nila magagamit ang kanilang kapangyarihan para impluwensiyahan ang mga tao na gumawa ng masama. (May mga teksto 'yan sa Bible; di ko na kino-quote para mas madali ang sagutan; pero may mga basehan 'yan sa Bibliya kaya, ikaw na bahala kung pagdududahan mo yang mga paliwanag ko dya'n)
Kaya sa panahon ng paghahari ni Kristo, payapa ang Lupa.
Karagdagan na din, sa panahon ng pamamahala ng Kristo, ikakapit ang bisa ng hain ng pantubos ni Jesus, kung saan ang mga tao ay hindi magkakasakit, at hindi dadaloy sa kanilang yung "kasalanan" na nagdudulot ng pagkakasakit at kamatayan. (Iba yung 'kasalanan' na pagsuway sa Diyos ah. Yung tinutukoy kong kasalanan dya'n is yung 'sumpa' na ipinahintulot ng Diyos na nagdudulot ng 'pagtanda at kamatayan' na napasaatin dahil sa 'kasalanan' ng pagsuway ng ating unang magulang'.Gets?)
Ang masasabi ko lang dito ay ang good and evil lang sa panahong iyon ay 'pagsunod' at 'pagsuway' .. Pero ayon sa hula ng Bibliya, hindi pahihintulutan ng Diyos na magtagal ang buhay ng isang masuwayin ..
Kung ikukumpara sa buhay na walang hanggan, ang papatayin ni Jehova sa panahon ng paghahari ni Kristo dahil sa hindi pagpapasakop sa soberanya ng Diyos ay maituturing na 'bata lang' kahit umabot pa siya ng isandaang taong gulang doon ..
Ito yung sagot ko sa tanong mo na 'may evil ba during his time'?
Again, yes, mero'n, pero hindi hahayaang makapanggulo ang isang taong ayaw magpasakop sa soberanya ng Diyos sa panahong iyon .. Pero kung ikakatuwiran mo sa akin na may mag-eexist pa din namang masama after Armageddon, at para saan pa na pinuksa ang masasama sa Armageddon kung mayroon pa ding masama sa panahon ng paghahari ni Kristo .. Buweno, ang kaibahan ng pagkakaroon ng masama during 1,000 years ay hindi ito magtatagal, hindi tulad ng pagtagal ng masasama dito sa lupa ngayon na nagdudulot ng sobrang paghihirap ng mga tao .. Hindi na iyan ipahihintulot ng Diyos sa panahon ng paghahari ni Kristo, kapag may basehan na upang 'i-remove', wika nga, sa Lupa ang isang 'makasalanan' o isang masuwayin, posibleng pasapitin ni Jehova na mamatay na ang taong iyon .. Gets?
Basta, sa panahon iyan, patuloy na bibigyan ng pagkakataon ang mga tao na magpasakop sa soberanya ng Diyos, kapuwa y'ong mga nakatawid ng buhay sa Armageddon at y'ong mga bubuhaying muli .. Ok?
Yes, it is! At gaya ng nasabi ko na, hindi patatagalin ang pag-iral ng mga taong hindi magpapasakop sa pamumuno ni Kristo sa panahong iyon ..
Nope. Walang sinasabi ang Bibliya kung gaano katagal ang pagpuksa.
Pero yung pagligaw ni Satanas sa mga tao sa panahong iyon ay malamang na 'hindi mahabang panahon' ..
Parang ganito lang 'yan, kapag ang mga tao ay may iisang kaisipan, mabilis silang makabuo ng grupo. Tulad ng nangyari noong itinatayo ang tore ng Babel. Nang magkaroon ng iisang kaisipan ang mga tao na magtayo ng isang tore para sa kanilang sarili, mabilis nilang naitayo ang mga tore bagaman posibleng lumipas din ang maraming buwan o mga taon sa pagtatayo niyaon.
Kaya sa panahon na pakawalan si Satanas, malamang na ang iimpluwensiyahan niya ay y'ong may rebellious ng saloobin sa organisasyon ni Jehova, o y'ong mga taong ayaw talagang magpasakop sa pamamahala ng Kristo (mga taong inabutan na lang ng pagpapakawala kay Satanas)
Ayon sa hula ng Bibliya . . .
Mabilis na iimpluwensiyahan ni Satanas ang mga taong iyon para bumuo ng isang rebelyon laban sa mga 'banal', o mga lingkod ni Jehova na nagpapasakop sa 'banal' na Diyos.
Kapag nabuo na ang grupo ng mga taong iyon na magrerebelde pa din sa Diyos, ang hatol sa kanila ay pagkapuksa ng walang-hanggan. Yamang tapos na ang pagkabuhay-muli sa panahong iyon, ang mga taong iyon na mamamatay ay talagang walang hanggan ng puksa. Sa pagkaunawa ng mga saksi, ang 'lawa ng apoy at asupre' ay sumasagisag lamang sa 'lubusang pagkapuksa'
Ang salitang 'pahihirapan' naman ay galing din yan sa Greek word na 'basanos', at isinasalin ding 'tagapagbilanggo' .. Kaya yang word na 'pahihirapan magpakailanman, araw at gabi' ay tumutukoy sa pagkabilanggo sa 'kamatayan magpakailanman araw at gabi' .. Kaya, kailanman ay hindi na sila iiral .
Kaya, sa aral naming mga Saksi, si Satanas at ang mga demonyo, at y'ong mga magrerebelde after 1,000 years, sila ay LUBUSANG PUPUKSAIN NA. Hindi kailangang pahirapan sila magpakailanman gaya ng literal na unawa ng ibang religion sa tekstong yan .. mas gusto ni Jehova na puksain sila magpakailanman .. Sa iba kasi gusto nila nag-eexist pa si Satanas at pahirapan din yung mga masasama .. which is, ayon nga sa pagkaunawa naming mga saksi eh salungat iyon sa katangian ni Jehova na 'pag-ibig' dahil ilang taon nga lang ding nabuhay ang mga tao tapos pahihirapan magpakailanman .. Hindi makatarungan yung gayong hatol .. Okay? Sa aral yan ng mga saksi ah .. Baka kasi may makisingit na naman dito sa thread na to na nagsasabing mali turo namin about sa Apoc. 20:10 .. Bahala na sila dyan haahhahaha ..
Alam kong eto talaga pinakatinatanong mo eh ..
Buweno, ayon sa hula ng Bibliya, ganito ang sinasabi:
So, yamang ang mga matuwid ay y'ong mga napatunayang tapat na sumusunod sa standard ng Diyos, ang morality na itatakda ng Diyos after 1,000 years ay ganoon pa din naman yamang ang 'lawa ng apoy' na sagisag ng 'lubusang pagkapuksa' ay hindi naman nawala .. kundi ang 'kamatayan at ang Hades' lang at si Satanas at mga alipores nito ..
Tulad ni Adan na ang pagiging perpekto at pagkakaroon nila ng buhay na walang-hanggan ay nakadepende pa din sa pagsunod sa utos ng Diyos ..
Ganito ang paliwanag ng aming publikasyon sa tanong na iyan:
"Ano ang mangyayari sa maghihimagsik matapos ang huling pagsubok kapag wala na ang kamatayan o ang Hades?
Sa panahong iyon, wala na ang Adanikong kamatayan. At ang Hades, ang karaniwang libingan ng sangkatauhang may pag-asang mabuhay-muli, ay wala na. Gayunman,
maaari pa ring lipulin ni Jehova ang sinumang maghimagsik sa pamamagitan ng lawa ng apoy, anupat wala nang pag-asang buhaying muli. Ang kamatayang iyan ay magiging tulad ng kamatayang naranasan nina Adan at Eva, hindi ang kamatayang minana ng mga tao kay Adan.
Gayunman,
WALANG DAHILAN PARA ISIPIN NA MANGYAYARI ANG GAYON. Ang mga nakapasa sa huling pagsubok ay naiiba kay Adan sa isang mahalagang diwa. Lubusan na silang nasubok.
Makapagtitiwala tayo na magiging maingat at mahusay ang pagsasagawa ng huling pagsubok dahil alam ni Jehova kung paano lubusang suriin ang mga tao. Makapagtitiwala tayo na sa pamamagitan ng huling pagsubok, maaalis ang sinumang gagamit ng kanilang kalayaang pumili sa maling paraan. Kaya bagaman posible para sa mga nakapasa sa huling pagsubok na maghimagsik sa Diyos at mapuksa dahil dito, napakalayong mangyari nito."
__
Ang sagot, may morality pa din .. Naroon pa din yung standard ni Jehova pagdating sa kung ano ang 'mabuti' at kung ano ang 'masama' kaya kahit nakapasa na sa huling pagsubok ang mga tao, mananatili pa din ang standard na iyon para malaman ng mga tao na may Diyos na karapat-dapat magtakda ng 'mabuti at masama'. Isang Diyos na karapat-dapat magtakda ng sakdal na pamantayan.
__
Ngayon kung ikakatuwiran mo na bakit pa kailangan ng morality sa panahong iyon kung lahat naman na ay masunurin sa Diyos at sasabihing parang wala din naman palang kuwenta yung Armageddon at huling pagsubok dahil still possible na may sumuway pa din pala, well, sa panahon naman na 'yan, sabi mo nga, wala ng mga tao na tulad mo na palatanong .. So, y'ong mga taong iyon na nakapasa sa huling pagsubok ay talagang napatunayang sumusunod sa moral na itinakda ng Diyos para sa kanila .. Kaya, napakalayong mangyari na kukuwestiyunin pa ng mga taong iyon ang gayong 'moral' na itinakda ng Diyos dahil lang sa iisipin nilang 'nakapasa naman na sila sa huling pagsubok' ..
Sabi ng Bibliya,
1 Corinto 10:12 Kaya ang sinumang nag-iisip na nakatayo siya ay dapat mag-ingat para hindi siya mabuwal.
Ang punto, hindi porke't sakdal na ang isang tao sa panahong iyon ay dapat na siyang magtiwala sa sarili niyang kayang-kaya na niya ang sarili niya nang walang 'moral' na sinusunod galing sa pamantayang itinakda ng Diyos .. Ang pagtatakda ng Diyos ng 'tama at mali' sa panahong iyon ay pagpapakita lamang na ang walang hanggang buhay na taglay nila ay tinanggap nila, hindi dahil sa napatunayan nilang karapat-dapat sila para dito, kundi dahil iyon sa pagmamahal nila sa Diyos at sa pagsisikap nilang sundin ang mga pamantayang moral niya ..
Kaya eto na lang din ang tanong ko sa'yo .. Patuloy mo pa rin bang kukuwestiyunin ang mga pagkilos ng Diyos sa panahong iyan kung sakali mang naging lingkod ka niya at nakapasa ka sa huling pagsubok? [Kung sakali lang naman]