What's new

Mix emotions.

sweet_air

Honorary Poster
Joined
Oct 9, 2015
Posts
735
Reaction
214
Points
243
Papalapit na pag alis ko guys, march 1 na. Hindi ko alam kung early signs na ng pagka homesick ulit ito peru yung kaba takot or tuwa parang kape yung feeling na hindi ko ma describe naghalo halo na..

Kayo din ba guys naalala niyo feeling nyo nung malapit na kayo umalis?

Pero sobrang thankful ako ky Lord sa opportunity na hindi ko naman inakala darating ngayon panahon ng taghirap, pray lang tayo guys matutupad din lahat in God's perfect time.
P. S pashare nman ngtricks nyo sa pagpack ng gamit at mga bawal dalhin 👀😄
 

Attachments

kung magbabaon ka ng snacks na agad mo din naman kakainin (approx 1 day) pde mo lagyan ng maliit na butas yung chicha na babaunin mo para kumawala yung hangin, pde mo na malagay yan na onti lang kakaining espasyo sa hand carry o check in baggage mo,
 
Sa una lang po yan malungkot. Huwag mo nalang po isipin na mapapalayo ka, basta isipin mo lang lagi ay magtratrabaho ka para sa pamilya at sarili. Pero totoong nagkakaroon ng mix emotion. Ako dati pagka take off palang ng plane imbes na masiyahan ako dahil sa sarap ng nasa ere don ako nakaramdam ng tunay na lungkot sabay dungaw sa bintana na mangiyak- ngiyak ang kalooban.
Pero masasanay ka rin po doon sa pupuntahan mo hanggang pagbalik o pagbakasyon mo.. doon mo naman mararamdaman yung kaligayahan at pagkasabik mo. Ingat ka nalang po doon, congrats & goodluck po sayo. 😊
 
yes, ganun nga feeling kapag mangingibang bansa kana parang matamlay ka pero di ka makatulog or mapakali... good luck sa journey mo, advice ko lang kapag nasa ibang bansa kana ay wag ka mag burnout physically at emotionally... focus lang at wag padadala sa emotion at wag mo kalimutan nag ipon dahil yan yung problema sa ibang OFW natatagalan abroad dahil ubos palagi pera nila dahil naawa at palagi nag papadala pera sa pinas.
 
Ganyan lang talaga lods, palakasan ng loob ang pagabroad, kaya ihanda mo na ang sarili mo.. tsaka sulitin mo na ngayon valentines haha jowk!
 

Similar threads

Back
Top