What's new

Minsan ba napapaisip ka rin?

Gentleman007

Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,098
Reaction
5,522
Halos bahagi na nang buhay mga tao ang iba't ibang problema at mga pagsubok,bakit kaya ito nangyayari?

Sinusubukan ba ng Diyos hanggang saan ang ating kaya? Kung matibay ang ating pananampalataya sa kanya?At bakit kahit ang mga gumagawa ng mabuti ay nagdurusa? Pinaparusahan na ba niya ngayon ang masasama?
Ang daming tanong..iba iba rin ang sagot na maari nating marinig.

Pero gusto ko sanang ishare sa iyo kung ano naman po ang malinaw na sagot ng Bible

Tanong 1: Sa Diyos ba galing ang pagsubok?

Sagot:

Kapag dumaranas ng pagsubok, huwag sabihin ninuman: “Sinusubok ako ng Diyos.” Dahil ang Diyos ay hindi masusubok na gumawa ng masama, at hindi rin niya sinusubok ang sinuman na gumawa ng masama-Santiago 1:13

Ibig sabihin: Hindi tamang sabihin na pagsubok ang mga problema sa atin ng Diyos ,hindi gagawa ng anumang masama ang Diyos!

Tanong 2: Sinusubukan ba ng Diyos hanggang saan ang ating kaya?

Sagot: "ang Diyos ay pag-ibig (1Juan 4:8)

Ibig sabihin:Malayong mangyari na ang Diyos ang may kagagawan ng pagdurusa ng inosenteng mga tao

Tanong 3: At bakit kahit gumagawa ng mabuti ay nagdurusa? Pinaparusahan na ba niya ngayon ang masasama?

Sagot: Kaya sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.-Roma 5:12

Ibig sabihin: Mabuti at masamang tao man ay dadanas ng pagdurusa at kamatayan dahil sa namanang kasalanan mula kay Adan
Ilan lang ito sa mga Katotohanan na itinuturo ng Bible..Sa totoo lang nakakaaliw ang Katotohanan na ito dahil ibig sabihin lang kung hindi galing sa Diyos ang problema ibig sabihin --mahal Niya ang tao at sa katunayan malapit na niyang alisin ang lahat ng pagsubok at mga problema ng lahat ng tao!
Kailan? Paano?
 
Tska minsan tlagang nasa tao rin. Walng disiplina pansin nyo .. may mga nagdarasal tas sasabihin n bgyan ng maayos n kalusugan pero puro pag iinom ng alak at pagkain ng di tma ang gngwa..
 
Top