What's new

Mind your own business.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
284863695_336518475277446_6819546219636395272_n.jpg


Alam mo ba ang taong kwento ng kwento sayo ng kung anu-ano tungkol sa ibang tao, ay karaniwan ding kwento ng kwento sa iba ng kung ano ano tungkol sayo..
1f601.png
1f601.png
1f601.png

Kaya mas maganda kung iiwas ka na lang sa mga nagkakalat ng tsismis.
1f449.png
Kawikaan 25:23

" Ang hangin mula sa hilaga ay nagdadala ng ulan; Nagdadala naman ng galit ang dilang nagkakalat ng tsismis."

Pero bakit nga ba may mga tsismoso o tsismosa?

Una, nadarama kasi ng isang tao na SPECIAL siya o IMPORTANTE siya kapag mayroon siyang nalalamang isang bagay na hindi nalalaman ng iba.

Ikalawa, inaakala nila na ang pagsasabi sa mga kapintasan at mga pagkakamali ng iba ay tutulong upang maitago ang sarili nilang kapintasan at magmukha na sila ang mabait.

Ikatlo, ang tsismis ay isang paraan upang itaguyod ang kanilang sariling popularidad. Sinisikap nilang alamin ang mga bagay-bagay upang sila ang unang makapagsabi nito sa iba. Sa katunayan para lang tamasahin ang panandaliang pagiging BIDA o SIKAT., maaari pa nga na ibubunyag nila ang mga sekreto ng kanilang matalik na kaibigan.. Iba kasi ang feeling pag maraming alam at feeling famous dahil maraming nalalaman. Parang rebisco feeling special
1f604.png


Well Ilan lang yan sa mga dahilan . Pero anuman ang maging dahilan natin. Iwasan ang tsismis. Sikapin na magkaroon ng respeto at paggalang sa buhay ng iba. Sikapin na palaging sa ikabubuti ng iba ang ikukwento natin.
Santiago 3:10
"Mula sa bibig ay lumalabas ang pagpapala at sumpa."
1f938.png
1f408.png
1f331.png
 

Attachments

Back
Top