What's new

Mga teksto sa Bibliya tungkol sa pagkakaibigan

Mind Palace II

Enthusiast
Joined
Aug 8, 2022
Posts
102
Reaction
60
Points
35

Mga teksto sa Bibliya tungkol sa pagkakaibigan


Awit 119:63: “Kaibigan ako ng lahat ng natatakot sa iyo at ng mga sumusunod sa mga utos mo.”

Ibig sabihin: Dapat tayong pumili ng mga kaibigan na sumasamba sa Diyos at sumusunod sa mga pamantayan niya.

Kawikaan 3:32: “Nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang, pero ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.”

Ibig sabihin: Dapat na maging tapat at may malinis na pamumuhay ang mga gustong maging kaibigan ng Diyos.

Kawikaan 13:20: “Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, pero ang sumasama sa mga mangmang ay mapapahamak.”

Ibig sabihin: Ang mga tao ay puwedeng maimpluwensiyahan ng mga nakakasama nila sa positibo man o negatibong paraan.

Kawikaan 17:17: “Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”

Ibig sabihin: Ang tunay na kaibigan ay laging nandiyan sa lahat ng pagkakataon.

Kawikaan 18:24: “May magkakasamang ipinapahamak ang isa’t isa, pero may kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.”

Ibig sabihin: Hindi sinasamantala ng isang tunay na kaibigan ang tiwala ng isang tao. Sa halip, ang tunay na kaibigan ay tapat, mapagkakatiwalaan, at mapagmahal.

Kawikaan 27:6: “Ang mga sugat na dulot ng isang kaibigan ay tanda ng katapatan.”

Ibig sabihin: Ang tunay na kaibigan ay hindi mag-aatubiling ituwid tayo kung kinakailangan.

Kawikaan 27:17: “Kung paanong ang bakal ay napatatalas ng bakal, napatatalas din ng isang tao ang kaibigan niya.”

Ibig sabihin: Ang mabuting magkaibigan ay mabuting impluwensiya sa isa’t isa.
 
ano po yung 12 ka hiyas?
1. Ang tao na masipag maliksi, matiisin, malinis ang pamamahay madasalin sa Dios.
2. Ang tao na may malinis na pananamit, pangangatawan at puso.
3. Ang tao na malutungin, maawain at palabati sa kanyang kapwa tao.
4. Ang tao na magalang at di mapang-api sa kanyang kapwa tao.
5. Ang tao na maunawain, may takot sa batas ng Dios at sa batas ng pamahalaan.
6. Ang tao na walang kahit konting bisyo o hilig sa masasamang gawain.
7. Ang tao na mapagkumbaba, malumanay kung manalita at mapagbigay.
8. Ang tao na hindi mayabang, hindi sinungaling at di mapangutya
9. Ang tao na hindi mapagtsismis at di mapagtanim ng sama ng loob sa kanyang kapwa tao.
10. Ang tao na palakaibigan, mapagmahal sa kapayapaan, at sa kanyang mga kapitbahay.
11. Ang tao na kapuri-puri sa pagkilos sa mapagmahal at mabuting asa.
12. Ang tao na masinop, maunlad at hindi makupit, at hindi mainggitin.
 

Similar threads

Back
Top