What's new

Trivia Mga Pamahiin tungkol sa Pag-Ibig,Panliligaw at Pag aasawa

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,885
Solutions
6
Reaction
66,221
Points
18,252
Maaring totoo ito, maaari ring hindi pero wala namang masama na malaman ang mga ito. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pamahiin.

📌Pwede mo raw makita ang itsura ng iyong mapapangasawa kung gigising ka ng hating-gabi at titignan mo ang iyong sarili sa salamin habang may hawak kang kandila.Sa simula ay makikita mo ang isang kalansay sa salamin. Pagkaraan ng limang minuto, makikita mo ng buong-buo ang taong mapapangasawa mo.

📌Para maiwasan ang sitwasyon na mapaiyak ang iyong loved ones, wag mo siyang regaluhan ng panyo.

📌 Iwasan din ang pagbigay ng matulis o matalas na bagay dahil maaaring magkaroon ng problema kung ikakasal na kayo.

📌Ayon sa mga matatanda, maraming nagtatanan na magkasintahan pagdating kapag kalahati na ang buwan.

📌Para maiwasan ang masamang kapalaran pagkatapos ng kasal, kailangang mauna ang groom sa simbahan sa araw ng kasal.

📌Ang pagkahulog ng singsing, belo o arrhae sa araw ng kasal ay nangangahulugan umano ito ng hindi masayang pagsasama. Kaya maging maingat sa pagdadala ng mga ito.

📌
Iwasan ang paglalakbay- Ang lalaki at babaeng ikakasal ay dapat iwasan ang paglalakbay upang maiwasan ang mga aksidente.

📌Magiging ‘under the saya’ daw ang lalaki kung mauuna siya uupo habang kinakasal.

📌 Ang pagkabasag ng isang bagay habang nasa reception ng kasal nangangahulugan ng swerte sa buhay ng bagong kasal.

📌 Kapag sinundan ng isang dalaga ang mga yapak ng mga bagong kasal, siya na ang susunod na ikakasal.

📌 Iwasang maupo sa dulo ng lamesa habang kumakain dahil pinaniniwalaang hindi ka makakapag-asawa.

📌Kapag nabiyuda ang isang babae sa kadiliman ng buwan, siya ay makakapag-asawang muli.

📌Kung sakaling nag-away kayo ng iyong kabiyak at umalis ang iyong asawa, kailangang kunin ng babae ang damit ng kanyang asawa at isampay ito sa ibabaw ng kalan at hapasin ng ilang beses para bumalik ang asawang lalaki.

📌Malas kapag ang magkapatid ay ikakasal sa loob ng isang taon. Upang maiwasan ang malas, ang kapatid na ikakasal ng mas huli ay dapat dumaan sa likurang hagdanan ng simbahan sa araw ng kanyang kasal.

excerpt from:smartpinoy/pinastraditions
 
Ang una ang nakakatakot. Naexperiment na ata iyan patungkol sa hawak ang kandila habang nakatayo sa harap ng salamin pero kinakailangan, titigan ang salamin at walang kukurap.

Maraming volunteer iyon. Naalala ko na meron akong nabasa. Sa experience ng mga volunteer. Iba-iba ang nakikita nila. Ang iba ay monster, ang iba ay nakakatakot at ang iba naman ay hindi nakakatakot, yung tipong meron sila nakita na katulad din nilang tao.

Feeling ko kase yung mata is the window to the soul so for me, it depends on emotions or yung inner self ng tao kung kaya nagrereflect siya sa mirror.

Basta meron kandila at titigan ang salamin. Huwag raw kumurap. Titigan raw tapos meron makikita on mirror.

Nakakatakot siya para sa akin. Hating gabi pa naman. Okay sana kung pogi o maganda ang lumitaw sa mirror, kaya lang, baka ang limitaw ay monster sa harap mismo.
 
Last edited:

ayaw ko ding subukan talagang creepy 😄di bale na di makita
 
Kaya madaming tumatandang dalaga at binata dahil ng mga matatandang mapamahiin 😆
di naman sa ganun eh😆ok lang naman maniwala minsan ,may mga fam lang talaga na until now naniniwala padin sa ganyan kaya ganun kahigpit sa mga anak nila at mga kamag anak hehe,
 
di naman sa ganun eh😆ok lang naman maniwala minsan ,may mga fam lang talaga na until now naniniwala padin sa ganyan kaya ganun kahigpit sa mga anak nila at mga kamag anak hehe,
Kaya payo ko lang sayo sa panahon kasi ngayon madami na nag babago, kelangan mo rin masunod kung ano ang desisyon at kagustuhan mo, kasi kung susundin natin ang mga old generation mananatali tayong kontrolado ng ating mga ninuno. Sa totoo lang kaya napupurnada ang kasal dahil narin sa mga pamahiin na wala naman sa standard 😊
 
aba syimpre naman ,kahit na akoy minsan naniniwala sa ganyan ,di naman lahat iniaasa na lang sa mga paniniwala ,😝
 
Similar threads

Back
Top