What's new

Closed Mga palatandaan na aswang ang kausap mo

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Ni Train

Nakadikit na sa ating paniniwala ang pagkakaroon ng takot sa mga Aswang. Sila ang mga taong may kakaibang kakayahan na magbago ng anyo upang makapanakit o makapatay ng iba.

Pero kakaiba ang mga Aswang at sila ay mayroong 'features' na hindi pang-tao. Alamin natin ang mga ito.

· Baliktad ang lahat sa repleksiyon ng mata
- Kapag nakikipag-usap ka raw sa Aswang, baliktad daw ang repleksiyon ng mata nila. Upside down. Pero kapag galit siya sayo, normal ang repleksiyon ng lahat - ikaw lang talaga ang nakabaliktad.

· Walang 'kanal' sa pagitan ng ilong at bibig
- Ang isa at ang hindi matatanggal na feature ng isang aswang ay ang kawalan ng kanal sa kaniyang bibig at ilong. Sa hindi malamang dahilan, kapag sila ay nagpapalit ng anyo pabalik sa pagiging tao, hindi na nila ito maibalik.

Mga shape-shifting na aswang lang ang mayroon nito kagaya ng mga aswang na nagbabago at ginagaya ang mga hayop.

· Kawalan ng anino/Towards the Light and anino
- Dahil sa sila'y nagpapalit ng anyo at minsan, nagtatago lang sa anyo ng tao, kadalasan na sa mga aswang na walang anino, deformed o hindi ayon sa katawan ang anino, at sa source of light pa papunta ang anino.

· Hindi naaapektuhan ng hangin ang buhok
- Dahil sa may kakayahan silang dayain ang anyo, ang kanilang buhok ay kakaiba. Maaari din kasing hindi totoo sng buhok nila - na tumutubo ito hindi dahil sa biological na paraan.

· Hindi nakikipag-usap sa albularyo
- Ang mga albularyo ay may kakayahang makaalam na kung tao, aswang, o elemento ba ang kanilang kaharap. Kung kaya't pinangingilagan sila ng mga ito.

Paano naman kung gusto mong makumpirma na aswang ang kaharap mo?

· Tingnan siya sa pagitan ng iyong paa
- Maaari kang tumuwad at tingnan siya sa pagitan ng iyong mga paa. Makikita mo kung anong hitsura niyabsa huling 'Aswang Form' niya.

· Maglagay ng bawang sa bulsa mo
- Naaamoy raw ng aswang ang bawang sa kahit isang kilometro ang layo. Kaya kapag lumapit ka sa aswang nang mayroon kang bawang sa bulsa, mapapansin mong nilalayuan ka nito.

· Mas malakas ang sigaw niya pero mahina kapag kaharap mo siyang kausap
- Tuwing gabi, kapag humuhuni raw ang mga aswang, kapag mas mahina ay mas malapit at mas malakas ay mas malayo. Kung kaya't mahina ang boses niya kapag kausap pero malakas naman kapag sumigaw kahit napakalayo na nito.

· Laging umaaligid sa bahay na may buntis
- General Knowledge na ito. Alam nating mahilig sila sa baby puwera lang sa tiyanak.

There you go. Kakaiba ang paniniwala ng Pilipino ano? Anyway, palaging mag-ingat lalo na't halloween ngayon. Marami nanamang aalis ng bahay at may mag o overnight pa - mag-iiwan ng isang tao sa bahay.

Mag-ingat hindi lang sa aswang kundi na rin sa magnanakaw.

"Mama, may aswang sa labas. Kamukha po ni Aling Lukring."

#EnigmaReadersPH
Credits kay trian
 
baka si Cardo Dalisay at Victor Magtanggol aswang rin kasi di nagagalaw buhok nila kahhit anong action scene.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top