What's new

Closed Mga nagawa sa ating Mahal na pangulong DUTERTE

Status
Not open for further replies.

reasons213

Enthusiast
Joined
Dec 5, 2019
Posts
8
Reaction
0
Points
63
Total marami ng nag post ng NEGATIVE POST about DUTERTE
CREDITS SA ORIGINAL POSTER
#HATER#NPA#FREECOMMENT
Duterte marami nang nagawa sa 3 taong panunungkulan – Panelo
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Pinagmalaki ng Malacañang ang hindi umano mabilang na mga pagbabago sa gobyerno sa loob ng tatlong taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.


Ngayong June 30 ang ika-tatlong anibersaryo ni Pangulong Duterte bilang ika-16 Presidente ng Pilipinas.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na kailangang tanungin ang record ng Pangulo dahil nakikita ng sambayanan ang mga nagawa nitong pagbabago para sa bansa at sa mga Pilipino.

Nangangalahati pa lamang aniya ang Pangulo sa kanyang termino subalit hindi na mabilang ang mga nagawa nito gaya na lamang ng pagbaba ng kriminalidad, pagbuwag sa sindikato ng iligal na droga at ang milyon-milyong boluntaryong pagsuko ng mga lulong sa droga.
“The President’s record as the Philippines’ Chief Executive speaks for itself. We join the Filipino people as they celebrate the 3rd anniversary of Mayor Rodrigo Roa Duterte as our country’s 16th President,” ani Panelo.
Bagama’t prayoridad ni Pangulong Duterte ang kaayusan at kapayapaan sa bansa, sinabi ni Panelo na tinutukan ng Pangulo ang pagsulong ng bansa kung saan isa na ang Pilipinas ngayon sa pinakamabilis ang paglago at paglakas ng ekonomiya dahil sa ipinatupad na mga pagbabago sa pagnenegosyo sa bansa.
Inisa-isa rin ni Panelo ang mga nilagdaang mahahalagang batas ng Pangulo na nagpabago sa buhay ng mga Pilipino, kabilang na rito ang libreng matrikula sa mga state universities and colleges; libreng irigasyon para sa mga magsasaka; libreng wifi sa mga pampublikong lugar; feeding program sa mga pampublikong paaralan; universal health care program; libreng gamot para sa mga mahihirap na pasyente; at Philhealth coverage para sa lahat ng mga Pilipinong may kapansanan.
Naipatupad rin ng Pangulo ang hindi magawa-gawa ng mga nakalipas na administrasyon na pagtaas sa pensiyon ng mga miyembro ng Social Security System at pagtataas sa sahod ng mga pulis at sundalo, jail officers at mga bumbero.
Sinabi ni Panelo na naaksiyonan na rin ni Pangulongg Duterte ang isa sa mga campaign promise nito na pagputol sa “Endo” o end of contract na nagresulta para maregular ang daan -daan libong mga manggagawa sa pribadong sektor.
Magpapatuloy aniya ang kampanya ng Pangulo laban sa korapsiyon, îllégâl na droga at kriminalidad habang iniaangat ang buhay ng mga Pilipino.
“Much has been done in the past three years. The Filipino people can expect the same number of significant achievements, if not more, in the remainder of the President’s term. Even as the majority of the Filipinos are in awe of PRRD’s accomplishments, the best is still to come,” dagdag pa ni Panelo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top