What's new

Mga Himala Totoo ba o Kathang-Isip Lamang?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914
AGAD napukaw ang pansin ng ginoo sa sticker sa bamper ng dumaraang kotse, “Nangyayari ang mga Himala—Itanong Mo Man sa mga Anghel.” Bagaman relihiyosong tao siya, hindi niya tiyak kung ano ang ibig sabihin nito. Ibig bang sabihin nito na naniniwala ang drayber sa mga himala? O isa lamang ba itong nakatatawang paraan ng pagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa mga himala at sa mga anghel?

Baka maging interesado ka sa sinabi ng awtor na Aleman na si Manfred Barthel: “Ang himala ay isang salita na agad humahati sa mga mambabasa sa dalawang magkalabang grupo.” Kumbinsido ang mga naniniwala sa mga himala na nangyayari ang mga ito at marahil ay madalas pa ngang mangyari.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Halimbawa, iniuulat na nito lamang nakalipas na mga taon sa Gresya, inaangkin ng mga mananampalataya na minsan sa isang buwan ay may nangyayaring himala. Dahil dito ay nagbabala ang isang obispo ng Simbahang Griego Ortodokso: “May tendensiya ang mananampalataya na malasin ang Diyos, si Maria, at ang mga santo bilang mga nagtataglay ng katangiang tulad ng sa tao. Hindi dapat lumabis nang ganito ang pangmalas ng mga mananampalataya.”

Hindi gaanong laganap sa ibang mga bansa ang paniniwala sa mga himala. Ayon sa surbey ng Allensbach na inilathala sa Alemanya noong 2002, itinuturing ng 71 porsiyento ng mga mamamayan sa Alemanya na kathang-isip lamang at hindi totoo ang mga himala. Gayunman, kasali sa wala pang sangkatlo na naniniwala sa mga himala, ang tatlong babae na nag-aangking tumanggap ng mensahe mula sa Birheng Maria. Pagkalipas ng ilang buwan matapos ang di-umano’y pagpapakita sa kanila ni Maria—na may kasamang mga anghel at isang kalapati—nag-ulat ang pahayagang Westfalenpost ng Alemanya: “Hanggang sa kasalukuyan ay mga 50,000 peregrino, mga taong umaasang mapagagaling sila, gayundin ang mga mausisa ang interesadung-interesado sa mga pangitaing nakita ng mga babae.” Inaasahan na 10,000 pa ang daragsa sa nayon upang masaksihan ang muling pagpapakita. Naganap di-umano ang gayunding mga pagpapakita ng Birheng Maria sa Lourdes, Pransiya, noong 1858, at sa Fátima, Portugal, noong 1917.

Kumusta Naman ang mga Relihiyong Di-Kristiyano?

Halos lahat ng relihiyon ay naniniwala sa mga himala. Ipinaliliwanag ng The Encyclopedia of Religion na magkakaiba ang pangmalas ng mga tagapagtatag ng Budismo, Kristiyanismo, at Islam tungkol sa mga himala, ngunit sinabi nito: “Maliwanag na ipinakikita ng naging kasaysayan ng mga relihiyong ito na gumanap ng mahalagang bahagi ang mga himala at ang mga kuwento tungkol sa mga himala sa relihiyosong buhay ng tao.” Sinasabi ng reperensiyang akdang ito na “si Buddha mismo ay gumawa ng mga himala sa ilang pagkakataon.” Nang maglaon, noong “makarating ang Budismo sa Tsina, madalas na bumabaling ang mga misyonero nito sa pagtatanghal ng makahimalang mga kapangyarihan.”

Matapos banggitin ang ilan sa gayong ipinalalagay na mga himala, ganito ang pagtatapos ng ensayklopidiyang iyan: “Maaaring hindi matanggap ng isa ang lahat ng mga kuwentong ito tungkol sa himala na isinalaysay ng relihiyosong mga mananalambuhay, ngunit walang alinlangan na ginawa ang mga ito taglay ang mabuting layunin na luwalhatiin si Buddha, na may kakayahang magkaloob ng gayong makahimalang mga kapangyarihan sa kaniyang masisigasig na tagasunod.” Sinabi rin ng akdang iyan ang ganito tungkol sa Islam: “Ang karamihan sa mga pamayanang Islam ay hindi humihinto sa pag-asam sa mga himala. Ayon sa mga tradisyon (hadīths), si Muhammad ay gumawa ng mga himala sa madla sa maraming pagkakataon. . . . Kahit pagkamatay nila, ang mga santo ay pinaniniwalaang gumagawa pa rin ng mga himala sa kanilang mga libingan alang-alang sa mga tapat, at buong-kataimtimang hinihiling na sana ay mamagitan sila.”

Kumusta Naman ang mga Himala sa Kristiyanismo?

Magkakaiba ang opinyon ng marami na tumanggap sa Kristiyanismo. Tinatanggap ng ilan na totoo ang mga ulat ng Bibliya hinggil sa mga himalang ginawa ni Jesu-Kristo o ng mga lingkod ng Diyos noong bago ang panahong Kristiyano. Gayunman, marami ang sumasang-ayon sa Protestanteng repormador na si Martin Luther. Ganito ang sinasabi ng The Encyclopedia of Religion tungkol sa kaniya: “Parehong isinulat nina Luther at Calvin na lipas na ang panahon ng mga himala at hindi na dapat asahan na mangyayari pa ang mga ito.” Nanghawakan naman ang Simbahang Katoliko sa paniniwala nito sa mga himala “bagaman hindi sinisikap na ipagtanggol kung paano nangyayari ang mga ito,” ang sabi ng reperensiyang akda. Gayunman, “naniwala ang intelektuwal na grupo ng mga Protestante na ang kalakhang bahagi ng gawain ng Kristiyanismo ay tungkol sa moralidad at na hindi kinasihan o inimpluwensiyahan ng Diyos ni ng espirituwal na daigdig ang praktikal na buhay ng tao sa gayon katinding paraan.”

Duda naman ang ibang nag-aangking Kristiyano, pati na ang ilang klerigo, kung totoo nga ba ang mga himalang binanggit sa Bibliya. Kuning halimbawa ang ulat tungkol sa nagniningas na palumpong na nakaulat sa Bibliya sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Ipinaliliwanag ng aklat na What the Bible Really Says na hindi itinuturing ng ilang teologong Aleman na literal na ulat ito tungkol sa himala. Sa halip, para sa kanila, ito ay “isang simbolo ng paglalaban ng kalooban ni Moises dahil sa mga sumbat at pagkabagabag ng budhi.” Sinabi pa ng aklat: “Ang mga ningas ay maaari ring ituring na mga bulaklak na biglang namukadkad dahil sa sikat ng araw sa harap ng Diyos.”

Baka hindi kasiya-siya sa iyo ang gayong paliwanag. Kung gayon, ano ang dapat mong paniwalaan? Makatotohanan bang maniwala na nangyari nga ang mga himala? At kumusta naman ang mga himala sa makabagong panahon? Yamang hindi natin maaaring tanungin ang mga anghel, kanino tayo maaaring magtanong?

Ang Pangmalas ng Bibliya

Walang makapagkakaila na iniuulat ng Bibliya na talagang namagitan ang Diyos noong sinaunang panahon upang gumawa ng mga bagay na imposible sa tao. Tungkol sa kaniya, mababasa natin: “Inilabas mo ang iyong bayang Israel mula sa lupain ng Ehipto, sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga himala at ng malakas na kamay at ng unat na bisig at ng matinding kakilabutan.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gunigunihin, napahiya ang pinakamakapangyarihang bansa noong panahong iyon nang pasapitin ng Diyos ang sampung salot, lakip na ang kamatayan ng mga panganay nito. Mga himala nga ito!—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Pagkalipas ng maraming siglo, inilarawan ng apat na manunulat ng Ebanghelyo ang mga 35 himala na ginawa ni Jesus. Sa katunayan, ipinahihiwatig ng kanilang pananalita na mas marami pa siyang ginawang himala kaysa sa mga naiulat nila. Totoo ba o kathang-isip lamang ang mga ulat na ito?You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Kung ang Bibliya ay gaya nga ng inaangkin nito—Salita ng Diyos na katotohanan—kung gayon ay may matibay kang dahilan upang maniwala sa mga himalang binabanggit nito. Malinaw ang mga ulat ng Bibliya na nangyari nga ang mga himala noong sinaunang panahon—makahimalang mga pagpapagaling, pagkabuhay-muli, at ang mga katulad nito—at gayundin kalinaw ang pagpapaliwanag nito na hindi na nangyayari ang gayong mga himala sa ngayon. (Tingnan ang kahong “Kung Bakit Wala Nang mga Himala na Gaya Noon,” sa pahina 4.) Kung gayon, nangangahulugan ba ito na kahit na yaong mga tumatanggap na totoo ang Bibliya ay hindi na naniniwala sa mga himala sa makabagong panahon? Hayaan nating sumagot ang susunod na artikulo.

[Mga talababa]

Ang pananalitang “mga himala” na ginamit sa artikulong ito ay nangangahulugan na gaya ng katuturang ibinigay rito ng isang diksyunaryo sa Bibliya: “Mga epekto sa pisikal na daigdig na nakahihigit sa lahat ng nababatid na kapangyarihan ng tao o ng kalikasan kaya naman itinuturing na galing sa isang sobrenatural.”
Maisasaalang-alang mo ang katibayan na karapat-dapat paniwalaan ang Bibliya. Masusumpungan mo iyan sa aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.


KUNG BAKIT WALA NANG MGA HIMALA NA GAYA NOON

Binabanggit sa Bibliya ang iba’t ibang uri ng himala. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ipinakilala ng marami sa mga himalang ito na si Jesus ang Mesiyas, at pinatunayan ng mga ito na sinusuportahan siya ng Diyos. Ang unang mga tagasunod ni Jesus ay nagtanghal ng makahimalang mga kaloob, tulad ng pagsasalita ng mga wika at kaunawaan sa kinasihang mga kapahayagan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang gayong makahimalang mga kaloob ay kapaki-pakinabang sa kongregasyong Kristiyano noong nagsisimula pa lamang ito. Paano?

Buweno, kakaunti pa lamang noon ang mga kopya ng Kasulatan. Karaniwan na, tanging ang mayayaman ang nagmamay-ari ng anumang uri ng mga balumbon o aklat. Sa paganong mga lupain, hindi nila kilala ang Bibliya o ang Awtor nito, si Jehova. Kailangan na bibigang ipaalam ang mga turong Kristiyano. Nakatulong ang makahimalang mga kaloob upang ipakita na ginagamit ng Diyos ang kongregasyong Kristiyano.

Ngunit ipinaliwanag ni Pablo na lilipas ang mga kaloob na ito kapag hindi na kailangan ang mga ito. “Kahit may mga kaloob na panghuhula, ang mga ito ay aalisin; kahit may mga wika man, ang mga ito ay maglalaho; kahit may kaalaman man, ito ay aalisin. Sapagkat mayroon tayong bahagyang kaalaman at nanghuhula tayo nang bahagya; ngunit kapag yaong ganap ay dumating, yaong bahagya ay aalisin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Sa ngayon, nababasa na ng mga tao ang Bibliya, gayundin ang mga konkordansiya at mga ensayklopidiya. Mahigit na anim na milyong sinanay na mga Kristiyano ang tumutulong sa iba na matamo ang kaalaman tungkol sa Diyos na nakasalig sa Bibliya. Kaya naman hindi na kailangan pang patunayan ng mga himala na si Jesu-Kristo ang Manunubos na hinirang ng Diyos o patotohanan na sinusuportahan ni Jehova ang kaniyang mga lingkod.
 

Similar threads

Back
Top