What's new

Mga Hakbang Upang Maiwasang Magkasakit

Doctor John Watson

Journeyman
Joined
Sep 28, 2021
Posts
10
Reaction
4
Points
16

Isaias 33:24 At walang nakatira doon ang magsasabi: “May sakit ako.” Ang bayang naninirahan sa lupain ay patatawarin sa kasalanan nila.

Nangangako ang Diyos na darating ang panahon na aalisin na niya ang lahat ng nagiging sanhi ng kamatayan, kasama na riyan ang pagkakasakit. (Apoc. 21:4; Isaias 33:24) Gayunman, hindi pa rin naman natin maiiwasan ang tamaan ng sakit at sa panahon ngayon, posible pa rin tayong magkasakit. Narito ang ilang mungkahi para maiwasan natin ang pagkakasakit.

Mga Hakbang Upang Maiwasang Magkasakit

 1. Gawin mo ang iyong buong makakaya upang matamo ang sumusunod na tatlong bagay: wastong pagkain, sapat na ehersisyo, at hustong tulog.

 2. Maging malinis sa katawan. Idiniriin ng mga awtoridad ang paghuhugas ng kamay bilang ang pinakamabisang paraan upang maiwasang magkasakit at makahawa ng ibang tao.

 3. Siguraduhing ligtas ang iyong pagkain at ang kinakain ng iyong pamilya. Lalong maging palaisip sa pagiging malinis ng iyong mga kamay gayundin ng lugar na pinaglulutuan ng pagkain. Isa pa, tiyaking malinis ang tubig na ipinanghuhugas mo sa iyong mga kamay at sa pagkain. Yamang dumarami ang mga mikrobyo sa pagkain, lutuing mabuti ang karne. Itago at palamigin nang wasto ang pagkain.

 4. Sa mga lupaing may lumilipad na mga insektong nagdadala ng malulubhang sakit, limitahan ang iyong gawain sa labas ng bahay kung gabi o umagang-umaga kung saan sa oras na iyon ay napakaaktibo ng mga insektong ito. At laging gumamit ng kulambo o iskrin sa bintana at pinto.

 5. Makatutulong ang mga bakuna upang masanay ang iyong sistema ng imyunidad na lumaban sa mga mikrobyo na pangkaraniwan sa lugar na iyong tinitirhan.

Paggamit ng mga Panlaban sa mga Mikrobyo

 1. Magpatingin sa isang propesyonal sa kalusugan bago bumili o uminom ng anumang antibiyotiko o panlaban sa mikrobyo. Kadalasang mas nakikinabang ang nagbebenta kaysa sa bumibili sa mga promosyon na tuwirang nagbebenta sa mga mamimili.

 2. Huwag gipitin ang iyong doktor na magreseta ng antibiyotiko. Kapag ginawa mo iyon, baka resetahan ka nga niya dahil lamang sa takot niyang mawalan ng pasyente. Halimbawa, ang sipon ay dulot ng mga virus, at hindi napagagaling ng mga antibiyotiko ang sipon. Ang pag-inom ng antibiyotiko kapag may virus ka ay makasusugpo sa kapaki-pakinabang na mga baktirya, anupat baka dumami pa nga ang mga mikrobyong di-tinatablan ng gamot.

 3. Huwag mong ipagpilitan ang pinakabagong gamot—baka hindi ito ang pinakamabuti sa iyo at maaaring lumaki lamang ang iyong gastos.

 4. Alamin ang tungkol sa anumang gamot mula sa maaasahang mapagkukunan ng impormasyon: Para saan ba ito? Ano ba ang posibleng masasamang epekto nito? Ano ba ang epekto nito kung isasabay sa pag-inom ng ibang gamot at iba pang salik na maaaring mapanganib kapag ininom ito?

 5. Kung talagang angkop na uminom ng antibiyotiko, karaniwan nang hinihimok ka na kumpletuhin ang inihatol na yugto ng gamutan, kahit mas mabuti na ang iyong pakiramdam bago mo pa man matapos inumin ang mga ito. Ang huling yugto ng gamutan ay makatutulong upang tiyakin na wala nang impeksiyon.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Back
Top