What's new

Mga Gawa ng Laman o mga Bunga ng Espiritu?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Ang banal na espiritu ng Diyos ay namamalagi lamang sa mga sumusunod sa Diyos bilang tagapamahala. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi ibinibigay ni Jehova ang kaniyang espiritu sa mga nagsasagawa ng “mga gawa ng laman.” Ang mga gawang iyon ay “pakikiapid, karumihan, mahalay na paggawi, idolatriya, pagsasagawa ng espiritismo, mga alitan, hidwaan, paninibugho, mga silakbo ng galit, mga pagtatalo, mga pagkakabaha-bahagi, mga sekta, mga inggitan, mga paglalasingan, mga walang-taros na pagsasaya, at mga bagay na tulad ng mga ito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Totoo, kitang-kita sa daigdig sa ngayon “ang mga gawa ng laman.” Gayunman, hindi nagtatamasa ng tunay at namamalaging kaligayahan ang mga nagsasagawa nito. Sa halip, ang paggawa ng gayong mga bagay ay sumisira sa mabuting kaugnayan ng isa sa kaniyang mga kamag-anak, kaibigan, at mga kakilala. Karagdagan pa, sinasabi ng Salita ng Diyos na yaong mga “nagsasagawa ng gayong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.”

Kabaligtaran nito, ibinibigay ng Diyos ang kaniyang espiritu sa mga naglilinang ng “mga bunga ng espiritu.” Ang mga katangiang bumubuo sa mga bungang ito ay “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, mahabang pagtitiis, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil sa sarili.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag ipinamamalas natin ang mga katangiang ito, lumilikha tayo ng mga kalagayang umaakay sa pagkakaroon ng mapayapang kaugnayan sa iba at sa Diyos, na nagdudulot naman ng tunay na kaligayahan. (Tingnan ang kahon.) Higit na mahalaga, sa pamamagitan ng pagpapakita ng pag-ibig, kabaitan, kabutihan, at iba pang makadiyos na mga katangian, napaluluguran natin si Jehova at mayroon tayong maligayang pag-asa na buhay na walang hanggan sa bagong sanlibutan ng katuwiran ng Diyos.

Ang Kaligayahan ay Isang Mapagpipilian

Nang taimtim na mag-aral ng Bibliya sina Wolfgang at Brigitte, isang mag-asawang nakatira sa Alemanya, marami silang taglay na materyal na mga bagay na iniisip ng mga tao na kailangan upang lumigaya. Bata pa sila at malulusog. Mamahalin ang mga damit na isinusuot nila, naninirahan sa isang napakagandang bahay, at may matagumpay na negosyo. Ginugol nila ang kalakhang bahagi ng kanilang panahon sa pagsusumikap na magkamal ng mas marami pang materyal na mga bagay, pero hindi ito nagbigay sa kanila ng tunay na kaligayahan. Subalit nang maglaon, gumawa ng mahalagang pasiya sina Wolfgang at Brigitte. Pinasimulan nilang mag-ukol ng higit na panahon at pagsisikap sa pagtataguyod ng espirituwal na mga pamantayan at humanap ng mga paraan upang maging mas malapít kay Jehova. Di-nagtagal, ang pagpili nila ay nagpabago ng kanilang saloobin, na nagpakilos naman sa kanila na pasimplehin ang kanilang buhay at maglingkod bilang mga payunir, o buong-panahong mga ebanghelisador ng Kaharian. Sa ngayon, naglilingkod sila bilang mga boluntaryo sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Alemanya. Bukod dito, nag-aaral sila ng isang wikang Asiano upang tulungan ang mga banyaga na matuto ng katotohanang masusumpungan sa Salita ng Diyos, ang Bibliya.

Nasumpungan ba ng mag-asawang ito ang tunay na kaligayahan? Ganito ang sabi ni Wolfgang: “Magmula nang higit kaming naging abala sa pagtataguyod ng espirituwal na mga bagay, kami’y naging mas maligaya at nakaranas ng higit na kasiyahan. Tumibay rin ang aming pag-aasawa dahil sa buong-pusong paglilingkod kay Jehova. Maligaya na ang pag-aasawa namin bago pa nito, pero mayroon kaming mga pananagutan at kinawiwilihang mga bagay na nagbibigay sa amin ng magkaibang mga tunguhin. Nagkakaisa na kami ngayon sa pagtataguyod ng iisang tunguhin.”

Ano ang Kailangan Upang Lumigaya?

Sa madaling salita: Iwasan ang “mga gawa ng laman,” at linangin ang “mga bunga ng espiritu” ng Diyos. Upang lumigaya, dapat asamin ng isa na magkaroon ng malapít na kaugnayan sa Diyos. Ang isang taong nagsisikap magkamit ng kaugnayang ito ay magiging gaya ng maligayang tao na inilarawan ni Jesus.

Kaya, huwag magkamaling ipagpalagay na hindi ka maaaring lumigaya. Totoo, maaaring mahina ang iyong kalusugan ngayon o baka may mga problema ka pa nga sa iyong pag-aasawa. Marahil ay hindi ka na maaaring magkaanak, o baka nagpupunyagi kang magkaroon ng matagumpay na propesyon. Maaaring karampot na lamang ang iyong salapi di-gaya ng dati. Gayunman, magpakalakas-loob ka; walang dahilan upang mawalan ka ng pag-asa! Lulunasan ng Kaharian ng Diyos ang mga problemang ito at ang daan-daang iba pa. Sa katunayan, malapit nang tuparin ng Diyos na Jehova ang kaniyang pangako na ipinahayag ng salmista: “Ang iyong paghahari ay isang paghahari sa lahat ng panahong walang takda . . . Binubuksan mo ang iyong kamay at sinasapatan mo ang nasa ng bawat bagay na may buhay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Gaya ng mapatutunayan ng milyun-milyong lingkod ni Jehova sa buong daigdig, ang pagsasaisip sa nakapagpapatibay-loob na pangakong ito ni Jehova ay lubusang makapagdudulot sa iyo ng kaligayahan ngayon.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

[Talababa]

Bawat isa sa mga kapahayagang ito ni Jesus sa Sermon sa Bundok ay nagsisimula sa Griegong salita na ma·kaʹri·oi. Sa halip na isalin ito bilang “mapalad,” gaya ng ginawa ng ilang salin, ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin at ng iba pang salin, gaya ng The Jerusalem Bible at Today’s English Version, ang mas tumpak na terminong “maligaya.”


Mga Salik na Nagdudulot ng Kaligayahan

Pag-ibig ang nagpapakilos sa iba na ibigin ka bilang ganti.

Kagalakan ang nagbibigay sa iyo ng lakas upang mapagtagumpayan ang mga hamon.

Kapayapaan ang tumutulong upang mapanatili mong malaya mula sa alitan ang iyong mga pakikipag-ugnayan.

Mahabang pagtitiis ang tumutulong sa iyo na manatiling maligaya kahit na dumaranas ka ng pagsubok.

Napapalapit sa iyo ang iba dahil sa kabaitan.

Tutugon ang iba kapag kailangan mo ng tulong dahil sa iyong kabutihan.

Makatitiyak ka sa maibiging patnubay ng Diyos dahil sa pananampalataya.

Dahil sa kahinahunan, magiging kalmado ang iyong puso, isip, at katawan.

Kaunti lamang ang magiging pagkakamali mo kung mayroon kang
pagpipigil sa sarili.
 
Back
Top