What's new

Mga dahilan kung Bakit Hindi ka Dapat Magmadaling magka-jowa

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,948
Solutions
6
Reaction
66,393
Points
16,629

1. Makakaipon ka ng maigi​


Kapag wala ka pang jowa, makakapag-ipon ka nang maigi. Makakaipon ka for travel, for experiences, for food, for retirement, at iba pa. At para, kung sakasakaling dumating ang tamang tao para sa iyo, all set na ang finances para sa future niyo – makakabili na kayo ng tahanan, educational fund, at iba pa. Kaya huwag magmadali.

2. Hindi ka masyadong tataba​

Note the “masyado” here. Hindi naman sinasabing hindi ka tataba kapag wala kang jowa pero kung tataba ka man, hindi masyado. Bakit? Ang stress eating mo ay exclusive sa work, school, or family stress. Mababawasan ka ng isang bagay na pwedeng ika-istress. Hindi na natin maaalis ang pagnanais na kumain ng marami minsan pero kung stress eating ang pag-uusapan, mababawasan talaga. At, isa pa, kung wala kang jowa, walang weekly dates na kailangan puntahan. Thus, less opportunity to eat out, less food, less calories to burn.



3. Mapepressure ka pero at least, ikaw lang – wala kang kasamang maprepressure.​


Lagi naman tayong pinepressure ng mga tao sa paligid natin. Kapag nasa school tayo, pressure sa pag-aaral mabuti. Kapag single tayo, pressure na magkaroon ng kabiyak. Kapag may jowa, pressure na magpakasal. Kapag kasal na, pressure na magkaroon ng anak. And, so on and so forth. .Hayaan mo yunh mga taong laging sumusulsol sayo, Kasi, kung magpapadala ka diyan, believe me: may bago silang maiisip na ipressure ka kahit anong gawin mo. Hayaan mo silang paulit-ulit kang kulitin – hindi sila magsasawa kaya masanay ka na.

4. Magiging klaro sa iyo kung ano ang mga non-negotiables mo​


Madalas, lalo na sa mga 24 at pataas, naghahabol na tayo sa panahon upang makita ang the one. Pero! Stop ka muna. Hindi ibig sabihin na available siya at gusto ka niya, siya na yun. Kailangan mo mag set ng standards mo. Like values system ng potential na jowa mo. You have to make sure na available sya at ready for you and at least agkaparehas dapat yung goals at focus sa buhay.It is all about Priorities. Ang priorities natin ay idinidikta ng values natin. Kapag opposite goals nyo ,the chance is hindi niya magiging priority ang priority mo. So, kung ako sa iyo, iseset ko ang mga non-negotiables ko – o yung mga bagay na dapat ay kinakatawan ng tao na mapapangasawa mo.

5. Mas may panahon ka para sa iyong kaibigan, at pamilya​


Simple lang naman ito, kapag wala kang jowa, mas madami kang time. Mas maaappreciate mo pa ang pamilya at kaibigan mo. Makakapag-bonding kayo nang mas madalas at makakapagheart to heart talks ng late at night. Makakausap mo pa ang lahat ng taong nais mong kausapin – all walks of life dahil walang bawal na kausapin. Kasi, wala kang jowa na kailangan isipin.

6. Mas madaling umabot ng pangarap kung wala kang jowa​


You have to set goals for yourself. Take one step at a time.Like magtapos ka muna ng pag aaral.Think of mga bagay na nais ninyong magawa sa buhay ninyo. Lahat.At your age why not gawin yo ang mga bagay na nais ninyo – hangga't meron pa kayong lakas, kaunting sahod o allowance, at magulang na maaaring asahan.Avoid rushinh and skipping steps. Hindi naman sinasabi na imposible na maabot ang mga pangarap kapag may jowa ka na. Mag-iiba kasi ang priorities mo kapag meron na. Pero, kung parehas naman kayo ng values at goals. Edi go.

7. Learn to be happy Alone​


Dapat mo munang matutunan na maging masaya ng nag-iisa bago ka kumuha ng kabiyak. Ang tao na hindi natutong sumaya mag-isa ay maaaring maging possessive at obsessed sa pag-ibig. Kadalasan din, sila ay madaling lumungkot at magselos.
Learn to love yourself first at be happy alone,bago ka humila ng partner para ishare ang buhay na meron ka. Kapag ang dalawang tao na magkarelasyon ay masaya kahit nag-iisa sila, mas magbubunga ang isang relasyon. Bakit? Kasi, alam nila sa sarili nila na added bonus nalang ang pag-ibig nila para sa isa’t isa. Mas magiging appreciative ang relationship instead of possessive.


P.S: just a case to case basis pa din,its all up to you in the long run.




excerpt & paraphrase from Titatui
 
Last edited:
It depends on the person whether, the person is independent or dependent.

Independent person are the one who achieve things on their own, kaya nila ipagsabay ang work/fam/friends at syempre jowa. Since they take responsibility and commitment seriously.

Dependent person are the one's that depends on someone, mas most likely na sila yung di kayang ipagsaby sabay o di kayang panindigan ang mga responsibility since, they are dependant on someone rather their own.

Kaya bago mag jowa, mahalin at atuparin ang sarili bago ang iba, "Love thyself, before someone else".
 
Last edited:
daahilan bakit ka dapat magjowa

para di ka na mapapasana all
may kasabay kanang kumain sa labas
inspired ka araw araw
para d boring araw mo may mangungulit
at



dun din nmn pupunta kung wala kang balak magmadre haha
 
Nice! Ako 30 M, Masayang single iba kasi kapag breadwinner sa family, nasanay ako na magisa at never naman ako nalungkot, sa age kong ito stable na ako, kaya finding someone kung dumating ang pagkakataon,.
 

Similar threads

Back
Top