What's new

Help Mga boss ,patulong naman kung psu na problema ko?

fin6620

Addict
hardware monitor.png
hardware monitor.png mga boss ,di ko kasi alam tumingin kung goods ba yung binibigay ng power supply na sapat na kuryente o voltahe o anuman sa pc ko.,para pwede ko po palitan psu ko,mahirap na kasi magpalit,pilit lang ang budget..sana makatulong ,tsaka recommend naman kayo kung anong paraan makikita health ng psu ko


,nagrerestart na kasi pc ko kaya hinala ko is si psu,kaya ano sa tingin nyo mga boss?
 

Attachments

hindi lahat ng restart ay dahilan ng bad psu pero pinapakita ng hw monitor na walang overheating, pero matanong ko lang kung anong brand model ang psu mo ngayon.... at saka pwede mo silipin sa control panel, administrative tool - event viewer > system or windows at tingnan mo sa logs yun critical error na nagpa restart ng pc mo, may hardware id rin kung may pumapalyang pyesa or posibleng bad driver kung may na-update driver kang ginawa
 
hindi lahat ng restart ay dahilan ng bad psu pero pinapakita ng hw monitor na walang overheating, pero matanong ko lang kung anong brand model ang psu mo ngayon.... at saka pwede mo silipin sa control panel, administrative tool - event viewer > system or windows at tingnan mo sa logs yun critical error na nagpa restart ng pc mo, may hardware id rin kung may pumapalyang pyesa or posibleng bad driver kung may na-update driver kang ginawa
sinearch ko na rin po sa google yun kaso iisa lang lumalabas kernel 41 task 63 kahit po na pdated na lahat ng drivers including os ganun pa din po...psu ko po is thermaltake smart rgb 700w sorry sa late reply po
 
yun error kernel power 41 ay maraming dahilan na pwedeng magparestart ng system pero mostly yun mga pyesa na nagpapa-overlaod kaya nagki-kick in yun overload protection ng psu, bago ka magconclude na psu ang issue, kung may mahiraman ka sana ng spare psu para matest lang kung may random restart mas ok pero pag wala ay experiment ka muna na magbawas ka ng pyesa, pwedeng isang harddisk muna paandarin mo, magtanggal ka ng pci devices mas lalo yun video card na may 6 pin,,,,tapos obserbahan mo kung may random restart

possible na hindi sira ang psu at hindi nya lang kaya ang system mo kasi hindi ganun ka solid ang user review ng thermaltake smart 700W based sa toms hardware
 
Mag Memory Diagnostic ka muna TS. Tas obserbahan mo yung process habang nag da diagnose pa. Basahin mo naka lagay sa monitor from time to time. At pag pag nakita mo ang word na parang "Problems WERE detected", hintayin mo mtapos yung test at turn off mo PC. Reseat mo yung RAM mo, then re-run mo yung test,. Pag ganun pa din ang result, off mo uli, then mag tira ka lang ng isang RAM, at re-run test ng mag kahiwalay kada RAM para malaman mo kung alin ang may issue. Posible kasi na both sila may issue or isa lang sa kanila. Try mo lang paliitin yung mga posibilidad bago ka mag decide na magpalit ng components👍
 
Back
Top