Wala naman tamang pagsamba. Ang mga pagsamba ng lahat ng relihiyon ay dinisenyo dahil sa paniniwalang ito ang maglalagay sa mga tao sa tamang pagiisip para intindihin ang mga aral ng naturang relihiyon.
mas mahalaga na malaman mo kung ano ang maling pagsamba kaysa sa tama. Ng sa ganon ay iwasan mo ito. Mali din nmn na isipin mo lahat ay mali. Dahil sa ganon, sinasamba mo nalang ang sarili mo. At makakaligtaan mo ang kahalagahan nito.
Ang relihiyon ay parang isang package na natanggap mo sa Shoppee. Ang mga tradition na kasama nito ay para lamang "packaging" na bumabalot sa mga aral. Hindi ito kinokonsumo, hindi ito ang kabuuan ng package, ngunit kailangan mo ito pagdaanan, suriin, Ihawalay ang balat sa laman, para makuha ang laman ng package. At hindi mo din nmn itatapon ang "packaging" hanggat hindi mo nasisigurado na wala na itong laman na mahalaga. Kinakailangan suriin mong mabuti, kalkalin ang kaloob looban bago mong masabi nakuha mo na kung ano ang mga nilalaman nito.