What's new

Reviewer Mechanical Engineering Reviewers GDrive

Kumpletos rekados na yan. Pwede na kayong mag-self study sa bahay.
Last recall ko ay shared yan sa FB under "inhinyero.org".
Ito yung latest na coverage:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Tapos check nyo na lang yung detalye dyan sa supplied pdf (Board of Mechanical Engineering-SB1.pdf) sa baba nyan na "Table of Specifications".
Hanap kayo ng magandang review center, at for the possible tips a few days before the exam he he. Yung karamihan, umiikot sa review centers para makakuha ng tips - for a fee siyempre.
Limitado lang ang matututunan ninyo dyan dahil sa bahay yung kadalasang uubos ng oras ninyo para mahasa kayo sa exam day. Ako, sa taas ng bundok nag-aral mag-isa pagkatapos ng review center dala yung mga libro ko at review manuals - walang istorbo para sigurado. Yan ang sakripisyo ninyo kung gusto ninyong pumasa, unless "genuis" ka he he.
Ang payo ko lang, ang kailangan ay pataasin yung kaalaman ninyo sa Mathematics, Eng'g Economy, and Basic Eng'g Sciences (35%) dahil yan ang tools sa rest of the Major subjects (65%) like PPE, Kinematics at Machine Design.
Since graduates na kayo ng BSME, you just need to practice the solution manuals at your own pace at siguraduhin ninyo na naintindihan ninyo yung tsnong at kung papaano narating ang sagot - problem solving practice. The rest will just be plain memorization sa principles ng subjects involved.
Mag-ipon din kayo ng past exams for the past five years para well-versed sa trending ng pagpili ng problems ng mga PRC ME board. Check ninyo rin kung gaano katagal nakaupo yung board members ng ME (3yrs term yan). Mas maganda kung nasa last term para may idea kayo kung papaano sila pumili
ng mga tanong.
Sa exams:
1. Alamin ninyo kung ilang oras yung exam para ma-estimate ninyo yung inyong pacing,
2. Basahin ninyo munang maigi yung questionnaires para ma-scan ninyo kung ano ang uunahin (yung madali) at ihuhuli (yung matagal sagutin). Be sure na kumpleto yung sets ng exam.
3. Sa answer sheet, iwasan ninyo yung pagbubura kaya siguraduhin ninyong final na yung sagot kapag nagsulat na kayo, pero pencil naman ang gagamitin ninyo. Huwag ninyong ubusin yung eraser o butasin yung papel he he.
4. Iwasan ninyong mag-iwan ng blangko. Point system yan kaya mas mainam yung may sinagot kaysa wala.
5. Alamin ninyo rin yung mga required gadgets at peripherals na pwedeng dalhin at gamitin sa exams. Make sure yung calculator na gagamitin ninyo ay bago ang baterya, matino yung unit, at allowed yung type ng calculator ayon sa PRC rules - usually non-programmable type na nasa list. Magkakaproblema kayo kung wala sa list ang dala ninyo. Ito yung general list.

Medyo iba ng kaunti yung list sa Civil eng'g.
6. Lakasan ninyo ang loob ninyo at tiwala na masagot ang mga tanong at estimate ninyo na lang sa huli kung ano ang magiging overall result sa inyong palagay.

Good luck.
 
Salamat sa info lods.
 
Similar threads

Back
Top