What's new

Trivia May tanong ba kayo tungkol sa diyos at ang bibliya?

Ace106

Forum Guru
Elite
Joined
Dec 22, 2018
Posts
3,345
Reaction
3,989
Points
1,242
Open ulit ako sa mga tanong niyo medyo di na busy hahahaha, baka miron kayong tanong sa bible o sa diyos

Ang thread na ito ah hindi tungkol sa religion o makikipag talo
Open for atheist na may tanong🙂
 
ano ba talaga ang legit na relihiyon? catholic,inc,born again,saksi ni jehova,muslim hindi ko kase alam kung anong paniniwalaan ko sa mga yan sa catholic sumasamba sila sa gawa ng tao tapos sa inc sinasabe nila sila lang daw maliligtas at sumasamba daw sila sa PROJECTOR taos sa born again naman ewan ko kase di ko alam kung pano sila magturo tapos sa saksi naman ni jehova pagalagala sila sa bahay bahay para lang daw manghingi ng pera AHAHHA pero parang legit yung tinuturo nila kahit ganon sa palagay ko yun ang legit na relihiyon. tapos sa muslim naman naman ako naniniwala kay ALLAH parang haka haka lang nila si ALLAH yon hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko pero alam ko naman na may DIYOS
 
Correct ko lang po yung sinabi na hihingi nang pera yung mga saksi ni Jehova, di po kami nanghihingi, yung mga Publication at bible po namin ay pinamimigay namin nang free kahit gaano ka milyon na copy pa ang napapailalalas araw-araw,

Para sa tanong mo naman bibigyan po kita link You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Bill Hader Popcorn GIF by Saturday Night Live
 
Ang tunay na Relihiyon na mababasa sa Bibliya ay Iglesia ng Diyos wala ng iba. Wala kang mababasa na jehova
 
[XX='Jvvv, c: 1101141, m: 1783163'][/XX] Sa mga translated version po ng Bible merong letter J.


wala lang, share ko lang, baka kasi di niyo napansin sa Bible niyo na may letter J pala diyan 😅
 
Kang Hyewon, try mo basahin yung thread na to .. Binanggit ko kasi diyan yung reason kung bakit ako kumbinsido na ang Saksi ni Jehovah ang tunay na religion ..

Puwede mo i-compare yung mga nabanggit ko do'n sa ibang religion or sa iyong paniniwala ..

Hindi ko kini-criticize yung ibang religion, I do respect their beliefs .. pero, siyempre, dapat may nakakakumbinsing dahilan para makita na talagang ginagabayan ng Diyos ang isang religion .. puwede mong tingnan .. and comment ka na din, pwdeng dito or doon kung anong masasabi mo about sa thread na yon 😅

https://phcorner.net/threads/bakit-...ng-religion-mo-ang-tunay-na-religion.1065387/
 
Post ko na nga lng dito
😅


Bakit ako kumbinsido na Saksi ni Jehovah ang tunay na religion?

1. Jehovah's Witnesses is an International Brotherhood.

Ilang lupain o mga bansa mayroong mga saksi?
240 na mga lupain. Mas marami iyan kumpara sa United Nations na may 193 na mga bansa lamang na kabilang.

Ilang mga wika ang pinapangaralan namin?
Mahigit 1,000 wika na at nadaragdagan pa.

Hindi kayang gawin yan kahit ng pinakamaimpluwensyang tao na si Elon Musk or kahit ng pinakakilalang mga kompanya like Google, Microsoft, or kahit United Nations. Tanging Saksi ni Jehovah lang ang nakagawa ng bagay na yan.

Naniniwala kami na dahil sa patnubay ng espiritu ni Jehovah kung kaya nagawa namin ito. At naniniwala ako na katuparan ito mismo ng sinasabi ng Bible sa Apocalipsis 7:9

Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas.

Hindi sa iniyayabang ko ang bagay na ito pero kami lang ang tanging religion na napagkaisa ang 240 na mga bansa, kung saan ang wika na pinapangaralan ay nasa 1,000 wika. Samantalang, ang United Nations ay nasa 193 na mga bansa lang, pero, ang mga bansang kabilang dito ay nagkakaroon din ng conflict sa isa't-isa.

2. Sila lang ang tanging organization na masigasig na nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa ngayon. Katunayan, ang kanilang gawain ay umabot na sa halos 240 na mga lupain. Kahit na pagsalitaan kami ng masama, insultuhin, pagtripan pa nga ng mga tao, akusahan ng kung anu anong mga bagay, nagpapatuloy pa din kami sa pangangaral at binabalikan pa nga ang mga tao kahit na hindi maganda ang pakikitungo sa amin ng mga ito. Mahal namin ang mga tao kaya gusto namin silang mapangaralan sa abot ng aming makakaya kahit na ang iba ay hindi nagpapahalaga sa mensaheng ipinapangaral namin.

Katuparan din iyan ng sinasabi ng Bible sa Mateo 24:14

"Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”

Tinutularan namin ang unang-siglong mga Kristiyano na nangaral din tungkol sa Kaharian ng Diyos

“Nakisalamuha ako sa inyo habang nangangaral tungkol sa Kaharian. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli" (Gawa 20:25)

" Siya'y buong tapang at malayang nangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at sa Panginoong Jesu-Cristo." (Gawa 28:31)

Kaya ang pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos ang isa sa pagkakakilanlan ng tunay na mga tagasunod ni Jesus. Ang ibang religion, kapag tinanong mo about sa ano ang mensahe na dala dala nila, sasabihin lang nila, "about sa word of God or teachings ni Jesus Christ" pero ang totoo, may paksa na ipapangaral ang mga tagasunod ni Jesus sa buong lupa bago dumating ang wakas, at ito ay ang Kaharian ng Diyos, gaya ng sinabi niya sa Mateo 24:14.

3. Ang King James Version na kinikilala ng karamihan bilang ang pinaka-accurate na salin ng Bible, ay nirebisa (ni-revised) noong 2011 bilang pag-alala sa ika-400 years. At ano ang ginawa nila?

Ibinalik nila ang pangalan ng Diyos, "Jehovah", na lumitaw nang mahigit 7,000 beses sa Bible. Hindi mga saksi ang nagpublish ng Revised version na iyon pero naniniwala sila na ang banal na pangalan ng Diyos ay "Jehovah", at na dapat maibalik ang pangalang iyan sa mga teksto kung saan ito nakasulat.

174126693_5341307722611361_8823826551768027752_n.jpg
173963152_3928039437276639_6596118946779878514_n.jpg
173764831_261715508989256_6294987654992180043_n.jpg


Kaya, maging sila man ay naniniwala na tamang gamitin ang pangalan ng Diyos na Jehova sa Bible. Kaya, mali ba ang mga Saksi sa ginawa namin na pagbalik ng pangalan ng Diyos sa Bible? Hindi. Dahil ang kinikilala ng karamihan na Authorized version ng Bible, at sinasabing most accurate Bible translation na King James, ay naniniwala na dapat lang ibalik ang pangalan ng Diyos sa Bible.

4. Neutral ang mga Saksi pagdating sa politics at sa mga issue sa mundong ito.

Kung mapagmasid ka, mapapansin mo na karamihan ng religion ngayon ay nakikisangkot sa politika at iniimpluwensiyahan pa nga ang mga miyembro nito na iboto kung sino ang dapat na mamahala or ihalal.

Pero, gaya ng sinabi ni Jesus, ang mga tunay na Kristiyano na sumusunod sa kaniya ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.

"Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan." (Juan 17:16)

“Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!” (Juan 18:36)

Tulad ng mga ambassador na hindi nakikialam sa political issues ng bansa kung saan sila naroon, hindi rin nakikialam sa politika ang tunay na mga Kristiyano sa ngayon, dahil ang sinusuportahan naming pamamahala ay walang iba kundi ang Kaharian lamang ng Diyos.

Kaya, ano ang resulta ng paninindigan namin sa bagay na iyan? Pinag-usig kami at itinuring na iba. Katunayan, sa Russia, ang gawain at mga pasilidad na ginagamit ng mga Saksi doon ay kinumpiska. Itinuring kami bilang mga extremista, o sa ibang salita, mga terorista na sumasalungat o lumalaban pa nga sa gobyerno.

Gaya din ng isinulat ni Pablo,

"Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig." (2 Timoteo 3:12)

Pero, sa bagay na iyan, lumaban ba kami? Gumamit ba ng dahas ang mga Saksi sa desisyong iyon na i-ban ang mga Saksi ni Jehovah sa Russia? Hindi, kundi ipinapanalangin pa nga namin ang mga tagapamahala na sana ay magkaroon sila ng patas na paikitungo sa aming mga kapatid.

Mateo 5:44,
"Ngunit ito naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo."

Bilang karagdagan puwede mo ring itanong sa sarili mo, "Sa religion ba na kinauugnayan ko, pinag-uusig din ba ako ng mga tao?"

Compare mo yan ngayon sa ibang religion. Nung may itiniwalag na miyembro ng isang kilalang religion dito sa Pilipinas at nagsabi na mayroong anomalya sa kaniyang dating religion, ano ang ginawa ng mga miyembro ng religion na iyon?

Hindi ba't nagrally sila? Nag-ingay at nagdulot pa nga ng trapiko?
Ganyang pagkakaisa ba ang gusto ni Jesus sa kaniyang tunay na mga alagad?

Subukan mong panoorin ang video na ito tungkol sa komento ng isang Chief of police about sa experience niya nung nagkaroon ng internasyonal convention ang mga Saksi sa Pasay, sa Mall of Asia.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. YøùTùbé. com/ watch?v=pQ1d3-aSQ5E

5. Tanging Saksi ni Jehovah lang ang hindi nagbababa ng standards pagdating sa standard ng pagsamba.

Halimbawa, hindi nila sinasang-ayunan ang pagkakaroon ng mga miyembro na homosexual at hindi rin nila binabautismuhan ang mga maglive in partner or hindi kasal. Itinitiwalag nila ang mga miyembro na nakagawa ng imoralidad or ng mga bagay na lumalabag sa prinsipyo ng Bible at hindi ito hinahayaang manatili sa kanilang kongregasyon upang hindi makaimpluwensiya sa iba pang mga miyembro. (May mga kaayusan pagdating sa panunumbalik ng isang tao para makabalik siya ulit sa kongregasyon)

---
Kaya, ang tunay na religion ay hindi lang sa dami ng mga taong kabilang sa religion, pansinin mo kung ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa tunay at huwad na mga mananamba

Mateo 7:16
"Makikilala ninyo sila sa mga bunga nila."

Kung familiar ka sa kasabihan, kung anong puno, siya ring bunga. Applicable iyan pgdating sa tunay at huwad na pagsamba.
Kung tunay ang religion ng isang tao, makikita mo iyon sa kanilang paggawi, pagkilos at pananalita, o sa ibang salita, sa paraan ng kanilang pamumuhay. Pero kung huwad na religion ang kinabibilangan ng isang tao, makikita mo iyon sa pamumuhay nila.

..

Kaya eto ang tanong ko sa'yo or kahit sa ibang mga reader ng thread na ito:

1. May kilala pa ba kayong ibang religion na nangangaral nang boluntaryo sa mahigit na 240 na mga lupain at mga bansa, at nagsisikap mangaral sa mga tao sa mahigit 1,000 na mga wika, at nagtatranslate ng Bibliya or salig-Bibliyang mga publikasyon nang bountaryo lamang? (Apocalipsis 7:9)
2. Anong religion ang kilala mong nangangaral ng Kaharian ng Diyos sa mahigit 240 na mga lupain at nagsisikap na paabutan ng mabuting balita ang mga tao kahit pagsalitaan sila ng masasama? (Mateo 24:14)
3. Sinong religion ang nagsisikap na ipakilala ang pangalan ng Diyos sa mga tao at gumagamit nito sa kanilang pagsamba? (Gawa 15:14)
4. Anong religion ang kilala mo na hindi nakikibahagi sa political issues? (Juan 17:16; 18:36)
5. Sinong religion ang kilala mo na hindi nagkukunsinti sa pagkakaroon ng homosexual at hindi kasal or iba pang mga gawaing hinahatulan ng Bible? Anong religion ang kilala mo na mahigpit nanghahawakan sa pamantayan ng Bible?

--

Kaya, para sa akin, ito yung nakita kong nakakakumbinsing mga dahilan kung bakit ang mga Saksi ni Jehovah ang tunay na religion.

-

Well, puwede na magcomment yung mga gustong magcomment ...
 

Attachments

Last edited by a moderator:
Hindi mo gets no Isinulat ang Orhinal na Bible sa Dalawang wika. Ang Greek at Hebrew sa Greek at Hebrew walang J pano nyo nalaman Jehova pangalan ng Dios?
 
Totoo namang walang "J" sa Hebrew alphabet .. wala naman kaming sinasabi na "J E H O V A H” ang nakasulat na name ng Diyos sa original manuscript ng Bible ..

Ganito po ang pagkakasulat ng name ng Diyos sa iba't-ibang language,

Sa Hebrew,

יהוה

Transliterated ang apat na titik na iyan (or mas kilala bilang Tetragrammaton) bilang Y H W H,

Sa Latin, Transliterated ang Tetragrammaton as
J H V H

according sa Oxford English Dictionary, ang Tetragrammaton ay articulated (sa Tagalog, sinasalita) na Yahweh o Jehovah

IMG_20210419_225945.jpg


Kaya, totoo, walang letter "J" sa Hebrew na siyang original na ginamit sa pagsulat ng Bible.

Translated version ng name ng Diyos ang nababasa ninyo na "Jehovah” kaya mayroong letter "J".

Puwede kayong magtanong at magbigay ng iba pang dahilan kung bakit para sa inyo eh mali ang "Jehovah" ..

Handa naman naming sagutin ang mga tanong ninyo about sa bagay na iyan .. kasi, yan ang dahilan kung bakit kami tinawag na Saksi ni Jehovah, kasi, nagpapatotoo kami sa pangalan ni Jehovah ..

Kayo na bahala kung paano ninyo iintindihin yung mga paliwanag na inilalatag namin dito ..

Mauunawaan naman ng mga may makatuwirang pag-iisip yung mga bagay na gusto naming sabihin dito ..

🙂
 

Attachments

[XX='Jvvv, c: 1101767, m: 1783163'][/XX] Totoo namang nagtayo si Jesus ng iglesia, di naman namin tinatanggi yon, kaso, pa'no yan, si Jesus na siyang nagtayo ng iglesia, eh saksi din, pano po yun? Subukan niyo po basahin sa Bible 😅

Pahayag 1:5, (Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version)
Screenshot_2021-04-19-23-17-11-18.jpg


Ang Bibliya Tagalog 1978,
Screenshot_2021-04-19-23-21-16-31.jpg


Geneva Bible 1599,
Screenshot_2021-04-19-23-22-54-62.jpg


Saksi din pala si Jesus 😅 faithful witness ..
 

Attachments

Similar threads

Back
Top