What's new

May pagdududa ako sa girlfriend ko.

20AlienWARE02

Eternal Poster
Joined
Mar 4, 2018
Posts
404
Solutions
1
Reaction
1,503
Points
322
Age
21
Bakit po ganun?😓 Mahal na mahal ko po yung girlfriend ko,mahal nya din naman ako. May tiwala po ako sakanya, Pero bakit sa twing malayo kami sa isa't - isa nagdududa ako sakanya na parang meron siyang ibang lalaki. Mag tatatlong taon na po kami. Hindi naman ganyan pag tingin ko sakanya pero hindi ko talaga maiwasan na mag duda😔 tapos ayoko po talga masaktan sa pamamaraan ng ginagago. 😭
 
minsan yung pag dududa totoo din kasi yung ex ko nun ganyan pag di kami nagkikita naghihinala ako yun tama nga kutob ko naging jowa nya yung x ng pinsan nya at masakit may nangyare pa sknila
 
Normal lang yan paps yung pagdududa. Lalo na't malayo kayo sa isat isa. Pero mas maganda kung bawas bawasan mo instead na magduda ka mas mahalin mo sya. Minsan kasi dyan nagsisimula ang hiwalayan eh kasi di nagkakaintindihan. Hindi naman masama magtanong o mag-usisa kung may napapansin kang kahina-hinala sa kilos nya. Sa paraan na yan kahit papano maagapan mo yung bagay na di mo inaasahan

200.gif
 

Attachments

minsan yung pag dududa totoo din kasi yung ex ko nun ganyan pag di kami nagkikita naghihinala ako yun tama nga kutob ko naging jowa nya yung x ng pinsan nya at masakit may nangyare pa sknila
Hays grabi naman noh. Di ko mapapatawad pag ganyan mangyari saaken awit
 
Normal lang yan paps yung pagdududa. Lalo na't malayo kayo sa isat isa. Pero mas maganda kung bawas bawasan mo instead na magduda ka mas mahalin mo sya. Minsan kasi dyan nagsisimula ang hiwalayan eh kasi di nagkakaintindihan. Hindi naman masama magtanong o mag-usisa kung may napapansin kang kahina-hinala sa kilos nya. Sa paraan na yan kahit papano maagapan mo yung bagay na di mo inaasahan

View attachment 1368582
Oo paps kaso pag tinatanong wala daw eh syempre kahit nga magnanakaw di nga umaamin, pero ayoko talga masaktan paps chickboy ako dati ngayon lang talga ako nagmahal ng todo todo. Kaya mag tatatlong taon na kami eh.
 
Wtf same. Nagdududa din ako sa ex ko nung high school and turns our i was right. Nakipagkita siya sa ibang lalaki out of secret and isa na dun yung nanliligaw sa bestfriend ko. And one time naghost ng regional meet dun sa school namin and mag isang lalaking taga ibang school humingi ng number niya and binigay niya din. Alam ko kase marami sa mga kaibigan ko noon ang nakakita 🤦‍♀️ ilang beses ko din siya pinatawad kase minahal ko siya and pinagkatiwalaan kong di na niya magagawa yun and umiiyak din siya sa tuwing kinoconfront ko siya about sa mga yun. But in the end nakipaghiwalay din ako sakanya. And then one day nangyari na naman. College na kami and magkaiba na kami ng school. And di ko din inexpect na magtatransfer din dun yung ex niya which was her first boyfriend. Kaya ayun nakipaghiwalay na lang ako kase naaattract na naman siya sa ex niya. And nag post pa siya sa fb ng "first love never dies" and mas matindi dun nakahide pa sakin yung post 😂 anyway siguraduhin mo yan ts. Women may think that only guys can cheat, but in reality it's just the same. Ingat
 
Magduda ka lang pero convert it into love/trust.

Pakita mo lang at iparamdam mo lang sa kanya na walang nagbago. ng wala kang ganong INIISIP I nararamdaman sa kanya kapad magkalayo kayo lalo na kung kausap mo o KAHARAP mo SIYA.

At isa pa ihanda mo ang SARILI mo sa maari o posibleng mangyari. masasaktan ka normal yan! pero wag mong hahayaan ang SARILI magkaroon ng anger. okay na yung pain lang! Mahirap pag Pain at anger ang magkasabay. KAYA kung ano man ang mangyari tanggapin mo. at kung wala namang dapat palang ikaduda well ikaw ang mali sa part na yun. At sa part ni girl NAMAN ang swerte mo to have her kung sakaling ikaw lang NAMAN talaga ang nagiisip ng GANYAN.

Mas DAGDAGAN mo pa ang LAWAK ng isipan mo boss para mas ma control mo yang doubts na GANYAN. at trust is a must pa! Wag lang sobra mag tira kadin sa SARILI mo.

Cheer up Kapatid 👌
 
Kung may pagdududa ka sa kanya, why not rektahin mo syang tanungin kung may iba ba sya? Tapos kapag tinanong ka naman nya na bakit mo tinatanong yun, explain mo sa kanya yung totoong nararamdaman mo kapag wala sya sa tabi mo. Mahirap ang manghula kasi hindi naman tayo mga manghuhula.
 
[XX='Vader, c: 1026213, m: 1088683'][/XX] mas matindi pa nga mag-cheat mga babae kung tutuusin, sabi nila tayo daw men ay polygamous by nature pero ang mga girls naman hangga't hindi mo asawa palagi may reservation na para lang sa sarili nila, they will not stop at nothing para magbakasakali na ikaw bilang boyfriend nya ay baka may mas higit pa sayo na gusto nya patunayan kaya collect and select yang mga yan, meron nga na kahit asawa na ay ganun din... nagche-cheat din kaya tama ka bro...
pero di ko rin naman gine-generalize dahil may tao sadya na ganun lalaki man o babae, kung cheater ang tao chances are cheater talaga yan... may asawa man o wala
 
isa lang naman tanong dyan ts, proven man o hindi ang pagdududa mo... ang tanong masaya ka pa ba?
kung hindi na then hanap na lang ng iba na makakapag-bigay sayo ng peace of mind
kung jowa, syota, girlfriend o kung ano man tawag nyo dyan.. it all boils down to one thing... kelangan yung partner nyo ang isa sa nagpapakumpleto ng buhay nyo... like inspirasyon, pangarap, etc...
pero kung ang partner nyo eh pampagulo lang sa buhay nyo then mas mabuti pa ang wala
 
madalas talaga ang duda na yan ay totoo hehe danas ko na yan 🤣 pero sa sitwasyon mo, tingin ko normal lang yan na mag isip ka ng ganyan sa gf mo kasi sa sobrang pagmamahal mo sa kanya. pangalawa, may mga iniisip ka na ayaw mong mangyari sayo o ayaw mong maranasan mo. suggest ko lang, bakit di mo subukan na puntahan siya kung nasan man siya na hindi nya nalalaman. para naman magkaron ka ng peace of mind hehe
 
Super agree ako dito paps. Hanapin yung taong kayang makapag bigay ng peace of mind. Sobrang blessed kapag nakahanap ng taong ganyan sa panahon ngayon 😢
 

Similar threads

Back
Top