What's new

May Nawawala'Ano?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
PAGKATAPOS masdang mabuti ang mga bituin sa isang maaliwalas, madilim na gabi, kami’y pumasok sa loob, giniginaw at namamangha, ang aming isip ay umiikot dahil sa pagkalawak-lawak na kagandahan at sa dami ng mga katanungan. Bakit naririto ang sansinukob? Saan ito nanggaling? Saan ito patungo? Ito ang mga tanong na sinisikap sagutin ng marami.

Pagkatapos ng limang taóng pananaliksik sa kosmolohiya, na nagdala sa kaniya sa siyentipikong mga komperensiya at sa mga sentro sa pananaliksik sa buong daigdig, inilarawan ng manunulat sa siyensiya na si Dennis Overbye ang isang pakikipag-usap sa kilala sa daigdig na pisikó na si Stephen Hawking: “Sa pagtatapos nais kong malaman mula kay Hawking ang bagay na lagi kong nais malaman buhat kay Hawking: Kung saan tayo nagtutungo pagkamatay natin.”

Bagaman may kabalintunaan, ipinahihiwatig ng mga salitang ito ang maraming bagay tungkol sa ating panahon. Ang mga tanong ay hindi gaanong patungkol sa mga bituin mismo at sa teorya at magkasalungat na mga pangmalas ng mga kosmologong nag-aaral nito. Ang mga tao sa ngayon ay nauuhaw pa rin sa mga kasagutan sa mahahalagang katanungan na paulit-ulit na itinatanong ng sangkatauhan sa loob ng mga milenyo! Bakit tayo naririto? Mayroon bang Diyos? Saan tayo nagtutungo pagkamatay natin? Nasaan ang mga kasagutan sa mga tanong na ito? Ito ba’y masusumpungan sa mga bituin?

Isa pang manunulat sa siyensiya, si John Boslough, ang nakapansin na yamang nilisan na ng mga tao ang relihiyon, ang mga siyentipikong gaya ng mga kosmologo ay naging “ang angkop na angkop na mga pari para sa isang di-relihiyosong panahon. Sila, hindi ang mga lider ng relihiyon, ang siyang magsisiwalat ngayon ng lahat ng mga lihim ng sansinukob nang unti-unti, hindi sa balatkayong espirituwal na pagkaunawa kundi sa matematikal na mga pangungusap na hindi maunawaan ng lahat kundi ng mga siyentipiko na minamalas bilang mga pari.” Subalit isisiwalat ba nila ang lahat ng mga lihim ng sansinukob at sasagutin ang lahat ng mga tanong na paulit-ulit na itinatanong ng tao sa loob ng maraming taon?

Ano ba ang isinisiwalat ng mga kosmologo sa ngayon? Itinataguyod ng karamihan ang ilang bersiyon ng “teolohiya” ng big bang, na naging sekular na relihiyon ng ating panahon, kahit na sila ay walang-lubay na umiiwas sa pinag-uusapang mga detalye. “Subalit,” sabi ni Boslough, “sa konteksto ng bago at magkakasalungat na mga obserbasyon, ang teorya ng big bang ay nagsisimulang magtinging higit at higit na tulad ng isang napakapayak na modelo upang bumagay sa paglalarawan ng paglalang. Maaga noong mga taon ng 1990 ang teorya ng big bang ay . . . lalo pang hindi nakasagot sa pinakamahalagang mga katanungan.” Isinusog pa niya na “mga ilang teorista ang nagpahayag ng palagay na hindi ito magtatagal hanggang sa katapusan ng dekada ng 1990.”

Marahil ang ilan sa kasalukuyang kosmolohikal na mga tantiya ay magiging tama, marahil hindi—kung paanong marahil ay mayroon ngang nag-aanyong mga planeta sa nagniningning na anino ng nebula ng Orion, marahil ay wala. Ang hindi matatanggihang katotohanan ay na walang sinuman sa lupang ito ang talagang nakatitiyak. Napakaraming teorya, subalit inuulit ng tapat na mga nagmamasid ang matalinong obserbasyon ni Margaret Geller na sa kabila ng matamis na pananalita, isang mahalagang bagay ang tila ba nawawala sa kasalukuyang pagkaunawa ng siyensiya tungkol sa sansinukob.

Nawawala—Ang Pagkukusang Harapin ang Hindi Kanais-nais na mga Katotohanan

Karamihan ng mga siyentipiko—kalakip dito ang karamihan ng mga kosmologo—ay naniniwala sa teorya ng ebolusyon. Hindi nila matanggap ang katotohanan na ang talino at layunin ay may bahagi sa paglalang, at sila’y nanginginig sa pagbanggit lamang sa Diyos bilang Maylikha. Tumatanggi pa nga silang pag-isipan man lamang ang gayong hidwang paniniwala. May paghamak na binabanggit ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang tungkol sa mapagmataas na tao na “hindi nagsasaliksik; lahat niyang pag-iisip ay: ‘Walang Diyos.’ ” Ang kaniyang malikhaing diyos ay ang Pagkakataon. Subalit habang dumarami ang kaalaman at ang pagkakataon naman ay gumuguho dahil sa dumaraming katibayan, ang siyentipiko ay higit at higit na bumabaling sa gayong mga di-kanais-nais na mga bagay na gaya ng talino at disenyo. Isaalang-alang ang sumusunod na halimbawa:

“Isang bahagi ang maliwanag na nawawala mula sa pag-aaral tungkol sa sansinukob. Ang pinagmulan ng Sansinukob, tulad ng solusyon sa Rubik cube, ay nangangailangan ng talino,” sulat ng astropisikong si Fred Hoyle sa kaniyang aklat na The Intelligent Universe, pahina 189.

“Habang lalo kong sinusuri ang sansinukob at pinag-aaralan ang mga detalye ng arkitektura nito, lalong maraming katibayan ang nasusumpungan ko na sa paano man ay nalalaman ng sansinukob na tayo’y darating.”—Disturbing the Universe, ni Freeman Dyson, pahina 250.

“Anu-anong bahagi ng Sansinukob ang mahalaga para sa paglitaw ng mga nilalang na gaya natin, at nagkataon lamang ba, o dahil ba sa ilang mahirap unawaing pangangatuwiran, na ang ating Sansinukob ay may ganitong mga bahagi? . . . Mayroon bang mas mahirap unawaing plano na tumitiyak na ang Sansinukob ay sadyang ginawa para sa sangkatauhan?”—Cosmic Coincidences, nina John Gribbin at Martin Rees, mga pahina xiv, 4.

Si Fred Hoyle ay nagkokomento rin tungkol sa mga katangiang ito, sa pahina 220 ng kaniyang aklat na sinipi sa itaas: “Ang gayong mga katangian ay tila ba nakahabi sa likas na daigdig na parang isang sinulid ng maliligayang aksidente. Subalit napakaraming kakatuwang mga pagkakataong ito na mahalaga sa buhay na nangangailangan ng ilang paliwanag.”

“Hindi lamang na ang tao ay ginawa para sa sansinukob. Ang sansinukob ay ginawa para sa tao. Naisip mo ba ang isang sansinukob kung saan ang isa o iba pang mahahalagang di-mababagong mga bagay ng pisika ay binago ng ilang porsiyento sa paano man? Hinding-hindi maaaring umiral ang tao sa gayong sansinukob. Iyan ang mahalagang punto sa simulain tungkol sa pag-iral ng tao. Ayon sa simulaing ito, isang nagbibigay-buhay na salik ang siyang pinagmumulan ng buong makinarya at disenyo ng daigdig.”—The Anthropic Cosmological Principle, nina John Barrow at Frank Tipler, pahina vii.

Diyos, Disenyo, at ang Di-nagbabagong Bagay sa Pisiká

Ano ang ilan sa mahalagang di-nagbabagong bagay na ito sa pisiká o physics na mahalaga upang umiral ang buhay sa sansinukob? Itinala ng isang ulat sa The Orange County Register ng Enero 8, 1995, ang ilan sa mga di-nagbabagong bagay na ito. Idiniin nito kung gaano lubhang magkakasuwato ang mga bahaging ito, na sinasabi: “Ang bilang at laki ng maraming pangunahing pisikal na mga di-nagbabagong bagay na nagtatakda sa sansinukob—halimbawa, ang charge ng isang elektron, o ang takdang bilis ng liwanag, o ang katumbasan ng lakas ng pangunahing mga puwersa sa kalikasan—ay kagila-gilalas na eksakto, ang ilan ay hanggang sa ika-120 decimal place. Ang paglitaw ng isang sansinukob na pinagmumulan ng buhay ay lubhang sensitibo sa mga detalyeng ito. Ang anumang maliit na pagbabago—isang ikaisambilyon ng isang segundo dito, isang ikasampung bilyon ng isang metro doon—at ang sansinukob ay maaaring patay at iláng na.”

Saka binanggit ng may-akda ng ulat na ito ang karaniwang hindi binabanggit: “Wari bang mas makatuwirang ipalagay na ilang mahiwagang hilig ang nagkukubli sa loob ng proseso, marahil sa pagkilos ng isang matalino at sinadyang kapangyarihan na iniangkop-nang-husto ang sansinukob bilang paghahanda para sa ating pagdating.”

Si George Greenstein, propesor ng astronomiya at kosmolohiya, ay nagbigay ng mahabang listahan ng pisikal na mga di-nagbabagong bagay na ito sa kaniyang aklat na The Symbiotic Universe. Kabilang sa mga nakatala ay ang mga di-nagbabagong bagay na lubhang eksakto anupat kung ang mga ito’y lumihis nang bahagyang-bahagya, walang atomo, walang bituin, walang sansinukob, ang maaaring umiral kailanman. Ang mga detalye ng mga kaugnayang ito ay nakatala sa kalakip na kahon. Ang mga ito’y kailangang umiral upang magkaroon ng pisikal na buhay. Ang mga ito’y masalimuot at maaaring hindi maunawaan ng lahat ng mambabasa, subalit ang mga ito’y kinikilala, pati na ang maraming iba pa, ng mga astropisiko na sinanay sa mga larangang ito.

Habang humahaba ang listahang ito, si Greenstein ay lalong nadaraig. Aniya: “Napakaraming nagkataon lamang! Mientras mas marami akong nababasa, lalo akong nagiging kumbinsido na ang gayong ‘mga pagkakataon’ ay hindi maaaring nagkataon lamang. Subalit habang tumitindi ang paniniwalang ito, mayroon pang sumisidhi. Kahit na ngayon ay mahirap sabihin ang ‘isang bagay’ na ito. Isa itong matinding biglang pagbabago, at kung minsan ito ay halos pisikal. Ako’y talagang mamimilipit sa pagkaasiwa. . . . Posible kayang walang anu-ano, nang hindi mo binabalak, di-sinasadyang natuklasan natin ang siyentipikong katibayan ng pag-iral ng isang Kataas-taasang Maykapal? Ang Diyos ba ang nakialam at gumawa sa sansinukob para sa ating kapakinabangan?”

Nayayamot at natatakot sa kaisipang ito, agad na binawi ni Greenstein ang ipinahayag niya, pinanumbalik ang kaniyang makasiyentipikong relihiyosong paniniwala, at nagsabi: “Hindi paliwanag ang Diyos.” Hindi ito makatuwiran—ito’y lubhang hindi kanais-nais anupat hindi niya ito masikmura!

Isang Likas na Pangangailangan ng Tao

Hindi naman nito minamaliit ang pagpapagal ng taimtim na mga siyentipiko, pati na ang mga kosmologo. Lalo nang pinahahalagahan ng mga Saksi ni Jehova ang marami nilang mga tuklas tungkol sa paglalang na nagsisiwalat sa kapangyarihan at karunungan at pag-ibig ng tunay na Diyos, si Jehova. Ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ay nagsasabi: “Ang kaniyang di-nakikitang mga katangian ay malinaw na nakikita mula sa paglalang sa sanlibutan patuloy, sapagkat napag-uunawa ang mga iyon sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa, maging ang kaniyang walang-hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos, anupat sila ay di-mapagpapaumanhinan.”

Ang mga pagsisiyasat at pagpapagal ng mga siyentipiko ay likas na pagtugon ng tao sa isang pangangailangan na mahalaga sa sangkatauhan gaya ng pangangailangan para sa pagkain, tirahan, at pananamit. Ito ang pangangailangan na malaman ang mga sagot sa ilang katanungan tungkol sa hinaharap at sa layunin ng buhay. “Inilagay [ng Diyos] ang walang-hanggan sa mga puso ng mga tao; gayunma’y hindi nila maarók kung ano ang ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., The Holy Bible—New International Version.

Ang balitang ito ay hindi naman gayon kasama. Ito’y nangangahulugan na hindi ito kailanman malalamang lahat ng sangkatauhan, ni sila man ay mauubusan ng mga bagong bagay na matututuhan: “Nakita ko ang lahat ng gawa ng tunay na Diyos, kung paanong hindi matuklasan ng tao ang gawa na ginawa niya sa ilalim ng araw; sikapin mang mainam ng tao na hanapin, ay hindi rin nila nasusumpungan. At kahit na sabihin pa nilang sila’y matalino upang makaalam, hindi rin nila masusumpungan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ang ilang siyentipiko ay tumututol na gawing “solusyon” ang Diyos sa isang problema dahil sa ito ang magwawakas sa paghahangad na magsaliksik pa. Subalit, ang isang tao na kumikilala sa Diyos bilang ang Maylikha ng mga langit at ng lupa ay may napakarami pang kahali-halinang mga detalyeng tutuklasin at nakatatawag-pansing mga hiwaga na susuriing mainam. Para bang siya ay may pahintulot na magpatuloy sa isang kasiya-siyang abentura ng pagtuklas at pagkatuto!

Sino ang makatatanggi sa paanyaya ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.? “Itingin ninyo sa itaas ang inyong mga mata at tingnan ninyo.” Itiningin natin sa itaas ang ating mga mata sa ilang mga pahinang ito, at ang nakita natin ay ang ‘isang bagay na nawawala’ na iniwasan ng mga kosmologo. Nasumpungan din natin ang mahahalagang kasagutan sa paulit-ulit na mga tanong na iyon na umuukilkil sa isip ng tao sa loob ng maraming panahon.

Ang mga Kasagutan ay Nasumpungan sa Isang Aklat

Ang sagot ay laging naroon, subalit tulad ng mga relihiyonista noong kaarawan ni Jesus, binulag ng maraming tao ang kanilang mga mata, isinara ang kanilang mga tainga, at pinatigas ang kanilang mga puso sa mga kasagutan na hindi katugma ng kanilang makataong mga teorya o sa kanilang piniling istilo ng buhay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinabi sa atin ni Jehova kung saan nanggaling ang sansinukob, kung paano napunta rito ang lupa, at kung sino ang maninirahan dito. Sinabi niya sa atin na dapat bungkalin ito ng mga taong maninirahan sa lupa at maibiging pangalagaan ang mga halaman at mga hayop na nakikitira rito na kasama nila. Sinabi rin niya sa atin kung ano ang nangyayari kapag namatay ang tao, na sila ay maaaring bumalik sa buhay, at kung ano ang dapat nilang gawin upang mabuhay magpakailanman sa lupa.

Kung ikaw ay interesado sa mga kasagutan na ibinibigay sa iyo sa wika ng kinasihang Salita ng Diyos, ang Bibliya, pakisuyong basahin ang sumusunod na mga kasulatan: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Bakit hindi basahin ang mga kasulatang ito na kasama ng iyong pamilya o kasama ng isang kapitbahay o kasama ng isang grupo ng mga kaibigan sa inyong bahay sa gabi? Makatitiyak ka na ito ay magiging isang nakapagtuturo at masiglang usapan!

Natatawag ba ang iyong pansin ng mga hiwaga ng sansinukob at naaantig ka ba ng kagandahan nito? Bakit hindi kilalanin nang husto ang Isa na lumikha nito? Ang ating pagkausyoso at pagtatanong ay walang kabuluhan sa walang-buhay na mga kalangitan, subalit ang Diyos na Jehova, ang kanilang Maylikha, ay siya rin nating Maylikha, at siya’y nagmamalasakit sa mga maaamo na interesadong matuto tungkol sa kaniya at sa kaniyang mga nilalang. Ang paanyaya ay ibinibigay ngayon sa buong lupa: “ ‘Halika!’ At ang sinumang nakikinig ay magsabi: ‘Halika!’ At ang sinumang nauuhaw ay pumarito; ang sinumang nagnanais ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Anong nakapagpapasigla sa puso na paanyaya ito buhat kay Jehova! Sa halip na sa pamamagitan ng isang hindi pinag-isipan, walang layuning pagsabog, ang sansinukob ay nilikha ng isang Diyos ng walang-hanggang katalinuhan at may tiyak na layunin na nasa isip ka mula sa pasimula. Ang mga reserba niya ng walang-takdang enerhiya ay maingat na kontrolado at laging makukuha upang sustinihan ang kaniyang mga lingkod. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang iyong gantimpala dahil sa pagkilala sa kaniya ay magiging walang katapusan na gaya ng maringal na sansinukob mismo!

“Ang kalangitan ay nagpapahiwatig ng kaluwalhatian ng Diyos; at ang gawa ng mga kamay niya’y nagbabadya ng kalawakan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..



Isang Talaan ng Ilan sa Pisikal na mga Di-nagbabagong Bagay na Mahalaga Para Umiral ang Buhay

Ang mga charge ng elektron at proton ay dapat na pantay at magkasalungat; dapat na mas marami ang neutron sa proton ng bahagyang porsiyento; dapat na magtugma ang temperatura ng araw at ang sumisipsip na mga katangian ng chlorophyll bago maaaring mangyari ang photosynthesis; kung ang malakas na puwersa ay mahina nang kaunti, ang araw ay hindi makagagawa ng enerhiya sa pamamagitan ng nuklear na mga reaksiyon, subalit kung ito naman ay mas malakas nang kaunti, ang gatong na kinakailangan upang gumawa ng enerhiya ay magiging lubhang mabuway; kung walang dalawang bukod na di-pangkaraniwang resonance sa pagitan ng mga nukleo sa gitna ng dambuhalang pulang mga bituin, walang elemento bukod sa helium ang magagawa; kung ang espasyo ay wala pang tatlong dimensiyon, ang mga ugnayan para sa daloy ng dugo at ng sistema ng nerbiyo ay imposible; at kung ang espasyo ay mahigit sa tatlong dimensiyon, ang mga planeta ay hindi makaiikot nang matatag sa araw.—The Symbiotic Universe, mga pahina 256-7.



May Nakakita ba ng Aking Nawawalang Kimpal?

Ang galaksing Andromeda, tulad ng lahat ng hugis-pilipit na mga galaksi, ay maringal na umiikot sa kalawakan na para bang isang dambuhalang buhawi. Natatantiya ng mga astronomo ang bilis ng pag-ikot ng maraming galaksi mula sa anino ng liwanag, at kapag nagawa nila iyon, natutuklasan nila ang isang bagay na nakalilito. Ang bilis ng pag-ikot ay para bang imposible! Ang lahat ng hugis-pilipit na mga galaksi ay wari bang umiikot nang napakabilis. Ang mga ito’y kumikilos na para bang ang nakikitang mga bituin ng galaksi ay nakabaon sa mas malaking anilyo ng madilim na bagay, di-nakikita sa teleskopyo. “Hindi namin alam ang mga anyo ng madilim na bagay,” sabi ng astronomong si James Kaler. Tinataya ng mga kosmologo na 90 porsiyento ng nawawalang kimpal ay hindi pa natutuklasan. Nagkakagulo sila sa paghahanap nito, sa anyo ng malalaking neutrino o ng ilang di-kilala ngunit napakaraming uri ng bagay.

Kung makita mo ang nawawalang kimpal, tiyaking ipagbigay-alam agad sa inyong lokal na kosmologo!
 

Similar threads

Back
Top