What's new

May matitibay na dahilan ba upang maniwala sa Diyos?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang mga kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ipinakikita ng kalawakan ang gawa ng kaniyang mga kamay.”

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Pagkasari-sari ang iyong mga gawa, O Jehova! Sa karunungan ay ginawa mo silang lahat. Ang lupa ay puno ng iyong mga nilikha.”

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang mga katangian niyang hindi nakikita ay maliwanag na naaaninaw buhat pa nang lalangin ang sanlibutan, sapagka’t ang mga ito’y nahihiwatigan sa mga bagay na ginawa.”

Sinabi ng magasing New Scientist: “Nananatili ang karaniwang paniwala—na ang relihiyon ay ‘pinawalang-bisa’ ng mga siyentipiko. Ito’y isang paniwala na karaniwan nang umaasa na ang mga siyentipiko ay walang pananampalataya; na inilibing na ni Darwin ang Diyos; at na ang sunudsunod na makasiyentipiko at teknolohikal na mga pagbabago sapol noon ay nag-alis sa anomang pag-asa ukol sa isang pagkabuhay-muli. Ito ay isang paniwala na maling-mali.”—Mayo 26, 1977, p. 478.

Sinabi ng isang kasapi sa French Academy of Sciences: “Ang ayos sa kalikasan ay hindi kinatha ng isip ng tao ni itinakda kaya ng mga kapangyarihan ng unawa. . . . Ang pag-iral ng kaayusan ay nagpapahiwatig ng pag-iral ng talino sa pag-organisa. Ang talinong ito ay walang ibang pagbubuhatan kundi sa Diyos.”—Dieu existe? Oui (Paris, 1979), Christian Chabanis, bilang pagsipi kay Pierre-Paul Grassé, p. 94.

Nakilala ng mga siyentipiko ang mahigit na 100 kemikal na elemento. Ang atomikong balangkas ng mga ito ay nagtatanghal ng masalimuot na matematikal na pag-uugnayan ng mga elemento sa isa’t-isa. Ang periodic table ay nagpapahiwatig ng malinaw na pagkadisenyo. Ang ganitong kamanghamanghang disenyo ay hindi mangyayari nang di-sinasadya, na bunga lamang ng pagkakataon.

Paglalarawan: Kapag nakakakita tayo ng isang kamera, isang radyo, o computer, agad nating tinatanggap na ito’y dapat na nalikha ng isang matalinong disenyador. Kung gayon, magiging makatuwiran kaya na sabihing ang higit na masalimuot na mga bagay—ang mata, ang tainga, at ang utak ng tao—ay hindi nagbuhat sa isang matalinong Disenyador?
 
through experience, spirit will penetrate, then there u are. HInubog ng pagsubok at binago ng Panginoon.

Kaso nga lang, di' lahat. Pero at least, marami nagkakalat ng magandang balita, pagkain para sa kaluluwa <3 Salamat sa Diyos!
 

Similar threads

Back
Top