What's new

May chance parin kaya?

Pre_11314

Honorary Poster
Established
Joined
Jan 6, 2023
Posts
430
Reaction
1,058
Points
235
may crush ako dati nung grade 8 pa ako, tapos may mga pagkakataon nun na nagdududa ako na baka crush nya din ako dahil napapansin ko siya na lagi siyang may pasilip2 sa room namin habang siyay dumadaan, yung parang may hinahanap... tas nung sports day, tinabihan niya ako sa may likuran habang naglalaro ako ng chess, tapos pagtingin ko sa kanya, bigla niya akong nginitian (siguro support haha,) at nung may practice kami para sa cheerdance competition nun, nagalit siya bigla kase may kahawak akong ibang kamay mula sa ibang babae dahil sa arrangement, para saken nun, parang nahahalata ko na, na may crush siya saken...

pagkalipas ng mga 3 taon, nung desembre, pumunta siya sa room namin para bisitahin yung mga kabarkada niya tapos biglang pumasok sa pinaguusapan ang mga crushes, tas tinawag niya ako at sinabe niya saken na... alam mo, crush kita dati, tas may picture panga ako sayo nun oh haha...
syempre pagkatapos nun nagulat ako masyado na may hlong pagkadismaya, hindi ko inakalang may nakacrush din pala saken nun 😅

maya2 nun, pagkauwi ko bahay, nabuhay na naman ulit yung pagkacrush ko sa kanya (medyo nawalan kase ako ng pag-asa sa kanya nung pandemic years)... tas hindi ko naiwasang magoverthink sa gabi kung crush parin niya ako...

sa ngayon, namamansin parin naman siya saken tulad nung dati...

ano kaya sa tingin nyo mga ka-phc?
may chance parin ba?

pero sabi niya kasi, "dati lang", hirap talaga pag torpe, nasasayang ang pagkakataon :'(

sayang na sayang talaga...
 

Attachments

Last edited:
More sayang to come ts 😆 biro lang pero yan ang realidad. Ganyan tlaga ang buhay. Chance ba? Ipagpatuloy mo na lng muna enjoyin pagka single mo.
 
pwede nato pang mmk haha di jk lang paps, wag ka magfocus sa isa. Marami pa naman iba dyan tas tandaan mo wag kag mag over expectation kase yan ang masakit.
 
More sayang to come ts 😆 biro lang
wag naman sana 😅
pero yan ang realidad. Ganyan tlaga ang buhay. Chance ba? Ipagpatuloy mo na lng muna enjoyin pagka single mo.
sa tingin ko, ganyan nalang nga muna sa ngayon paps...

pwede nato pang mmk haha di jk lang paps, wag ka magfocus sa isa. Marami pa naman iba dyan tas tandaan mo wag kag mag over expectation kase yan ang masakit.
mukhang tama ka nga paps, magoobserve nalang yata muna ako sa paligid at magpapatuloy bilang single 😅
 
wag naman sana 😅

sa tingin ko, ganyan nalang nga muna sa ngayon paps...


mukhang tama ka nga paps, magoobserve nalang yata muna ako sa paligid at magpapatuloy bilang single 😅
oo paps yan lang, wag ka magfocus kase sabi nga ni flow G wag mo gawing mundo ang alam mong tao lang, eh pano pag di ka gusto/mahal non? diba?
 
oo paps yan lang, wag ka magfocus kase sabi nga ni flow G wag mo gawing mundo ang alam mong tao lang, eh pano pag di ka gusto/mahal non? diba?
baka nga paps, mahirap na umasa sa wala, masasayang lang ang panahon ko para sa kanya...

at tsaka, study first muna kase bago lumandi sa taga ibang pangkat hahah 😆
 
Meron pa yan try mong makipag interact sa kanya without any motives tapos sabihin mo din na "crush din kita dati baka tayo talaga nakatadhana ngayon" sabihin mo ito sa kanya ng pabiro hahaha
 
Meron pa yan try mong makipag interact sa kanya without any motives tapos sabihin mo din na "crush din kita dati baka tayo talaga nakatadhana ngayon" sabihin mo ito sa kanya ng pabiro hahaha
naisip ko na nga rin yan paps, pero tingin ko hindi pa yata ngayon ang time para sabihin ko yan, try ko ngayong february sa js prom namin, pag maisayaw ko sya... 😅
 

Similar threads

Back
Top