What's new

Mawawala Na ang Poot!

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,537
Reaction
7,198
Points
2,914
Kahit nadaig na natin ang poot sa puso natin, hindi natin makokontrol ang paggawi ng ibang tao. Patuloy na magiging biktima ng poot ang mga inosenteng tao. Sino ang magbibigay ng solusyon sa problemang ito?
Ang Diyos na Jehova lang ang may kakayahang wakasan ang poot. At iyan ang eksaktong ipinapangako ng Bibliya na gagawin niya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

WAWAKASAN NG DIYOS ANG UGAT NG PAGKAPOOOT

  1. 1. SATANAS NA DIYABLO. Si Satanas, ang rebeldeng anghel, ang nasa likod ng lahat ng poot na laganap ngayon. Pupuksain ng Diyos si Satanas at ang lahat ng nagpapakita ng poot.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  2. 2. ANG MASAMANG MUNDONG PINAMUMUNUAN NI SATANAS. Aalisin ng Diyos ang lahat ng dahilan ng poot, pati na ang tiwaling mga politiko at mga lider ng relihiyon. Tatanggalin din ng Diyos ang sakim na komersiyo na nananamantala sa mga tao.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  3. 3. PAGIGING DI-PERPEKTO NG TAO. Sinasabi ng Bibliya na ang lahat ng tao ay ipinanganak na di-perpekto. Kaya madali tayong nakakapag-isip at nakakagawa ng masasamang bagay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kasama na diyan ang pagkadama ng poot sa iba. Permanenteng sosolusyunan ng Diyos ang lahat ng epekto ng pagiging di-perpekto natin, kasama na ang pagkadama ng poot.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

MUNDONG WALANG POOT—PANGAKO NG BIBLIYA

  1. 1. MAWAWALA ANG KAWALANG-KATARUNGAN. Mamamahala sa lupa ang Kaharian ng Diyos. Ang gobyernong ito na nasa langit ay patas at hindi magwawakas. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mawawala na ang panghuhusga at diskriminasyon. Aalisin ng Diyos ang kawalang-katarungan na nararanasan ng mga tao.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  2. 2. MAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN. Wala nang magdurusa dahil sa karahasan o digmaan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mga taong hindi marahas ang titira sa lupa, kaya magiging payapa ang mundo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  3. 3. MAGANDANG BUHAY MAGPAKAILANMAN. Mamahalin ng mga maninirahan sa lupa ang kanilang kapuwa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Walang nang maghihirap. Maging ang mapapait na alaala ay makakalimutan na. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag nawala na ang poot, ‘mag-uumapaw ang kaligayahan ng mga tao dahil sa lubos na kapayapaan.’—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Gustong-gusto mo bang mabuhay sa mundong iyon? Nadadaig na ng maraming tao ngayon ang poot sa tulong ng Bibliya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagagawa na iyan ng milyon-milyong Saksi ni Jehova sa buong mundo. Iba-iba ang kultura at bansang pinagmulan nila, pero isang pamilya sila na nagmamahalan at nagkakaisa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Masaya ang mga Saksi ni Jehova na sabihin sa iyo kung paano matitiis ang kawalang-katarungan at diskriminasyon. Makakatulong sa iyo ang mga matututuhan mo na unti-unting madaig ang poot at magpakita ng pag-ibig. Malalaman mo kung paano magiging mabait sa mga tao—kahit na sa mga magagalitin o hindi mapagpasalamat. Dahil diyan, magiging mas masaya ka at gaganda ang ugnayan mo sa iba. At pinakamahalaga, malalaman mo ang dapat mong gawin para mabuhay sa mundo na pinamamahalaan ng Kaharian ng Diyos—isang mundong payapa at walang poot.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Similar threads

Back
Top