What's new

Tutorial Maskne (Acne na dala ng Mask)

MATH Wizard

Eternal Poster
Joined
Jun 27, 2017
Posts
641
Reaction
370
Points
312
Note: I'm not a dermatologist. Pero nalaman ko ang tamang gamotan sa maskne na mula sa dermatologist.

Isa ka rin ba sa namomroblema sa mga pimple mo dulot ng pagsusuot ng facemask? Yung tipong nagfifiestahan ang mga acne sa mukha sa tuwing magsusuot ng face mask?

Ang pagkakaroon ng tigyawat ay may apat na dahilan.
1. Kusang nagbabara ang mga skin cells
2. Maraming oil galing sa oil glands.
3. Pagdami ng bacteria.
4. Irritation.

Ang mga dahilan na yan iba iba ang gamotan. Kaya ang babanggitin ko ay para lang sa Irritation.
Ang Maskne ay dahilan ng Irritation o yung pang-apat sa nabanggit. Yung mga bagay na laging nakadikit sa mukha, ay nakakairritate sa mukha, at kapag nairritate may inflammation, at kapag may inflammation magkakaroon ng Acne.

Tips para mabawasan at maiwasan ang Maskne.
1. Gumamit ng mild soap sa paghihilamos ng mukha, wag gumamit ng kojic or papaya soap. Baby soap pwede na.

2. Siguraduhin malinis ang mukha at maglagay ng moisturizer bago magsuot ng facemask.
Cream moisturizer- para sa may mga dry at sensitive skin
Water-based moisturizer- para sa oily face.
Additional tip:
- pumili ng moisturizer at soap na may ingredients na Benzoyl Peroxide. Nakakatulong yan mawala ang pimple.

3. Matulog ng maaga, nakakapimple din ang pag pupuyat.

4. Wag gumamit ng malamig na tubig sa paghilamos, kase nakakairritate ito sa balat.

5. Wag masayado gumamit ng maraming product sa mukha, iwasan na rin gumamit ng make-up di naman nakikita yan pag nakamask.

Mga bagay na kailanman wag ilagay sa mukha.
1. Body lotion
2. Petroleum jelly
3. Semen (*****)
4. Alc0h0l

Bonus tips
- Ang nabanggit na tips ay pwede gawin kung ikaw ay may blackheads, whiteheads, oily face, at malalaking pores kung ang mga ito ang problema mo.

Gumamit ng product na may ingredients na Salicylic acid, Benzoyl peroxide, Sulfur para mawala ang sebum, na dahilan ng malalaking pores, whiteheads, blackheads, and oily face.

Kung Hindi pa rin mawala ang mga problema mo sa mukha, kailangan nyo na po magpunta sa Dermatologist :)

Thank you . :)
 
Last edited:
Back
Top