What's new

Másáráp Ba Talaga Mag Work at Home? O hindi másáráp?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,890
Reaction
856
Points
528
Natanong ko lang kung másáráp ba talaga mag work at home kung ang family naman ay wala naman ka support-support or sadyang ang gulo-gulo naman nila sa bahay. Tipong wala naman sila pakialam kung nagwo work at home ka nga talaga. Tipong distraction. Kase nga diba , bahay nga e noh? Tipong imbis focus na focus ka sa ginagawa , bubulabugin ka sa kwarto. Nagmamakaawa ka na umalis muna sa kwarto , ayaw makinig. Minsan , meron ginagawa ay utusan ka pa at hindi ka naman makatanggi dahil baka sabihin naman na dini disrespect sila. Tapos kapag nagmamakaawa ka na meron ka training online , lahat ng tao ay mag-aalisan sa bahay at ipaiiwan sa iyo ang bata dahil walang bata mag-aalaga. E ang bata ay magulo. Pagkatapos parang hindi pa sila happy kapag nag oopen up ka na naghahanap ka ng trabaho online. Pero kapag lalake ang nag wowork at home , todo ingat sila na huwag istorbohin. Buong magdamag nasa kwarto na halos na hindi na umaalis sa kanilang lungga.

Sabi nila , másáráp raw mag work at home dahil hassle mag work sa labas ng house. Mamasahe pa raw kase sila na papunta bahay para mag trabaho at pabalik sa bahay. Pero bakit ang sinasabi nilang másáráp kuno mag work at home ay hindi ko maranasan? Minsan nawawala na ako mag motivate mag trabaho. Minsan naiisip ko na lang na mag housewife (pero wala akong asawa) na lang ako pero ayaw ko naman dahil kung nagkaganun , e parang tumulad din ako sa ibang babae na nawalan din mag motivate magtrabaho (iba lang naman). Katulad ng kapatid ko na babae na ang pangarap niya ay magtrabaho sa ibang bansa dahil malaki ang kita. Napansin ko , panay discourage sila ng discourage sila sa kapatid ko na babae na hindi raw maganda magtrabaho sa ibang bansa. But wag ka , nang nag apply ang kapatid ko na lalake sa labas ng bansa ay todo supportado sila. Tuwang-tuwa pa sila na parang nalalo ng lotto.

Ngayon , nag stuck up ang kapatid ko na babae na nagtatrabaho sa Pilipinas. Sumama ang loob but now okay na siya. Wala siyang motivation. Ang sinabi na lang niya na hindi para sa kanya ang magtrabaho sa labas ng bansa. Actually , kaya naman niya. Wala nga lang siya determination dahil nga sa nangyari sa kanya.

E ayaw ko naman tumulad sa kanya na sasabihin ko na lang na " o sige , huwag na lang kaya ako mag work at home " , tagalinis at taga asikaso na lang ako sa bahay.

Sabi talaga nila , másáráp mag work at home pero bakit hindi ko man lang maramdaman. másáráp ba talaga?​
 
Last edited:
Naiisip ko nga din mag trabaho sa labas. Ang problema kase ay wala akong pera pamasahe e. Hahaha. Naubos sa aapply ko sa call center noon , pagkatapos ay puros reject lang ang matatanggap ko. Kaya sa loob-loob ko , magtrabaho na lang ako sa bahay dahil wala akong pera pamasahe. And then , na realize ko na puros distraction kapag nasa bahay naman pera sabi raw talaga nila , másáráp mag work at home dahil kontrolado ang oras at hindi na raw mamamasahe. Ganun.​
 
Ngayon , naiintindihan ko na. Hahaha. Meron ibang tao na ayaw mag work at home , hehehe. Ang akala ko kase ay lahat ng tao ay gustong-gusto ng work at home kaya ang iba ay nag reresign na lang sa trabaho , and then ang pipiliin nila ay work at home. Ganun pala iyon.​
 
Last edited:
Nakakatamad pag nasa bahay ka lang. Specially wala kang complete tools na usually ginagawa mo sa gym.
 
ts i suggest work from other home ka..toxic dyan sa place mo,alagaan mo din ang mental health mo at umalis sa lugar na ayaw mo..
 
For few weeks másáráp pa yan kasi chillax at nasa bahay mentallity mo..
Long run mamimis mo si office ...sasakit ulo mo kasi kapag may trouble sa unit mo ang pag asa mo lang ay ang phone / chat instruction ng tech ninyo.. kapag endi ka technical person tega ka ng extended work kasi dahil sa trouble.. Sakit sa ulo sa part ng Techinical team side kapag ganyang personel.. kakatayin ka ng admin bakit si X ang tagal naka balik (base on experience )... Kapag ng dadarama net mo walay na undertime kana o absent so ty na day pay mo o tinatwag ng iba EXTENDED WORKING HOUR LOSS..kung wala kang noise canceller sa room mo dinig ng client ang karaoke ng tito mo.. Makakatalo din sa ISP speed min req ng company so mapipilitan ka talaga kumuha ng mataas na speed so add naman sa gastos .. kung walang company hardware ibigay sayo so pilit bili ng laptop o pc na nasa specs sa sariling bulsa mo..kapag mag reinburstment dapat naka tago ang mga papaless kung sa office yan endi na need yan kasi may inventory at onhand na yung replacement,,, Have fun sa hidden battle ng mga kasamahan mo.... Endi ka agaad maka excuse for leave na walang prof.. kasi send mo yung pic agad o vid call agad soo have fun .. meron din mga boss na kahit tulog kana bigla ka tatawagan ng meeting so wala ka kawala kasi nasa bahay kasi katabi mo lang WS mo.. Kung yung sweldo mo nasa min lang mag handa kana ng pagtaas ng bill ng kuryete lalo kapag nasa GS ka .. baka ma bigla ka... ok lang kung may allwance sa net mo at bills kung wala.. alam na noodles is the key at kape lang ang forever....
 
Last edited:
Tipid sa gastos, maximize ang oras sa pamilya instead of traffic.. pwede naman mag office pero minsan lang..hybrid is the wey
 
To be honest TS, sa una lang maganda mag work from home, kalaunay masasabi mo rin sa sarili mo na boring na ng work from home gusto kunang dati na nasa office. Yung tipong gusto munang lumabas sa lungga mo para ma socialized ka para hindi ka ma bored or ma depressed kasi nga wala kang nakakausap habang nag tatrabaho at wala kang ibang tao na nakikita sa paligid mo (except sa family members ha). Yan yung na experience ko ngayon, 2+ yrs ng work from home simula nung pumutok ang pandemic kaya ang boring na masyado pag nasa bahay lang, iba parin ang trabaho sa office mas feel mo yung work at environment.
 
Last edited:
For me po tipid kung sa tipid ang work from home. Downside nga lang eh kung madami ganap sa bahay like maingay ganun o kaya may mga malilikot na alaga o demanding na kasambahay.
 
To be honest TS, sa una lang maganda mag work from home, kalaunay masasabi mo rin sa sarili mo na boring na ng work from home gusto kunang dati na nasa office. Yung tipong gusto munang lumabas sa lungga mo para ma socialized ka para hindi ka ma bored or ma depressed kasi nga wala kang nakakausap habang nag tatrabaho at wala kang ibang tao na nakikita sa paligid mo (except sa family members ha). Yan yung na experience ko ngayon, 2+ yrs ng work from home simula nung pumutok ang pandemic kaya ang boring na masyado pag nasa bahay lang, iba parin ang trabaho sa office mas feel mo yung work at environment.
Parefer po boss, gusto ko magwfh wala kasi kasama sa bahay ang mama at lola ko kasi magtitraining na yung bunso namin
 
wfh ako since 2020 - may pros and cons. Dami distractions sa bahay, pero at least lagi mo kasama mga mahal mo sa buhay (kung ikaw yung tipo na family oriented). Depende talaga sa work at home environment mo eh. Sa experience ko sakto naman sa lifestyle ko. Mas matipid din kasi di mo kelangan mamasahe o mag-gas papuntang office. Pwede ka magluto lang sa bahay imbes na bumili sa labas.
Nakakatamad nga lang madalas.
 
Para sakin ok lang kung work from home lang. Para atleast kasama mu pamilya mu, meron nga jan nangingibang bansa pa para sa pamilya nila para dun magtrabaho kahit subrang layo alang alang lang sa pamilya nila. Tatay ku kasi dati nasa saudi dati as a welder mahirap pag di sya kasama sa lahat ng okasyon at pangungulila na di sya kapiling pero kylangan tanggapin kasi pano kami kakain kung di sya pupunta dun kung di sya magwowork mga bata pa kami nun eh. Pero nasasatin pa din yan kung ano gusto natin kanya kanya naman tayong obligasyon sa buhay eh ang mahalaga malayo man yan o malapit eh meron tayong pang tustos sa araw araw na gastusin sa mga mahal natin sa buhay.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top