What's new

Help Masama na Po ba akong Kapatid?

PHC - JANG

Forum Guru
Elite
Hello Po mga Ka PHC need ko lang Po Ng advice and tips Kasi Po Yung kapatid ko nasapak Kopo Kasi sumusobra na Yung parang Grave Kung makasagot sayo kala mo Mas matanda pa sya sayo Actually Babae Po sya matagal na Po Ako nag titimpi Sobrang sama talaga n ugali. tanong kolang Tama Po ba Yung ginawa ko Sobrang Nag sisisi Ako sa ginawa ko Kung Baga First time Kung ginawa yun. diko Kasi pinapatulan Yung kapatid ko nayun Kaya grave Kung makasagot sakin sinabihan pa akong Demonyo at Sinumpa paako na kapatid Tanong kolang sa mga May kapatid Jan na Dapat kobang ginawa Yun o Hindi Kasi sobra na Kasi halos mapapaiyak kanalang sa mga Pinagsasabi. kahit Kasi may magulang sa harap Namin Wala talagang Respeto Sana masagot if Tama lang ba na nasapak ko Yung kapatid Kong babae Nandilim Kasi Yung paningin ko Bali 16 years old Yun Wala talagang Respeto

Humihingi lang ako advice Kasi gusto ko maging mabuting Kuya Sakanila Pero Sila dinaman Ako nirerespeto.
 
dapat pausapan yan mabuti kasama mga parents or guardian. kailangan din talaga matigil ang hindi pag respeto. pag kasi pinatagal yan hirap ayusin.
 
Mukang parehas sila ng kapatid ko TS, ako nun muntik ko na din siyang masapak nun, parang nandidilim paningin mo talaga pag di mo na kayang kontrolin sarili mo dba, pero sakin pinalampas ko na lang nun (ako nalang ang umiintindi)
 
Mukang parehas sila ng kapatid ko TS, ako nun muntik ko na din siyang masapak nun, parang nandidilim paningin mo talaga pag di mo na kayang kontrolin sarili mo dba, pero sakin pinalampas ko na lang nun (ako nalang ang umiintindi)
Pero sakin pre Mas Lalo Ey Grave na pinapahiya ako Sa lahat Ng Tao Pre Sarili mo Ng kapatid Yun diko talaga Mapigilan Nandilim na paningin ko

Pwede mo naman sigurong kausapin muna bago sapak agad? Marami naman sigurong paraan para makausap mo siya o sabihin mo sa mga magulang mo.
Kinausap ko pre matagal na pre halos 1year Kona ngang sinasabihan na Mag Respituhan kami kasi mas matanda Ako sakanya Nandilim na talaga Paningin ko
 
Take the high road, apologize kasi you crossed the line, tapos make it clear kung ano yung hindi mo gustong ginagawa nya. By doing this you're already setting a good example.
Seriously, just talk, and I mean mag-communicate talaga hindi yung batuhan lang ng mga hinanakit. Listen, minsan kahit eto lang kung di mo alam sasabihin o feeling mo mas lalala pa pa kung magsasalita ka. Console rin sa mga nakakatanda, I'm not sure kung sino guardian nyo pero kahit papaano may maitutulong yan hindi lang sa kanya kundi for the both of you.

Try to determine kung ano yung problema, yung totoong problema hindi lang yung kung ano anong rason. Laging may deeper meaning o reason kaya nagkaganyan, it doesn't happen overnight. Dyan kayo makakahanap ng idea or steps para magkaayos kayo.

And don't expect na mangyayari yun basta basta, be patient, tandaan na yung problema yung kaaway "niyo" di yung mismong tao. Kung wala talaga at di ito maresolba at di mo nakikita na kaya nyong ayusin ng kayo lang, seek professional help. Sabi mo gusto mo maging mabuting kuya, magagawa mo yan kung magiging mabuti kang tao. Huwag mong kalimutan na alagaan rin ang sarili mo habang inaalala mo ang iba. Strive na maging mabuti, hindi lang para respetuhin ka ng ibang tao pero dahil sa tingin mo iyun yung tama at iyon yung gusto mong gawin rin nila. Goodluck and I hope this helps.
 
Last edited:
Back
Top