What's new

Trivia MASAMA BANG UMINOM NG ALAK??

titilayo66

Forum Veteran
Elite
Joined
Jan 15, 2017
Posts
1,872
Solutions
3
Reaction
1,666
Points
744
QUESTION: pag ba tumikim ka lang sa alak pero dika naman nalasing or sabihin na nating isang shot lang, is it considered a sin from GOD?? at bakit
 
Di kaslanan po.
Si God nga uminom, wag sobra kase yan malamang maging kasalanan mo sa sarili mo, magkakasakit ka pag sobra.
 

Sa bible verses na ito makikita na kasama sa walang bahagi sa kaharian ng Diyos ang taong naglalasing.


1 Corinto 6:9-10
Magandang Balita Biblia

9 Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, nakikipagtalik sa kapwa lalaki o kapwa babae, 10 nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos.
 
Pero ts umiinom din ako ng alak nagpapasaya yun ng puso basta katamtaman lang hehehe. Kailangan lang maging balanse, may kasabihan na lahat ng sobra ay nakakasama totoo yun pagdating sa pag inom ng alak

Awit 104:15
Ang Dating Biblia (1905)

15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.
 
may naresearch ako about sa mga european na sakanila normal lang ang alak kumbaga ang alak sakanila ay parang tubig nakamulatan na nilang un ang pantulak nila pag kumakain. ang point ko po is nakamulatan nila na ang alak ay parang tubig..

kasalanan parin ba un
 
basta ang principle dyan sobra o labis na pag inom o paglalasing ay hinahatulan ng bible. Kaya tao ang mag aadjust pag dating sa bagay nayan.. kailangan nya rin suriin ang kanyang motibo kung bakit sya iinom o kaya baka naman kaya nya na mabuhay na hindi na umiinom pa ng alak.
 
Yung point kasi ts is kung ano nangyayari pag na lasing ang tao, kaya yan sinabi sa bible pero di masama ang alak ginagamit ito para mag siya kahit si jesus gumawa din nang alak
 
may naresearch ako about sa mga european na sakanila normal lang ang alak kumbaga ang alak sakanila ay parang tubig nakamulatan na nilang un ang pantulak nila pag kumakain. ang point ko po is nakamulatan nila na ang alak ay parang tubig..

kasalanan parin ba un

Pati mga ancient Egyptians beer ang mas madalas inumin kaysa tubig. Tsaka mga sinaunang Pilipino malakas rin uminom ng alak ayon sa accounts ng mga Kastila. Ang pinakadahilan kasi niyan wala pang reliable source ng drinking water noon. Mas ligtas at mas malinis inumin ang alak kaysa sa tubig na questionable dati kung malinis o hindi. Bunga ng pangangailangan dati ng malinis na inumin ang dahilan ng malakas na pag-inom ng alak noon. Not necessarily na gusto nilang maglasing.
 
Hindi masama TS. Wag lang sobra, ayun nga may nagcomment na galing sa Bible (paki basa na lang sa taas). Lahat kasi ng sobra ay masama at may masamang dulot sa tao. Yun ang gustong iparating sa atin.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top