What's new

Mar.13:32 Sa araw at oras na yaon,ang Ama lang ang Nakakaalam

Status
Not open for further replies.

Vanch1018

Eternal Poster
Joined
Feb 12, 2019
Posts
673
Reaction
289
Points
394
Hindi po lingid sa ating lahat ang maraming paniniwalang kristyano mula pa bago magtapos ang 1900 hanggang sa kasalukuyan ang nagtangkang alamin ang nilalaman ng talatang ito sa biblia.

Mar.13:32
Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.

Sa kasamaang palad sa lahat ng mga nagtangkang ito kahihiyaan lang ang sumakanila.nanatili at mananatiling nasa kapangyarihan at kapamahalaan ng Dios ang panahon kung kailan darating ang pagparito ng kanyang Anak...ang panginoong Jesucristo.

Ang talata pong ito naisulat dalawang libong taon na ang nakakalipas at kung ang ikakatuwiran natin na hindi natin naintindihan ito o hindi naunawaan ang talatang yan aba!! magmunimuni po tayo dahil walang hiwaga sa verse na yan kahit siguro isang bata maiintindihan yan..ANG AMA LANG ANG NAKAKAALAM!!!!kahit ika ang Anak at mga anghel kundi ANG AMA LAMANG.

Para po sa ating lahat may paalala po ang biblia.ganito po ang kasunod na talata.

Mar.13:33
Kayo'y mangagingat, mangagpuyat at magsipanalangin: sapagka't hindi ninyo nalalaman kung kailan kaya ang panahon.

Yamang hindi natin alam ang kanyang(ng panginoong Jesucristo)pagdating masunod sana natin ang payong ito,mangagingat ika tayo,mangagpuyat at manalangin kasi wala tayong kakayanang alamin kung kailan ang itinakda ng Dios sa pagparito ng cristo.mangagpuyat tayo sa paggawa ng kalooban ng Dios,mangagingat na mahawaan ng sanlibutan at magsipanalanging makapagtagumpay ang lahat hanggang sa pagpapakita ng Anak ng Dios.

Kahit may magsabi sa ating sinoman na dumating na siya huwag po nating paniwalaan.

Mat.24:23
Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan.

Panahon pa ng mga unang kristyano pinagpauna na yan sa loob ng kayang kawan o baka wala sila sa loob ng kawan kaya di nila naintindihan,hindi kaya? kaya hindi dapat tayo magkamali babasahin na lang natin wala pong hiwaga diyan.

Bukod po sa mga paghahanda kailangan din natin malaman ang mga palatandaan bago ang kanyang pagparito.natatandaan niyo po ba yong tungkol sa punong igos?

Mar.13:28-29
Sa puno nga ng igos ay pag-aralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw;

Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyong nangyari ang mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.

Kung paano ika ang punong igos ay nanariwa na ang mga sanga at sumusupling na ang mga dahon malapit na ika ang tagaraw gayon din ang pagparito ni Cristo pag nangakita na nating nangyayari ang mga bagay na ito talastasin ninyo siyay malapit na,nasa mga pintuan nga.

Ano po ang mga palatandaang ito?nagtanong po sila ng ganito.

Mar.13:4
Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda pagka malapit ng maganap ang lahat ng mga bagay na ito?

Ano po ang sagot ni Cristo?

Mar.13:5-6
At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.
Maraming paririto sa aking pangalan, na magsisipagsabi, Ako ang Cristo; at maliligaw ang marami.


Una palang darating na tanda ay ang pagdating ng anticristo.maguumpisa nang manalasa ang apat na mangangabayo o yong "four horsemen"katunayan lumitaw na ang isa rito noong panahon pa lang nila.

1 Jn.2:18
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras.

Naiintindihan na ba natin bakit unang napakita kay Juan apocaliptico ang kabayong maputi?Noon pa man hanggang sa panahong ito patuloy na nagtatagumpay sa kanyang misyon ang "white horse" na ito.

Apo.6:2
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.

At sumunod na rito yong iba pang mga mangangabayo:

Apoc.6:4
At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak.

Apoc.6:5
At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay.

Apoc.6:8

At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Kasunod ng pagdating ng anticristo ang mga salot na dadanasin ng sangkatauhan:
digmaan,kahirapan,kagutom,
bangis ng kalikasan (dahil sa kapabayaan ng tao) pero pasimula pa lang ng matindi pang kahirapan.

Mar.13:7-8
At kung mangakarinig kayo ng mga digma at ng mga alingawngaw ng mga digma, ay huwag kayong mangagulumihanan: ang mga bagay na ito'y dapat na mangyari: datapuwa't hindi pa ang wakas.

Sapagka't magtitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at lilindol sa iba't ibang dako; magkakagutom: ang mga bagay na ito'y pasimula ng kahirapan.

Nasa panahon na po tayo ng kawakasan dapat magsipaghanda naman tayo yamang wala tayong kapasidad na malaman ang pagparito niya.hindi niyo ba napansin?pag alam kaya natin kung kailan siya darating,maghahanda kaya tayo? o maghahanda ka lang kung alam mo kailan siya darating?naiintindihan na ba natin ngayon kung bakit ang Ama lang ang nakakaalam?anong nangyari doon sa mga pangahas na walang takot na binigyan ng katakdaan ang pagkaalam ng panahon na nakalaan lamang sa Dios?nangapahiya po silang LAHAT!!!

Sa Dios ang karangalan at kapurihan.siya nawa.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top