What's new

Poems Mapanlinlang na Pag ibig

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,935
Solutions
6
Reaction
66,351
Points
16,619
Huwag kang magpapabulag sa mga nagniningning na pilak,
ito kadalasan sa atin nagpapahamak
at sa maling landas ika'y na pilit tinutulak,


Huwag kang magpapa akit sa pisikal na anyo at ganda,
ganda'y kumukupas habang taon ay lumilipas,
anyong pansamatalang nakikita,
sa kinalaonan sa mundong ito ay naglalaho at nawawala ,


Huwag kang iibig sa dangal ng iniirog
dahil kapag ito ay matayog,
malamang sa hukay ka mahuhulog,


Huwag kang ibig dahil lang sa pinangarap
mo lang maging mabuhay ng masagana,
di rin sa kadahilanang laging may tuwa't saya,
pagkat;t ang pag ibig ay di mo madadaya,

Ibigin mo ang taong ginusto mo
at tinuturo ng iyong puso,
yug taong mahal kang totoo,
yung walang kubling pag aalinlangan,
at walang anumang bahid ng kadahilanan.





❤️~Professora Akira~❤️
 
Last edited:
marami din yata talaga na ganyan, yung mas naiinlove sa pera ng iba kesa sa actual na tao. di natin sila masisisi kung yun yung trip nila 😅 or dala lang din siguro ng pangangailangan 😅 .. pero syempre mas okay pa rin talaga piliin yung mahal mo and at the same time, e mahal ka din.. pero sa ganyan, kelangan din talaga, balance.. di naman kelangan puro love lang ang paiiralin, gamitin din ang utak minsan..hahha! ( bat ang dami kong sinasabi 🤣 hahah!)

maraming salamat sa poem mam.. 😍
 
tama talaga yan TS... salamat sa tula at payo 🙂

marami din yata talaga na ganyan, yung mas naiinlove sa pera ng iba kesa sa actual na tao. di natin sila masisisi kung yun yung trip nila 😅 or dala lang din siguro ng pangangailangan 😅 .. pero syempre mas okay pa rin talaga piliin yung mahal mo and at the same time, e mahal ka din.. pero sa ganyan, kelangan din talaga, balance.. di naman kelangan puro love lang ang paiiralin, gamitin din ang utak minsan..hahha!
totoo to... support
(bat ang dami kong sinasabi 🤣 hahah!)
nakarelate ka siguro sa mga tulad nila hahah de jk ✌🏻😂
 
Last edited by a moderator:
tama talaga yan TS... salamat sa tula at payo 🙂


totoo to... support

nakarelate ka siguro sa mga tulad nila hahah de jk ✌🏻😂
Hahaha! Napansin ko lang din kase sa iba.. mas pinipili nila yung pera talaga. Di ko alam. For me kase mas ok sa akin kung ako mismo naghirap dun sa pera, kesa mag asawa ng may pera para maging mayaman.. di rin naman masaya kung di mo naman mahal. Pero syempre di natin sure. Ayaw ko magjudge. Baka mamaya bigla pala ako magasawa ng matandang mayaman na madaling ma deads..hahha! De joke lang.. 😆✌️
 
Back
Top