What's new

Mapaniniwalaan Mo ba ang Bibliya?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
NANANATILING malaganap ang paniniwala sa Bibliya, kahit na sa modernong daigdig na ito. Halimbawa, sa isang Gallup surbey kamakailan sa mga Amerikano, 80 porsiyento ang nagpahayag ng paniniwala na ang Bibliya ay kinasihang Salita ng Diyos. Mataas man o hindi ang persentahe sa inyong lugar, inaasahan ng mga mananampalatayang iyon na ang Bibliya ang ituturo sa kanila sa simbahan. Subalit kadalasang hindi sila tinuturuan. Kunin halimbawa ang doktrina ng pagpaparusa sa kaluluwa pagkamatay.

Itinuturo ba saanman sa Bibliya ang purgatoryo o ang maapoy na impiyerno? Sa ngayon, maraming iskolar sa Sangkakristiyanuhan ang sasagot ng hindi. Ganito ang sabi ng New Catholic Encyclopedia: “Sa huling pagsusuri, ang doktrinang Katoliko tungkol sa purgatoryo ay salig sa tradisyon, hindi sa Sagradong Kasulatan.” Tungkol naman sa impiyerno, ganito ang komento ng A Dictionary of Christian Theology: “Hindi natin masusumpungan sa B[agong] T[ipan] na ipinangaral ng mga unang Kristiyano ang apoy ng impiyerno.”

Sa katunayan, nalagay sa mga ulong balita ang komisyon sa doktrina ng Simbahan ng Inglatera kamakailan nang iutos nitong lubusang itakwil ang turo ng apoy ng impiyerno. Binanggit ni Dr. Tom Wright, dekano ng Litchfield Cathedral, na ang dating larawan ng impiyerno “ay nagpangyari sa Diyos na maging isang halimaw at nag-iwan ng nakapapasong mga pilat sa isipan ng marami.” Inilarawan ng ulat ng komisyon ang impiyerno na “lubusang hindi umiiral.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Sa katulad na paraan, ganito ang binanggit ng New Catholic Encyclopedia tungkol sa pangmalas ng Katoliko: “Minamalas ng teolohiya ngayon ang problema tungkol sa impiyerno mula sa anggulo na hiwalay sa Diyos.”

Sa katunayan, salungat sa itinuturo ng Bibliya tungkol sa kaluluwa ang mga turo tungkol sa purgatoryo at apoy ng impiyerno. Madalas na binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa pagkamatay ng mga kaluluwa. “Ang kaluluwang nagkakasala—ito mismo ay mamamatay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; ihambing ang mga bersiyong King James at Katolikong Douay.) Ayon sa Bibliya, ang mga patay ay walang malay, hindi na nakadarama ng kirot. “Sapagkat batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pagkabuhay-muli sa hinaharap ang pag-asang ibinibigay ng Bibliya para sa mga patay. Nang mamatay ang kaibigan ni Jesus na si Lazaro, inihambing ni Jesus ang kamatayan sa pagtulog. Ipinahayag ng kapatid ni Lazaro na si Marta ang pag-asa na itinuro sa Bibliya nang sabihin niya: “Alam ko na siya ay babangon sa pagkabuhay-muli sa huling araw.” Sa pamamagitan ng pagbangon kay Lazaro mula sa mga patay, tiniyak ni Jesus ang pag-asang ito sa sangkatauhan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Binanggit ng mga mananalaysay na ang turo na ang tao’y nagtataglay ng isang hiwalay at imortal na kaluluwa ay hindi nagmula sa Bibliya kundi sa pilosopiyang Griego. Sinasabi ng New Catholic Encyclopedia na hindi iniisip ng sinaunang mga Hebreo ang tao bilang isa na binubuo ng materyal na katawan at isang imortal na kaluluwa. Ganito ang binabanggit nito tungkol sa paniniwala ng mga Hebreo: “Nang unang pumasok ang hininga ng buhay sa unang tao na inanyuan ng Diyos mula sa lupa, siya ay naging isang ‘nabubuhay na tao’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Ang kamatayan ay hindi ipinalalagay bilang paghihiwalay ng dalawang magkaibang elemento sa loob ng tao, gaya sa pilosopiyang Griego; ang hininga ng buhay ay umaalis at ang tao’y nagiging isang ‘patay na tao’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Sa bawat kaso, ang salitang ‘tao’ ay ang Hebreong [neʹphesh], na kadalasang isinasaling ‘kaluluwa’ subalit, sa katunayan, halos katumbas ito ng tao.”

Binabanggit ng ensayklopidiya ring ito na ang mga Katolikong iskolar kamakailan “ay nagsabing hindi itinuturo ng B[agong] T[ipan] ang imortalidad ng kaluluwa ayon sa Helenistikong [Griegong] diwa.” Ito’y naghinuha: “Ang pangunahing lunas sa problema ay hindi masusumpungan sa haka-haka ng pilosopiya subalit ito’y masusumpungan sa kahima-himalang kaloob ng Pagkabuhay-muli.”

Ang Bibliya o Tradisyon?

Kung gayon, paano nga nakapasok sa turo ng simbahan ang mga ideyang wala sa Bibliya? Sinasabi ng maraming relihiyon na ang Bibliya ang kanilang pinakamataas na awtoridad. Halimbawa, hindi pa natatagalan ay binanggit ni Papa John Paul II ang pangangailangan na ang Kasulatan ay “tanggapin ng mga tapat bilang ang ganap na katotohanan at bilang ang pinakamataas na pamantayan ng ating pananampalataya.” Subalit karaniwang tinatanggap na ang mga turo ng Sangkakristiyanuhan ngayon ay hindi katulad niyaong sa unang-siglong mga Kristiyano. Itinuturing ng karamihan ng mga relihiyon ang mga pagbabago bilang bahagi ng unti-unting pagsulong ng doktrina ng simbahan. Bukod pa riyan, pinaninindigan ng Simbahang Katoliko na ang tradisyon ng simbahan ay may katulad na awtoridad ng sa Kasulatan. Ang New Catholic Encyclopedia ay nagsasabi na ang simbahan “ay naniniwala na walang doktrina ang salig lamang sa Kasulatan at hiwalay sa tradisyon, ni ito ma’y salig lamang sa tradisyon at hiwalay sa Kasulatan.”

Ayon sa kasaysayan, pinalitan ng mga simbahan ang mga turo ng Kasulatan ng mga turong salig lamang sa tradisyon. Sa katunayan, pinanghahawakan ng maraming relihiyon na ang mga turo ng Bibliya ay mali. Halimbawa, sinasabi ng New Catholic Encyclopedia na “maliwanag na marami sa mga pananalita sa Bibliya ay hindi talaga totoo kung hahatulan ayon sa makabagong kaalaman ng siyensiya at kasaysayan.” May kinalaman sa turo ng Bibliya na ang mga patay ay walang malay, sabi pa nito: “Kahit na sa relihiyosong mga bagay, pinatutunayan ng M[atandang] T[ipan] ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa . . . kabilang buhay.” Sinipi ng ensayklopidiya ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. (talatang 6 sa ilang Bibliya) bilang isang halimbawa nito: “Sa kamatayan ay walang pagbanggit sa iyo; sa Sheol [o, Hades] ay sino ang pupuri sa iyo?” Hindi na itinuturo ng ilang seminaryo at kolehiyong Protestante na ang Bibliya ay hindi nagkakamali. Sa kabilang panig naman, naniniwala ang Simbahang Katoliko na taglay nito ang magisterium, o awtoridad sa pagtuturo, na siyang saligan ng kanilang pagbibigay-kahulugan sa itinuturo ng Bibliya. Subalit maaaring maitanong mo, ‘Kumusta naman kung ang mga pagpapakahulugang ito ay waring salungat sa Kasulatan?’

Ang Kahalagahan ng Kasulatan

Paulit-ulit na sumipi si Jesus sa Kasulatan bilang awtoridad, kadalasa’y sinisimulan ang kaniyang mga punto sa pagsasabi ng: “Nasusulat.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tunay, nang banggitin ni Jesus ang tungkol sa may-asawang kalagayan ng tao, humalaw siya, hindi sa Griegong pilosopikong haka-haka, kundi sa ulat ng Genesis tungkol sa paglalang. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Maliwanag, itinuring ni Jesus ang Kasulatan na kinasihan ng Diyos at makatotohanan. Sa panalangin sa Diyos, sinabi niya: “Ang iyong salita ay katotohanan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Iniulat ng Bibliya ang paghatol ni Jesus sa mga lider ng relihiyon noong kaniyang panahon: “May kasanayan ninyong isinasaisang-tabi ang kautusan ng Diyos upang panatilihin ang inyong tradisyon. . . . Sa gayon ay pinawawalang-bisa ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong tradisyon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa katulad na paraan, nilabanan ni apostol Pablo ang panggigipit na ilakip ang pilosopiyang Griego o may-kamaliang mga tradisyon sa kaniyang mga turo. “Maging mapagbantay,” ang babala niya. “Baka may sinumang tumangay sa inyo bilang kaniyang nasila sa pamamagitan ng pilosopiya at walang-lamang panlilinlang alinsunod sa tradisyon ng mga tao.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May mga tradisyon, o turo, na hinimok ni Pablo na panatilihin ng mga Kristiyano, subalit ang mga ito’y salig sa Kasulatan at lubusang kasuwato nito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang,” ang sulat ni Pablo, “upang ang tao ng Diyos ay maging lubos na may-kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Patiunang nakita ni Pablo ang paglayo sa Kasulatan. Nagbabala siya kay Timoteo: “Darating ang isang yugto ng panahon kapag hindi nila titiisin ang nakapagpapalusog na turo, . . . at itatalikod nila ang kanilang mga tainga mula sa katotohanan.” Hinimok niya si Timoteo: “Ikaw naman, panatilihin mo ang iyong katinuan sa lahat ng mga bagay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Subalit paano? Ang isang paraan ay ang pagiging ‘marangal ang pag-iisip.’ Binibigyan-kahulugan ng isang Griegong talasalitaan ang salitang ito sa Bibliya bilang “pagkukusang matuto at magsuri ng isang bagay nang walang kinikilingan.” Ginamit ni Lucas ang pananalitang ito upang ilarawan ang mga tagapakinig ni Pablo sa unang-siglong Berea. Bago sa kanila ang mga turo ni Pablo, at ayaw nilang mailigaw. Sumulat si Lucas bilang papuri sa kanila: “Ang [mga taga-Berea] ay higit na mararangal ang pag-iisip kaysa doon sa mga nasa Tesalonica, sapagkat tinanggap nila ang salita nang may buong pananabik ng isip, na maingat na sinusuri ang Kasulatan sa araw-araw kung gayon nga ang mga bagay na ito.” Ang pagiging mararangal ang pag-iisip ay hindi nagpangyari sa mga taga-Berea na maging mapagduda, anupat walang pinaniniwalaan. Bagkus, dahil sa kanilang matapat na pagtatanong ang “marami sa kanila ay naging mananampalataya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Mga Pakinabang ng Pamumuhay Kasuwato ng Bibliya

Ang mga sinaunang Kristiyano ay kilala kapuwa sa kanilang pagsunod sa Bibliya at sa kanilang mapagsakripisyo-sa-sarili na pag-ibig. Subalit sa ngayon, maraming tao ang may “anyo ng maka-Diyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang anumang anyo ng Kristiyanismo sa ngayon na hindi kasuwato ng orihinal ay hindi magkakaroon ng tunay na impluwensiya sa buhay ng mga tao para sa ikabubuti. Makatutulong ba ito upang ipaliwanag kung bakit, sa kalakhang bahagi ng Sangkakristiyanuhan, nakikita natin ang paglago ng karahasan, imoralidad, pagkasira ng pamilya, at materyalismo? Sa ilang “Kristiyanong” lupain, nangyayari ang malulupit na etnikong mga digmaan sa pagitan ng mga miyembro ng iisang relihiyon.

Naglaho na ba ang mararangal na pag-iisip na espiritu ng mga taga-Berea? Mayroon bang grupo ng mga tao sa ngayon na naniniwala at namumuhay na kasuwato ng Bibliya?

Ganito ang komento ng Encyclopedia Canadiana: “Ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay pagpapanumbalik at pagtatatag-muli ng sinaunang Kristiyanismo na isinagawa ni Jesus at ng kaniyang mga alagad noong una at ikalawang siglo ng ating panahon.” Ganito naman ang sabi ng New Catholic Encyclopedia na tinutukoy ang mga Saksi: “Itinuturing nila ang Bibliya bilang ang tanging pinagmumulan ng kanilang paniniwala at alituntunin ng paggawi.”

Walang alinlangan na ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay kilala sa kanilang espirituwal na kasaganaan, kapayapaan, at kaligayahan. Kaya pinasisigla namin ang aming mga mambabasa na matuto nang higit tungkol sa nakapagpapalusog sa espirituwal na mga turo ng Bibliya. Ang higit na kaalaman ay maaaring humantong sa higit pang pagtitiwala sa Bibliya at mas matibay na pananampalataya sa Diyos. Ang walang-hanggang mga pakinabang ng gayong pananampalataya ay sulit sa pagsisikap.
 

Similar threads

Back
Top