What's new

Closed Manunulat ka ba?

Status
Not open for further replies.

Dongsdownload

Forum Veteran
Joined
May 15, 2013
Posts
1,007
Reaction
1,623
Points
650
Age
35
Hi. Hello.
Kung nababasa mo man ang mga letrang andito ngayon pakiusap, basahin mo ito ng buo at tapusin hanggang dulo. Sapagkat ang bawat letra, espasyo, bantas at tugma na narito lahat ay para sa'yo.

Oo sa'yo. Sa'yo na sana ay mahilig magbasa. Upang sa tuwing isinusulat kita ay malaman mo kung paano kita ikwento sa kanila.

Sana sa tuwing binabasa mo ang bawat likha ko ay naririnig mo ang puso kong walang ibang ikinekwento kundi ikaw. Ikaw na ni minsan, ay hindi ko pa nakikita ngunit sa puso ko, ikaw ay pamilyar at kilalang kilala na.

Sana ikaw rin ay isang manunulat, na naglalaan ng panahong titigan ang papel at magsayang ng tinta. Magbura ng letra, maglukot ng papel. Magbura, maglukot, magsayang. Paulit ulit lang.

Pakiusap, sa oras na mabasa mo ang pangungusap na ito, may isang bagay lamang sana akong hihilingin sa iyo. Gawin mo naman akong bida minsan sa mga kwento mo, pangarap ko kasi ang maipagmalaki din ako. Pangarap ko'ng maangkin ng isang mambabasa't manunulat na tulad mo.

Kung sino ka man o kung nasaan ka pa pakiusap, magsulat tayo para sa isa't isa kahit na hindi pa tayo nagkikitang dalawa.

Huwag tayong mabahala. Dahil balang araw magtatagpo rin ang ating mga mata at sabay nating babasahin ang ating mga likhang isinulat para sa isa't isa.

Magsulat tayo habang hinihintay ang panahong iyon. Panahon kung kailan ilalapag muna natin pananadalian ang ating papel at panulat upang tayo'y makapag-usap at sa wakas, hayaang ang tadhana muna ang magsulat.

Sa ngayon, ang kwento muna tungkol sa ikaw at ako na hindi pa pinagtatagpo ang ating ilikha.

Hanggang sa wakas, ay ang mga pangakong panghabambuhay na ang isulat nating dalawa.
 
Sa aking sapangtaha, ang iyong tinutukoy ay ang iyong iniibig,
Bawat titik at letra, sya ang bukambibig
Kung ninanais mo na makilala ang iyong pangalan,
Sa tingin ko sa wattpad mo simulan ;)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top