What's new

Closed Manananggal

Status
Not open for further replies.

erwinc09

Eternal Poster
Joined
Mar 27, 2015
Posts
751
Reaction
285
Points
319
Ang manananggal ay isa sa mga pinakasikat na halimaw
sa mga kwentong bayan ng Pilipinas at naipakita na sa
mga pelikulang katatakutan at komiks. Halos lahat ng
Pilipino ay alam kung ano ang manananggal pero sa mga
'di pa nakakaalam, ang manananggal ay isang uri ng
aswang na nahahati ang katawan at kumakain ng
lamanloob ng tao at sanggol sa sinapupunan ng buntis.
Sa umaga, ang manananggal ay isa lamang normal na
tao (karaniwan ay babae) ngunit pagsapit ng dilim
nagbabago ang kanyang anyo. Kapag ganap na ang
kadiliman, sya ay pupunta sa isang kubling lugar,
huhubarin ang mga saplot sa katawan at magpapahid ng
langis sa buong katawan habang inuusal ang isang
orasyon at nakatitig sa buwan. Unti-unting mag-iiba
ang kanyang anyo. Ang mga kuko ay tatalas at ang mga
ngipin ay magiging pangil. Sya ay tutubuan sa likod ng
dalawang pakpak gaya ng sa paniki samantala'y unti-
unting maghihiwalay ang kanyang katawan sa bandang
bewang. kapag tuluyan nang nagkahiwalay ang kanyang
katawan ay lilipad na sya na nakalawit ang mga bituka
na iikot sa ere habang syang lumilipad. Ang kanyang
puntirya ang mga taong mag-isang naglalakbay sa gabi
o mga tahanan ng mga buntis na babae. Kapag
nakahanap ng buntis, dadapo sya sa bubong at hahanap
ng butas direkta sa itaas ng natutulog na buntis. Kapag
nakahanap na ng butas, ipapasok nya doon ang kanyang
dila na hahaba at ninipis na tila sinulid na ang dulo ay
matulis. Tutusukin ng dila ang pusod ng buntis at
didiretso ito sa sanggol sa loob ng sinapupunan at
sisipsipin ang dugo ng bata hanggang sa mamatay. May
mga pagkakataong kayang tunawin at higupin ng
manananggal ang sanggol sa loob ng sinapupunan
kapag ito ay sobrang liit pa.
Ang kahinaan ng manananggal ay ang kanyang iniwang
ibabang bahagi ng katawan na pwedeng budburan ng
asin o abo, at kung ano pa, at pwede ring sunugin
upang hindi na dito makakabit ang manananggal. Kapag
inabot ng pagsikat ng araw ang manananggal na hindi
pa nakakakabit sa kanyang ibabang bahagi, sya ay
mamamatay.
Sa ibang lugar sa Pilipinas, iba ang katawagan sa
manananggal. Sa mga Waray ito ay Tangso-Tangso. Sa
Aklan naman ay Tanggae. Sa Mindanao, Salimbarot; at sa
ilang bahagi ng Palawan ay Tanggar.


The Aswang Delegation

Noog 1930 isang seminar ng mga guro ang idinaos sa
Lucban, Quezon. ang lahat ng bayan sa lalawigan ng
Quezon ay nagpadala ng delegado. Ang mga ito ay
pinatuloy sa mga gusali ng mababang paaralan, isang
kilometro ang layo mula sa kabayanan. Ang seminar ay
tumagal ng isang linggo. Noong gabi pagkatapos na
magdatingan ang mga delegado, ang mga tao na
naninirahan malapit sa bakuran ng paaralan ay nakarinig
ng kakaibang ingay ng lumilipad na pakpak at ang huni
na "tik-tiktik" ng ibong tiktik. Matibay ang paniniwala ng
mga tao na kapag narinig ang huni ng tiktik sa gabi ay
mayroong aswang sa paligid.
nang sumunod na gabi, may ilang tao na naglakas loob
na sumilip sa labas nang may marinig na parang
lumilipad. Gayon na lamang ang kanilang takot nang
makita ang isang kawan ng mga nilalang na may maiitim
na pakpak na lumilipad sa kadiliman ng gabi. Ang mga
ito ay may ulo at katawan ng tao ngunit putol ang
katawan mula sa baywang hanggang ibaba. Hinala ng
mga tao ang kanilang nakita ay mga manananggal.
Kinabukasan, ang mga taga Lucban na nakatoka sa pag-
aasikaso sa pagpapakain sa mga delegado ay nagmasid
ng mabuti. napansin nila na ilan sa mga delegado ay
ayaw kumain ng mga pagkaing maraming rekado at ang
gustong-gusto ay dinuguan at inihaw na lamang loob.
Napuna din ng mga nagmamasid na ang mga
delegadong ito ay may malalalim na kili-kili at hindi
makatingin diretso sa mga tao.
Mula ng gabing iyon hanggang sa matapos ang seminar
ang mga taga Lucban ay nagsabit ng mga bawang at sili
sa kanilang mga bintana. ang mga bubungan ay nilagyan
ng krus.
nang matapos ang seminar at ang mga delegado ay
nakauwi na sa kani-kanilang bayan, nagbalik ang
katahimikan ng gabi sa bayang iyon. Source: The
Aswang Syncrasy in Philippine Folklore (1971), p. 47.


Reference:

Blumentritt, Ferdinand. Diccionario Mitologico de
Filipinas. Manila, 1895.
Rmos, Maximo D. The Aswang Syncrasy in Philippine
Folklore. Philippine Folklore Society, 1971.
 

Attachments

Very informative, I believe both folklore and spiritual beings. The universe is indeed infinite to create such beings and God is truly powerful to re-imagine us as Humans.
 
Naisip ko lang, kung meron talagang nagalang manananggal. Eh di sana mahahanap agad sila sa pagsunod sa mga patak ng dugo kung lumilipad sila ng nakalawit ang bituka, di ba?
 
Naisip ko lang, kung meron talagang nagalang manananggal. Eh di sana mahahanap agad sila sa pagsunod sa mga patak ng dugo kung lumilipad sila ng nakalawit ang bituka, di ba?
Meron po tayung ibat ibang Dimension or Reality kung tatwagin, nandito tayu sa realm kung san tao ay existent, kaya magtaka ka bat nakakapasok ang mga ibang creatures dito sating realm.
More info on this article: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top