What's new

Mali ba yung desisyon ko?

Huh Yunjin

Honorary Poster
Joined
Apr 13, 2020
Posts
570
Reaction
204
Points
250
(Not begging for sympathy, gusto ko lang malaman thoughts ng ibang tao about sa ganitong bagay. Kini-keep ko lang kasi lagi sa sarili ko yung ganito at mabigat na talaga siya. Please don't be rude na lang guys.)

So ako yung nakipaghiwalay sa ex ko last year. Almost 4 years rin kami, may tendency kasi siyang mag-cheat and ginagamitan niya rin ako ng "maghiwalay na lang kaya tayo" na strat every time na mag-aaway kami noon. Napagod na ko and naawa sa sarili ko kasi feeling ko tingin niya sa'kin disposable.

Pero ngayon may bago na siya, tapos ako mag-isa na, depressed pa (maraming tragedy ang nangyari sa'kin after namin maghiwalay kaya ganito ako). Naiinggit ako kasi masaya siya. Naiisip ko lagi na ako sana yung kasama niya kung nagtiis lang sana ako. Di sana ako ganito kung kasama ko siya kasi ichi-cheer up niya ko kapag may problema ako. Gusto ko na lang bumalik sa dati, nung masaya pa kong mabuhay.
 
yaan mona muna si ex total masaya na siya sa iba kamo. kaya hanaphanap ka ng mga bagong chix papi , along the way mahahanap mo din ung tadhana mo ;). just do it, NIKE!
 
Magpakabusy ka muna sa mga bagay bagay na nag papasaya sayo hanggang dumating yung time na makakalimutan mo na sya at makaka realized ka na masaya kana ulit. Sa pagdaan ng panahon makakasalamuha ka din ng ibat ibang klase ng tao na sasama sa buhay mo at baka makakatagpo ka ulit ng magpapasaya sayo
 
Kung sigurado kang cheater siya, hindi po mali ang desisyon mo. Maaaring nalulungkot ka lang dahil sa mga nangyayari sa buhay mo kaya hindi mo maiwasang maalala yung mga araw na masaya ka noon. Coincidentally, kasama mo siya sa mga masasayang araw na 'yon. Maaaring namimiss mo lang yung mga araw na masaya ka pero hindi necessarily yung tao.
 
Last edited:
Maaaring nalulungkot ka lang dahil sa mga nangyayari sa buhay mo kaya hindi mo maiwasang maalala yung mga araw na masaya ka noon. Coincidentally, kasama mo siya sa mga masasayang araw na 'yon.
Ito ata yung gustong marinig ng tenga/utak ko. Namimiss ko lang siguro yung saya at hindi yung tao. Pero nevertheless, siya pa rin yung tanging tao na nagpasaya sa'kin ng gano'n. Ang laki nang space na naiwan niya na di ko alam kung kailan ulit mapupunan.
 
sir eto tandaan mo, tama desisyon mo wag nawag kang babalik at magiisip na ikaw ang nagkulang, tama ang ginawa mo, may darating na mas makakaintindi sayo at di ka lolokohin gaya ng trato sa kanya, mas ok na ang malaya kaysa napapansin mong inaalipin ka ng puso mo, hope you will be heal, we cheer you up!, laban lang
 
Hi paps, halos parehas tayo ng pinag daanan. Aminado ako isa yan sa mga biggest regrets ko pero ganun talaga eh hindi na mababalik yun desisyon. Bali cheerish mo na lang kung ano meron ka now at ciento por ciento meron din darating. :cool:
 
Ito ata yung gustong marinig ng tenga/utak ko. Namimiss ko lang siguro yung saya at hindi yung tao. Pero nevertheless, siya pa rin yung tanging tao na nagpasaya sa'kin ng gano'n. Ang laki nang space na naiwan niya na di ko alam kung kailan ulit mapupunan.
Hindi natin alam kung kailan mapupunan yung espasyong iniwan ng mga tao mula sa nakaraan natin pero ang mahalaga ay hindi na tayo napapraning kaiisip kung yung sayang kasalukuyang nararamdaman natin e buo ba talagang binibigay sa atin o may kahati tayong iba.
 
Same to you st ganyan din nararanasan ko. Nakikita ko ex ko na masaya na sa iba kaya yun nag mukmuk nalang ako sa bahay. Mga 2years din siguro nasa bahay lang ako di lumalabas
 
Mas lalo mo lamang papahirapan ang sarili mo if magttyaga ka sa kanya. Nalungkot ka lang di dahil namiss mo sya o mahal mo pa sya, namiss mo sya kasi sya masaya ikaw malungkot.

Mas better na okay na wala na kayo. Pasasaan ba at magkakaron ka din ng magmamhal sayo. May pamilya ka at kaibigan na maaring nmagpawala ng lungkot mo. Ituon ang atensyon sa mga activities o mga bagay na makakapagpaalis ng mga masalimuot nakaraan.

Wag mo isasara ang puso mo ngunit ingatan mo at suriin mo ang mga magtatangkang pumasok dito. Kung sino yung sinsero at totoo sayo na mahal ka rin. Sya ang mahalin mo.
 

Similar threads

Back
Top