What's new

Mali Ba ang Homoseksuwalidad?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,215
Points
2,569
“Habang lumalaki ako, isa sa pinakamahirap na naging problema ko ay nagkakagusto ako sa mga kapuwa ko lalaki. Akala ko no’n, lilipas din iyon. Pero hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin iyon.”—David, 23.
Kristiyano si David, at gusto niyang mapasaya ang Diyos. Magagawa niya ba iyan kung nagkakagusto pa rin siya sa kapuwa niya lalaki? Ano ba ang tingin ng Diyos sa homoseksuwalidad?

Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Ang mga pananaw tungkol sa homoseksuwalidad ay nagkakaiba-iba depende sa kultura o panahong kinabubuhayan ng isa. Pero hindi diyan ibinabase ng mga Kristiyano ang paniniwala nila. Hindi sila “dinadala ng hangin kung saan-saan dahil sa pakikinig sa mga turo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa halip, ibinabase nila ang pananaw nila tungkol sa homoseksuwalidad (o anumang paggawi) sa mga pamantayang makikita sa Bibliya.
Malinaw ang pamantayan ng Bibliya tungkol sa gawaing homoseksuwal. Sinasabi ng Salita ng Diyos:
  • “Huwag kang sisiping sa kapuwa mo lalaki, kung paanong sumisiping ka sa isang babae.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Dahil gusto nilang sundin ang puso nila, . . . pinabayaan na sila ng Diyos na magpadala sa kanilang kahiya-hiyang seksuwal na pagnanasa, dahil ang mga babae sa kanila ay gumawi nang salungat sa likas na pagkakadisenyo sa kanila.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral, sumasamba sa idolo, mangangalunya, lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki, lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal, magnanakaw, sakim, lasenggo, manlalait, at mangingikil ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang mga pamantayan ng Diyos ay kapit sa lahat ng tao, nagkakagusto man sila sa kasekso nila o hindi. Ang totoo, ang lahat ay dapat na magkaroon ng kontrol sa sarili at huwag magpadala sa tuksong gumawa ng mga bagay na kinapopootan ng Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Ibig bang sabihin, . . . ?

Ibig bang sabihin, itinuturo ng Bibliya na dapat kapootan ang mga homoseksuwal?
Hindi. Ang totoo, hindi itinuturo ng Bibliya na mapoot tayo sa sinuman—homoseksuwal man o hindi. Sa halip, itinuturo nito na “makipagpayapaan [tayo] sa lahat ng tao,” anuman ang lifestyle nila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya mali ang pambu-bully, pananakit, o anumang pagmamaltrato sa mga homoseksuwal.
Ibig bang sabihin, dapat kumontra ang mga Kristiyano sa mga batas na nagpapahintulot na ikasal ang magkasekso?
Itinuturo ng Bibliya ang pamantayan ng Diyos sa pag-aasawa. Ito ay dapat na sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero ang usapin tungkol sa batas ng tao may kinalaman sa same-*** marriage ay isang politikal na isyu, at hindi isang moral na usapin. Itinuturo ng Bibliya na ang mga Kristiyano ay dapat manatiling neutral sa politika. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya hindi sila sumusuporta o kumokontra sa mga batas na ipinapatupad ng gobyerno may kinalaman sa same-*** marriage o homoseksuwal na mga gawain.

Pero paano kung . . . ?

Pero paano kung ang isa ay nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal? Posible pa kaya siyang magbago?
Oo. Ang totoo, may mga nakagawa niyan noong unang siglo. Pagkatapos sabihin na hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos ang mga nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal, sinabi ng Bibliya: “Ganiyan ang ilan sa inyo noon.”You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ibig bang sabihin kapag tumigil na ang isa sa pagsasagawa ng gawaing homoseksuwal, hindi na siya matutuksong gawin ulit iyon? Hindi. Sinasabi ng Bibliya: “Isuot ninyo ang bagong personalidad, na sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman ay nagiging bago.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pagbabago ay patuluyang ginagawa.
Pero paano kung gustong sundin ng isa ang pamantayan ng Diyos pero mayroon pa rin siyang homoseksuwal na pagnanasa?
Gaya din ng ibang pagnanasa, puwedeng piliin ng isa na huwag itong patuloy na isipin o huwag magpadala dito. Paano? Sinasabi ng Bibliya: “Patuloy na lumakad ayon sa espiritu at hindi ninyo kailanman maisasagawa ang inyong makalamang mga pagnanasa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pansinin na hindi sinasabi sa teksto na hindi magkakaroon ng makalamang pagnanasa ang isang tao. Sa halip, nagpapayo ito na malalabanan niya ang mga pagnanasang iyon kung mayroon siyang magandang espirituwal na rutin ng pag-aaral ng Bibliya at pananalangin.
Napatunayan iyan ni David, na binanggit kanina—lalo na nang sabihin niya sa kaniyang Kristiyanong mga magulang ang pinaglalabanan niyang pagnanasa. “Napakabigat nitong dalhin,” ang sabi niya, “at malamang na mas na-enjoy ko ang pagiging teenager kung sinabi ko agad ito sa kanila.”
Sa bandang huli, mas magiging masaya tayo kung susundin natin ang mga pamantayan ni Jehova. Kumbinsido tayo na “ang mga utos ni Jehova ay matuwid [at] nagpapasaya ng puso.” Kung susundin natin ang mga iyon, tatanggap tayo ng “malaking gantimpala.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Ang biblia is meron political. Ang biblia ay the reason why meron nito dahil pinipigilan nila kung ano ang naturaliza ng mga tao noon una panahon. Therefore bago o after nang panahon na iyon, ang homosexual ay nag eexist na po sila.

Iyon nga lang, dati-rati, wala pang age of reason or wala pang label bilang bakla o bilang tomboy. This age of reason itong present moment, sobrang dami na naglabasan na label so hindi lang LGBTQI na actually, lampas pa iyan. Tipong lesbian, gay, bisexual, transgender, queer at intersexual ang LGBTQI but sobrang dami pa dahil meron higit pa diyan. Naku. If ililista ko pa siya dito ay baka manlaki ang mata na nagbabasa. Aabot siya ng somewhat 30 and above.

Based on history like my wonderful username Asherah Goddess (wahaha 😂 I am so proud of it) well, noon, maraming Gods at Goddeses sapagkat maraming moral ika nga.

Ang ibig sabihin ng moral on dictionary na nabasa ko (somewhere na nabasa ko) ay kung ano ang acceptable sa mga tao or kung ano ang normal na tama at mali, mabuti at masama para sa kanila so dati-rati maraming Gods at Goddesses, maraming silang moral. Ngayon isa lang ang moral na ginagampanan ng tao dahil meron ng one and true God.

Si pagan Yahweh God or Jehovah kung tawagin sa inyo which is originally a pagan deity dati-rati bago ginawang one and only true God ng mga tao at naging monotheist ay maraming ka competition si Yahweh God. Proof?

Nasa bible verse siya. Ito iyan.

Exodus 34:14 For thou shalt worship no other god: for the Lord, whose name is Jealous, is a jealous God:

Dagdag.

You shall not make for yourselves an idol, nor any image of anything that is in the heavens above, or that is in the earth beneath, or that is in the water under the earth: you shall not bow yourself down to them, nor serve them, for I, Yahweh your God, am a jealous God....


O-ha?

It was in the bible verse about Yahweh is a jealous God (no wonder why people wrote the bible based on kung ano nangyari from the past).

Dagdag. According sa nagpapaliwanag, hindi lang jealous God sa ka competitive nito sa other God(s) at Goddess(es). Jealous din siya sa wife nito si Asherah Goddess dahil maraming nag woworship sa kanya at proof na si Asherah Goddess was in the bible ay ito.

Deuteronomy 16:21 commands: You shall not plant any tree as a sacred pole [asherah] beside the altar that you make for the Lord your God… And 1 Kings 14:23 states: For they also built for themselves high places, pillars, and sacred poles [asherim] on every high hill and under every green tree.

Ang asawa kase ni Asherah ay ito.

#1. El
#2. Baal
#3. Elkunirsa
#4. Yahweh
#5. Amurru
#6. Anu
#7. 'Amm
#8. Assur


The law was created by men. Ano po siya, oral tradition kung tawagin na kung baga napasalin-salin sa ibang tao hanggang ginawa na siya on text at naging bible po.

So literally speaking ang laws na finoforbid is nanggaling sa tao malamang at ang concept of God is malamang galing sa tao din.

This present days, maraming interpretation ang bible verse patungkol sa homosexual katulad ng iniindicate that homosexual is literally not a sin. Somewhere in bible verse na sinasabi about true love so as long as there is true love, credit na siya.

Sa katunayan nga na there is one website about near death experience na kahit ang lesbian is nakakaranas ng heaven afterlife. Totoo! Hindi naman sila napupunta sa hell unless ang spirit mismo is currupted or not spiritually high. Kung baga the spirit is low and its a reason why people went to hell dahil ang spirit is so low at ang hell was described depends sa tao kung ano ang concept nila about hell.

Dagdag na isa sa mga dahilan kung bakit meron ako nakikita on facebook about homosexual na andoon sa group but they are Christian and the reason why meron silang group ay para maka spiritually connected to each other. Ang iba nga ay nakikita ko na ini enhance ang spirit nila to the highest level.

So if people believe na there is literally God and makes magic at siya ang God na meron beard, malabo mangyari. Tipong God na literal na magpaparusa at ihuhulog ang mga tao na hindi sumusunod sa batas sa umaalab ng apoy and its a reason why takot na takot sila sa parusa mismo? Para sa akin ay malabo.

But kapag ideal God or mismo concept of God na pinoportray ng tao para sa kanila - yung mismong idealogy na hawak nila, mas kapani-paniwala iyon. The reason why na there is a God because of the people in the past. Hindi mag eexist ang God kung hindi ito ginawa ng tao based on their concept or mismong idealogy na meron sila.

Tanong.

Bakit meron afterlife?

Sa nabasa ko na near death experience study, kung ano ang paniniwala ng tao ay nag rereflect siya kapag namatay ito. Meron tawag. Ang tawag is high spritual consciousness. Katulad ng peter pan. If naniniwala si peter pan that fairy exists, mag eexists talaga siya pero kapag hindi siya naniniwala na fairy is exist, hindi nga talaga siya mag eexist.

So wala ba kayo napapansin kung bakit ang homosexual na existing noon at ngayon ay 100% percent buhay na buhay pa rin at kalat na kalat sa buong lupalop ng mundo?

Ito ang sagot.

Kung ano naturaliza as a human being, mananatili siya buhay hanggang generation to generation so kahit anong gawin ng tao (kung sino man ang gumawa) upang pigilan kung ano naturaliza ng tao, uusbong at usbong pa rin siya unless lagyan ng execution or death penalty para sa lahat ng homosexual then sabay isama ang influential bible na nagsasabi na homosexual is a sin, well , iyon hindi ko alam kung magiging victorious pa rin or baka magkaroon ng another bible part 2 magawa lang ang hinaing na huwag mag exist ang homosexual but then again, kung ano natural ay natural, hindi siya mapipigilan.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top