What's new

Malapit na Civil Service Exam , ano mapapayo mo sa magte-take sa March 2023

Wu_Fei

Eternal Poster
Established
Joined
Jul 25, 2021
Posts
820
Reaction
797
Points
468
malapit na exam , nag file na ba kayo ? filing na , Dec. to Jan ..

mag review kana kung gusto mo pumasa, pag ayaw mo wag ka mag review, mag pa-badjing-badjing ka..

kala mo meron kapa oras mag review kasi march pa exam, for your info 17% lang pumasa last exam .. nationwide po yan ,buong pilipinas .. kaya kung iniisip mo na mag
ML pa eh buong maghapon eh mag isip-isip kana ..

kung matalino ka at magaling ka sa klase nung hyskul sa math at english eh walang problema, pero kung nasa hulihan ka nakaupo nakikipag gaguhan sa clasmate mo, gumagawa ng kabulastugan sa likuran eh dapat mag review kana ngayon pa lang , oo tigil mo na yang RANK game kasi talo kana man palagi , pabuhat ka lagi , kaya mag review ka na lang baka sakali sa exam pumasa ka, makakuha ka mataas na ranking ....

lalo sa mga baguhan.. madami sa mga baguhan first take BAGSAK! putulin mo ang SUMPA ! IPASA mo ng FIRST TAKE LANG !

sa mga nagsasabi naman na SUBPRO i-take mo kasi madali lang , madali .. sige maniwala ka, pero wag ka iiyak kasi kelangan mo uli mag take ng pro, doble gastos ,pagod...! MAG-PRO kana para isang take lang!

ngaun kung tatanungin MU kung sinu ako para magsalita, eh subpro and pro passer lang naman po ako , di sa pag mamayabng... napag daanan ko po yan ...

TAndaan nyu palagi , nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa, gawin mo part mo.. Sa lahat ng gagawin mo wag mo kalimutan humingi lagi ng gabay sa taas..

PEACE OUT!
 
up up in the way. mas okay talagga ang nag rereview kesa iasa sa stock knowledge. Baka magkabiglaan wala kang ibang maibabato na laman ng utak.
 
Ganda ng advice, Noted!

Magbaon kayo chocolate, sapatos na tulog ballpen pencil. Pray :) for guidance :)
First timer ko mag take ng exam for upcoming 1st yr college hahaha wala akong dalang lapis haha ptek ako lang yata sa 300 students na umatend sa exam yung walang lapis hahahaha badtrip talaga napagalitan tuloy ako ng professor ata yun nakita nya ballpen gamit ko pang shading🤣🤣
 
Last edited by a moderator:
Ako na mag rereview palang haha na busy masyado muntik ko na nga makalimutan na malapit na pala 😂
Hahaha nagtake nga ako ng exam this January eh di talaga ako naka pag review kaya lahat cguro ng sagot ko dun puro mali😆
 
Hahaha nagtake nga ako ng exam this January eh di talaga ako naka pag review kaya lahat cguro ng sagot ko dun puro mali😆
Ako 2019 nag try cs kaso biglang nagka COVID pandemic haha ayon sayang bayad.
Gustohin man mag review grabe Naman pagka busy kaya tamang nood nalang random sa yt hirap Kasi talaga Ako sa math masasabi ko **** Ako doon haha at Ngayon ko lang din medyo na intindihan kelan nakapag graduate na Ako haha 😂
 
Ako 2019 nag try cs kaso biglang nagka COVID pandemic haha ayon sayang bayad.
Gustohin man mag review grabe Naman pagka busy kaya tamang nood nalang random sa yt hirap Kasi talaga Ako sa math masasabi ko **** Ako doon haha at Ngayon ko lang din medyo na intindihan kelan nakapag graduate na Ako haha 😂
Naka graduate kana college?
 
Advice ko sa mga magtetake, kayang kaya nyo yan. Very similar sa NCAE at NAT yung CS exam. Wag masyadong madala ng pressure dahil kapag pressured ka, di ka makakapag-isip nang ayos. Compose yourself and trust in your capacity.

Di ako nakapagreview non dahil sobrang occupied ng sched pero thank God, nakalusot naman.

If I remember correctly, the test consists of reading comprehension, language proficiency, logic, a bit of history, basic math & algebra, at marami pang iba. (Joke. Di ko lang maalala talaga).

basta alam kong kaya nyo yan.

-Pro passer from 2018, 1st take.
 
Back
Top