What's new

Tutorial Malalabanan Mo ang Pandemic Fatigue

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
Pagód ka na ba sa mga pagbabagong kinailangan mong gawin dahil sa COVID-19? Kung oo, hindi ka nag-iisa. Ilang buwan nang nag-a-adjust ang mga tao sa buong mundo dahil sa pandemic. Marami ang “gumawa ng malalaking sakripisyo para maiwasan ang COVID-19,” ang sabi ni Dr. Hans Kluge, World Health Organization Regional Director sa Europe. “Sa ganitong sitwasyon, normal lang na manghina, mawalan ng gana, at mapagod.”
Kung sa tingin mo, may pandemic fatigue ka na, huwag kang masiraan ng loob. Marami na ang natulungan ng Bibliya sa nakaka-stress na panahong ito. Makakatulong din ito sa iyo.

Ano ang pandemic fatigue?​

Ang pandemic fatigue ay hindi isang sakit. Ginagamit ang terminong ito para ilarawan ang karaniwang nararamdaman ng mga tao ngayong nagbago ang buhay nila dahil sa pandemic. Iba-iba ang epekto nito sa mga tao, pero ito ang karaniwang senyales na may pandemic fatigue ka:
  • Walang ganang gumawa ng kahit ano
  • Pagbabago sa pagkain at pagtulog
  • Madaling mainis
  • Nai-stress sa mga trabahong ginagawa mo naman noon
  • Hindi makapagpokus
  • Nawawalan ng pag-asa

Bakit hindi natin dapat maliitin ang pandemic fatigue?​

May epekto sa safety natin at ng iba ang pandemic fatigue. Kung hindi tayo mag-iingat, baka unti-unti na nating bale-walain ang mga safety protocol ng COVID-19. Baka maging kampante na tayo kahit kumakalat pa rin ang sakit at maraming namamatay. At dahil pagód na tayo sa pag-iingat, baka gusto na nating bumalik sa normal nating buhay, na puwedeng makasamâ sa atin at sa iba.
Sa mahirap na panahong ito, nararanasan ng marami ang sinasabi ng Bibliya: “Kapag nanghihina ang loob mo sa panahon ng problema, mababawasan din ang lakas mo.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) May mga prinsipyo sa Bibliya na tutulong sa atin na makayanan ang nakaka-stress na mga sitwasyon, gaya ng pandemic na ito.

Anong mga prinsipyo sa Bibliya ang makakatulong sa iyo para malabanan ang pandemic fatigue?​

  • Sundin ang physical distancing—pero maging close pa rin sa mga kaibigan
    Ang sabi ng Bibliya:
    “Ang tunay na kaibigan ay . . . maaasahan kapag may problema.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Kung bakit ito mahalaga: Pinapatibay tayo ng mga kaibigan natin. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pero kapag lagi tayong nag-iisa, puwede tayong magkasakit.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Subukan ito: Regular na kontakin ang mga kaibigan mo gamit ang video call, telepono o cellphone, at e-mail o text. Kapag hindi maganda ang araw mo, humanap ng kaibigan na mapagsasabihan ng niloloob mo. Kumustahin mo sila. Tanungin sila kung ano ang ginagawa nila ngayong pandemic, at sabihin din sa kanila ang mga ginagawa mo. Mag-isip ng paraan kung paano ka makakatulong sa isang kaibigan, at pareho kayong magiging masaya.

    Ang sinasabi ng iba​

    501100011_univ_cnt_2_xs.jpg
    “Nakikipag- videoconference ako sa mga kaibigan ko. Minsan, sa isang kaibigan lang; sa ibang pagkakataon naman, isang grupo kami. Naglalaro kami ng games o nagkukuwentuhan lang. Siyempre, iba pa rin y’ong nagkikita-kita nang personal, pero malaking tulong na rin iyon. Talagang nakaka-stress ang buhay ngayong pandemic, kaya mahalagang may kaibigan ka na masasabihan ng nararamdaman mo. Hindi iyon madali, pero kailangan nating lahat ng tulong.”—Meagan, Canada.
    501100011_univ_cnt_3_xs.jpg
    “Miss na namin ang pamilya at mga kaibigan namin, pero naipaparamdam pa rin namin sa kanila na mahal namin sila. Naghanda kaming pamilya ng mga card at simpleng regalo para sa mga kaibigan namin, at sinamahan namin iyon ng isang teksto sa Bibliya para malaman nilang hindi namin sila nakakalimutan. Ang sayang gawin n’on! Kapag gumagawa ka ng mabuti sa iba, makakalimutan mo ang mga problema mo.”—Emma, at ang asawa niyang si Nathan, kasama ang mga anak nilang sina Eli at Hope, United States.
  • Gamitin nang tama ang oras mo
    Ang sabi ng Bibliya:
    “Gamitin ninyo sa pinakamabuting paraan ang oras ninyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Kung bakit ito mahalaga: Kapag ginagamit mo nang tama ang oras mo, magiging mas masaya ka at maiiwasan mo ang sobrang pag-aalala.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Subukan ito: Imbes na isipin ang mga bagay na hindi mo na magagawa, isipin ang mga bagay na puwede mong gawin ngayon. Halimbawa, puwede mo na bang gawin ang mga naiisip mong project noon o magkaroon ng bagong hobby? Puwede ka bang magbigay ng mas maraming oras sa pamilya mo?

    Ang sinasabi ng iba​

    501100011_univ_cnt_4_xs.jpg
    “Marami kaming nagawang project sa bahay—nagtanim kami ng mga gulay at herb, gumawa kami ng mga art project, at nag-decorate kami.”—Evan, at ang asawa niyang si Samantha, kasama ang mga anak nilang sina Eli at Adam, South Africa.
    501100011_univ_cnt_5_xs.jpg
    “Sa loob ng 30-taóng pagsasama namin ng asawa ko, ngayon lang kami nagkaroon ng ganito karaming panahon sa isa’t isa. Mas lalo naming minahal ang isa’t isa, kasi mas kilala na namin ngayon ang isa’t isa kaysa noon. Mas alam na namin kung paano kami magtutulungan kapag may dumating na mabigat na problema.”—Ivan, at ang asawa niyang si Eve, Italy.
  • Magkaroon ng iskedyul at sundin ito
    Ang sabi ng Bibliya:
    “Mangyari nawa ang lahat ng bagay nang . . . maayos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Kung bakit ito mahalaga: Mas masaya at kontento ang mga taong may sinusunod na iskedyul.
    Subukan ito: Gumawa ng iskedyul base sa sitwasyon mo ngayon. Mag-set ng oras para sa mga gawain sa school, trabaho, gawaing bahay, at pagsamba sa Diyos. Isama rin sa iskedyul mo ang mga gawaing makakatulong sa iyo, gaya ng bonding ng pamilya, mga activity sa labas ng bahay, at exercise. Regular na rebyuhin ang iskedyul mo, at i-update ito kung kailangan.

    Ang sinasabi ng iba​

    501100011_univ_cnt_6_xs.jpg
    “Kahit may pandemic, halos walang nagbago sa rutin ko. Pinalitan ko ng exercise ang ilang activity na ginagawa ko noon, pero gano’ng oras pa rin ako gumigising sa umaga. Nakakalimutan ko ang pandemic dahil dito, at mas nagagamit ko ang oras ko sa pamilya at mga kaibigan ko.”—Kgaogelo, South Africa.
    501100011_univ_cnt_7_xs.jpg
    “Gustong-gusto kong maghanda ng almusal at magkape pagkagising ko. Pagkatapos, naghahanda ako na parang aalis ako ng bahay. Kapag ginagawa ko ito, mas maganda ang pakiramdam ko sa buong araw.”—Carmel, France.
  • Mag-adjust sa lagay ng panahon
    Ang sabi ng Bibliya:
    “Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Kung bakit ito mahalaga: Saan ka man nakatira, puwedeng magbago ang lagay ng panahon. Kaya baka may panahong hindi ka makalanghap ng sariwang hangin at makapagpaaraw, na maganda sa kalusugan mo.
    Subukan ito: Kapag malapit na ang taglamig, puwede mong baguhin ang setup ng sala o lugar kung saan ka nagtatrabaho sa bahay ninyo para masinagan ka ng araw. Mag-isip ng mga puwede mong gawin sa labas kahit malamig ang panahon. Magsuot ng damit na bagay sa panahon.
    Kapag tag-araw naman, kadalasan nang nasa labas ang tao kaya kailangan mong mag-ingat. Planuhin ang mga pupuntahan mo para hindi mo makasabay ang maraming tao.

    Ang sinasabi ng iba​

    501100011_univ_cnt_8_xs.jpg
    “Maulan sa lugar namin, kaya kailangang flexible ang iskedyul ko. Basta maaraw, lumalabas ako agad. Kahit maglakad-lakad lang ako o mag-bike, malaking tulong na naaarawan ako para gumanda ang mood ko.”—Sameena, France.
    501100011_univ_cnt_9_xs.jpg
    “Hindi masyadong problema no’ng summer kasi nakakalabas-labas ako. Pero ngayong taglamig na, naglilista ako ng mga project na puwede kong gawin sa loob ng bahay.”—Tiffany, Canada.
  • Sumunod pa rin sa mga safety protocol ng COVID-19
    Ang sabi ng Bibliya:
    “Ang mangmang ay padalos-dalos at sobra ang tiwala sa sarili.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Kung bakit ito mahalaga: Nakakamatay ang COVID-19, at posibleng mahawa tayo kung hindi tayo mag-iingat.
    Subukan ito: Regular na i-check ang mga tagubilin mula sa gobyerno, at pag-isipan kung nasusunod mo pa rin ba ito. Isipin ang puwedeng maging epekto ng mga ginagawa mo sa iyo, sa pamilya mo, at sa iba.

    Ang sinasabi ng iba​

    501100011_univ_cnt_10_xs.jpg
    “Ginagawa ko ang magagawa ko para hindi kumalat ang virus. Kahit nakikita ko na binabale-wala ng iba ang mga safety protocol, nagsisikap pa rin ako para maingatan ang sarili ko at ang pamilya ko.”—Daryn, South Africa.
  • Maging malapít sa Diyos
    Ang sabi ng Bibliya:
    “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Kung bakit ito mahalaga: Kaya kang tulungan ng Diyos sa anumang problema.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Subukan ito: Basahin ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, araw-araw. Puwede mong gamitin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na ito.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang mga Saksi ni Jehova at tanungin sila kung paano ka makakasama sa pag-aaral nila ng Bibliya ngayong may pandemic. Halimbawa, gumagamit sila ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. para sa mga pulong nila, taunang pag-alaala sa kamatayan ni Jesus, at kombensiyon.

Ang sinasabi ng iba​

501100011_univ_cnt_11_xs.jpg
“Ginagamit ko ang mga libreng oras ko sa pagbabasa ng Bibliya. Dahil dito, tumibay ang tiwala ko sa mga pangako ni Jehova. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Alam kong magiging mas maganda ang kalagayan sa hinaharap.”—Roberto, Italy.
501100011_univ_cnt_12_xs.jpg
“Magkasama naming binabasa ng asawa ko ang Bibliya, at kinakabisado namin ang ilang teksto. Sa tulong ng panalangin, pagbabasa ng Bibliya, at pagsasabi sa iba ng pangako sa Bibliya, nakakayanan namin ang sitwasyon.”—Alta, at ang asawa niyang si Jannie, South Africa.

Mga teksto sa Bibliya na tutulong para makayanan ang pandemic fatigue​

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Magkakaroon kayo ng lakas kung mananatili kayong panatag at magtitiwala.”
Ibig sabihin: Kahit mahirap ang kalagayan, magiging kalmado ka kung magtitiwala ka sa sinasabi ng Diyos.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Laging pangit ang araw ng napipighati, pero laging may pagdiriwang ang taong masaya ang puso.”
Ibig sabihin: Magiging masaya tayo kahit mahirap ang kalagayan kung magpopokus tayo sa mga positibong bagay.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Pinaniniwalaan ng walang karanasan ang lahat ng naririnig niya, pero pinag-iisipan ng marunong ang bawat hakbang niya.”
Ibig sabihin: Sumunod sa mga safety protocol, at huwag maliitin ang mga iyon.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Walang nakatira doon ang magsasabi: ‘May sakit ako.’”
Ibig sabihin: Ipinapangako ng Diyos na aalisin niya ang lahat ng sakit
 

Attachments

Back
Top