What's new

Makikiconnect sa wifi ang kapitbahay

Status
Not open for further replies.
gaano ka kasigurado na isa o dalawa lang ang iko-connect nila.
pag alam na nila ang password baka pagkalat yan sa buong baranggay .
 
Naputulan po kasi yung kapitbahay na pinagcoconectan nila nuon e. 600 alam ko bayad nila duon. Di rin naman po kasi mayaman, asawa ko lang nagttrabaho samin. And guard lang po sya. Sabi din kasi nila wag ko na daw paalam sa asawa ko na nakiconnect sila kasi matapang yun. Libre ko na nga isa kasi for online school e.
 
Nahihiya po kasi ako talaga na sa akin manggaling na 500 pesos kasi 300 yung offer nya. Di ko na nga po siningil yung una na pinaconnect nila at pangonline school ng anak nya po. Sila po nag insist na 300 pesos tapos coconnect pa ng isang phone. E parang pakiramdam ko kasi pag di ko sila pinaconnect ang dimot ko.
 
Hindi po kami close kasi di naman po ako lumalabas. One time lumabas ako dun ako kinausap na kung okay lang daw paconnect sa wifi at mag oonline school anak nya. Di po ako nakatanggi. Di ko naman sinisingil po pero kanina sabi magbayad daw sya 300 para sa connection ng anak nya tapos yung isa pa nyang phone iconnect ko din. Di ako nakasagot.
 
[XX='Miyapot, c: 331964, m: 1618504'][/XX] wag puro awa, rate mo status nila ngayon tapos dun ka magdecide ng price sabihin mo monthly kasi need mo upgrade Mbps ng Wi-Fi para di bumagal.
 
Nahihiya kasi ako e baka sabihin ang timawa o kaya nag dimot ko. Hahaha! Kaya nga di ko na lang icoconnect isang pa nila phone. Di bali wag na sila magbayad sa isa. O diba okay na yun? Hahaha
 
Yung phone ng anak nya po na pang online class connected na, di ko po sinisingil. Gusto ng nanay, pati phone nya icoconnect.
 
Di man po gipit kasi dati nakaconnect din sila sa kapitbahay, naputulan lang. Saka pansin ko madalas po may kumakatok na shopee e.
 
gaano ka kasigurado na isa o dalawa lang ang iko-connect nila.
pag alam na nila ang password baka pagkalat yan sa buong baranggay .
Ako naman po yung pinagtype nila ng password dun sa unang phone na pinaconnect nila. Saka namomonitor ko po ilan nakaconnect sa wifi namin. Wala po problem if isa lang at wala bayad kasi for online schooling. E kung coconnect pa po sila 1 tapos 300 lang ibabayad nila, parang feeling ko abuso po kasi
 
Baka sabihin timawa ako hahaha. Di ko na lang paconnectin basta importante nakaconnect anak nila for online schooling. Ayaw ko lang masabihan na timawa or madimot.
 
[XX='Miyapot, c: 331974, m: 1618504'][/XX] Sabihin nyo po limited yung plan nyo, lugi po talaga kasi kayo dun lalo na at kayo ang nagbabayad, 300 po isang buwan sa normal na load pero di unlimited yan. tapos di pa kayo close nyan para makonek sya ng ganyan
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top