Make your own thread ...

Mind Palace

Elite
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,136
Reaction
321
Good Day!

Natutuwa ako na ang forum na ito ay open sa lahat ng may iba't-ibang paniniwala at pananaw tungkol sa relihiyon, Bibliya, at iba pa. Pinahahalagahan ko ang mga member dito na handang magbigay ng kani-kanilang opinyon at paniniwala upang maibahagi sa iba. Gayunman, alam ko na nagkakaroon tayo ng magkakaibang mga opinyon, ideya, at interpretation pagdating sa sinasabi ng Bibliya. Nagkakaroon tuloy ng kalituhan sa mga mambabasa kung saan o kung kanino sila maniniwala o kung anong paniniwala ang sa tingin nila ay siyang tama.

Yamang may incident dito kung saan isinarado ang isang thread dahil wala namang pinatunguhan ang usapan, at nagpalitan pa ng kung anu-anong mga pananalita ang mga member na galing sa ibang sekta at relihiyon, marahil, bilang suggestion lamang, ay ang mga member na may sariling relihiyon at paniniwala ay gumawa ng sarili nilang thread at doon ay sagutin nila ang mga katanungan ng mga member dito tungkol sa Bibliya at iba pang paniniwala, gaya na lamang ng ginagawa ko. Ipinahihintulot ko, sa paanuman, na magkomento din ang miyembro ng ibang religious group dito kung sila mismo ay makatutulong sa pagsagot at makapagbibigay ng angkop na kasagutan sa mga nagtatanong.

Gayunman, may mga miyembro dito na hindi nakatutulong sa pagsagot sa mismong katanungan. Kung hinihingian kayo ng mga talata sa Bibliya at hindi ninyo maibigay, matuto na respetuhin ang iba at aminin kung nagkamali man kayo ng pagkaunawa, hindi yung tipo na sisiraan na lamang ninyo sila.

Hindi ba't maging kami man ay umaamin sa aming mga pagkakamali kapag kami ay nagkakaroon ng maling pagkaunawa sa Bibliya? 🙂

Kapansin-pansin din na imbes na gawing mapayapa ang forum, ang mga miyembrong ito na hindi nagbibigay ng mga kasagutan sa Bibliya, o ng kasagutan sa mismong mga nagtatanong ay nagsasabi na lamang ng paninira at nagsasabi pa ng mga kasinungalingan laban sa mga Thread Starter at sa kanilang paniniwala, o kung hindi man, sa mismong mga nagtatanong.

Gusto ko na lang sabihin, kung ikaw ay member ng ibang religious group, or sect dito, puwede ka din gumawa ng sarili mong thread tungkol sa isang paksa na doon ay magiging interesado ang mga member ni phcorner. Kung gusto mo talagang makatulong sa iba, ikaw mismo ang gumawa ng thread para doon mo mismo sagutin ang mga tanong ng mga mambabasa. Pero kung gusto mo lang ay ang sumagot-sagot sa mga thread ng ibang TS dito, matuto na rumespeto at magbigay na lamang ng angkop na mga kasagutan.

Salamat sa inyo at sa mga pagsisikap ng mga admin and moderator dito.

Salamat admin and moderator sa pagpapahintulot sa amin na magpost ng mga thread dito.

Paumanhin na lang din ulit sa mga member dito kung nakikita man ninyong mas madalas kami magpost o mas madami ang thread na ginagawa namin kaysa sa iba. Ang layunin namin ay makatulong sa iba at ituro ang mga natutunan namin sa Bible. Wala naman sigurong masama kung magbabahagi kami ng mga natututunan namin sa Bible, hindi ba?

Gaya ng sabi ko noon, hindi ko layuning magkumberte ng mga member dito, bagkus ay sagutin lamang ang mga katanungan ng ibang member dito na naghahanap ng kasagutan mula sa Bibliya, ateista man o ibang religion.
...


Ang inyong pag-unawa at pagrespeto ay lubos na pinahahalagahan namin.

Again, respeto lang sa bawat isa. 🙂
Salamat muli.
 
Basta walang ad hominem....

Focus sa sinasabi at di sa nagsasabi....

At sa mga gantong debate/discussion, hindi po masama or kabawasan kung tatatanggapin ng bawat isa na mali tayo minsan or kulang ang pang unawa... Di masama yon..matututo pa nga tayo eh....
And di din kabawasan na iacknowledge natin kung agree tayo sa kausap natin, kahit magkaiba ng paniniwala....

The moment na iniisip mo ikaw ang laging tama eh dun lalabas ang walanng kwentang argumento na may kasama pang masakit or nakakababang pananalita kasi di mo na kaya ipagtanggol ang punto mo.
 
Top