What's new

Trivia MAISASALBA PA BA ANG MUNDO?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
DAAN-DAANG siglo na ang nakalipas, inihula ng Bibliya ang malalang kalagayan ng mundo sa ngayon. Pero espesipikong inihula rin ng Bibliya ang magandang kinabukasan para sa mga tao. Hindi dapat bale-walain ang sinasabi ng Bibliya dahil marami sa mga hula nito ay detalyadong natupad.
Halimbawa, tingnan ang sumusunod na mga hula:
  • “Ang bansa ay titindig laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian, at magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain at mga lindol sa iba’t ibang dako.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri sa sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang, mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang mga hulang iyan ay lumalarawan sa isang mundo na sinasabing pasamâ na nang pasamâ. Kung iisipin, ang mundo ay hindi na talaga maisasalba—ng tao. Ayon sa Bibliya, ang tao ay walang karunungan at kapangyarihan na magbigay ng permanenteng solusyon. Idiniriin ito ng mga sumusunod na teksto:
  • “May daan na matuwid sa harap ng isang tao, ngunit ang mga daan ng kamatayan ang huling wakas nito.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Kung ipagpapatuloy ng mga tao ang kanilang ginagawa, tiyak na mapapahamak ang mundo. Pero hindi mangyayari iyan! Bakit? Sinasabi ng Bibliya:
  • “Itinatag [ng Diyos] ang lupa sa mga tatag na dako nito; hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Isang salinlahi ang yumayaon, at isang salinlahi ang dumarating; ngunit ang lupa ay nananatili maging hanggang sa panahong walang takda.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang mga turong ito ng Bibliya ay nagbibigay ng malinaw na sagot. Ang mga tao ay hindi malilipol dahil sa polusyon, kakapusan ng pagkain at tubig, o pangglobong epidemya. Hindi mawawasak ng nuklear na digmaan ang mundo. Bakit? Dahil kontrolado ng Diyos ang kinabukasan ng ating planeta. Totoo, hinahayaan ng Diyos ang tao na gamitin ang kanilang kalayaang magpasiya. Pero aanihin nila ang resulta ng kanilang desisyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang mundo ay hindi gaya ng nadiskaril na tren, na walang makakakontrol at papunta na sa kapahamakan. Nagtakda ang Diyos ng limitasyon sa magagawang pinsala ng mga tao sa kanilang sarili.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pero hindi lang iyan. Maglalaan ang Diyos ng ‘saganang kapayapaan.’ (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pag-asang ipinaliwanag sa artikulong ito ay patikim lang ng magandang kinabukasan na natututuhan ng milyon-milyong Saksi ni Jehova sa pag-aaral ng Bibliya.
Ang mga Saksi ni Jehova ay isang pangglobong pamilya ng mga lalaki’t babae na may iba’t ibang edad at pinagmulan. Sinasamba nila ang tanging tunay na Diyos, na ang pangalan ay Jehova, gaya ng sinasabi sa Bibliya. Hindi sila natatakot sa mangyayari sa hinaharap dahil sinasabi ng Bibliya: “Ito ang sinabi ni Jehova, na Maylalang ng langit, Siya na tunay na Diyos, na Tagapag-anyo ng lupa at Maylikha nito, Siya na nagtatag nito nang matibay, na hindi niya nilalang na walang kabuluhan, na nag-anyo nito upang tahanan: ‘Ako ay si Jehova, at wala nang iba pa.’”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
tenor-unscreen.gif
 

Attachments

Similar threads

Back
Top