What's new

Closed Mahal ba talaga ko ng Girlfriend ko ?

Status
Not open for further replies.
Naalala ko tuloy ex gf ko dati (wife ko na ngayon)🥰 ganyan na ganyan din sitwasyon ko sayo paps. Natawa ako ng nabasa ko tong post mo. Di ko mapigilan na di mag comment. Mga 4 months lang kami LDR dati kasi nag work ako pero umuwi na lang ako kasi di ko kaya na di ko sya makita sa araw araw. 🤣 Pero nung time na nag aaral pa ako, lapitin din ako sa mga babae, syempre kaklase ko. May magtetext, may tumatawag pero tungkol lang naman sa project or assignment namin. Pero di nya maiwasan na di magselos. Kaya alam kong nasasaktan ko sya kaya nagbago ako. Pero gaya nga ng sayo, di maalis alis sa isip nya un, paulit ulit. Kanina ok palang kami, pag uwi ko, aawayin na naman ako tungkol dun. Pero alam mo? Ang ginawa ko, sinusuyo ko nalang lagi. Kahit minsan nakakapikon na syempre, Pero wala, eh mahal ko eh. 😍 Kaya wag mo sukuan kung talagang mahal mo. Darating din yung time na mawawala na sa kanya ang pangamba at magtitiwala na ulit sayo. Maging maganda sana ang kalabasan ng love life mo bro. Kagaya ng akin. Happy with her every day.....
Just sharing.. 😅 Salamat sa pagbabasa.. 😂
 
19 mag 20 yrs old. 2nd yr college mag 3rd yr.

Oh first time sa relationship, ganyan talaga problema sa mga wala pang experience.
Dumaan ako diyan, kung ako sayo enjoy mo muna sarili mo.
Bata ka pa para magseryoso sa isang relasyon, kung ako sayo collect, collect, collect hahaha
Alam ko mali yang advice ko sayo pero pag nagsettle ka sa isang babae wala mangyayari, ibig ko sabihin paano kung may iba pala na mas deserving, mas compatible for you?
Base sa experience ko yan hehehe
 
Oh first time sa relationship, ganyan talaga problema sa mga wala pang experience.
Dumaan ako diyan, kung ako sayo enjoy mo muna sarili mo.
Bata ka pa para magseryoso sa isang relasyon, kung ako sayo collect, collect, collect hahaha
Alam ko mali yang advice ko sayo pero pag nagsettle ka sa isang babae wala mangyayari, ibig ko sabihin paano kung may iba pala na mas deserving, mas compatible for you?
Base sa experience ko yan hehehe

Nasa 15 to 20 siguro na babae ang dumaan sa akin bago ko nakilala yung asawa ko ngayon,6 yrs na kami magkasama,3 yrs ng kasal.
Unang kita ko sa kanya nun sabi ko sa sarili, eto na yung hinihintay ko. At nagkatotoo nga.
 
di naman nawawala sa isnag relasyon yang pag aaway basta kung mahal mo or mahal ka di niyo susukuan isat isa
 
Hiwalayan mo na. Sabi nga niya, may trauma siya sayo. Hindi yan maghi-heal hanggat kayo pa rin dalawa. Do your relationship a favor at ikaw na mismo ang kusang lumayo. :)
 
Alam mo kasi ang babae once na ilang beses ng nasaktan yan mag iingat tayo matatakot na yang maloko. Kaya paulit ulit niyang binabalik yung ginawa mo kasi hindi pa siya nakakamove on sa ginawa kahit ang tagal na kahit nagbabago ka na. Kasi sa tuwing naiisip niya yun nasasaktan pa din siya. Magandang gawin pag binalik niya ulit usapan na yun paramdam mo lang na siya lang. Suyuin mo lang kasi gusto lang nun maramdaman niyang siya lang talaga.
 
19 mag 20 yrs old. 2nd yr college mag 3rd yr.

bata ka pa pala, hahaha.
Sabi ko sayo, okay lang maging habulin wag ka lang mambabae. Pakita mo lang na kahit habulin ka, sakanya kaparin bumabagsak.

Wag momg tangalin o bagohin na dapat walang ibang babaeng lumalapit sayo.
Selos causes attraction. Kaya wag na wag mong tangalin yan. 🤣
 
Ganyan din ako, sobrang dami kong kaibigang babae, yung iba nakakajamming ko, yung iba kalaro sa comshop, tumatambay pa nga dito sa bahay, kaibigan ko pa dati kong kaMU. May mga nasasabi siya saking medyo masakit pero totoo naman na may mga instances na ganun. Iparamdam mo sakanya na kahit anong mangyari na siya lang, kahit ano pang sabihin niya. Wag ka paapekto dude, kasi kung affected ka ibig sabihin guilty ka. At isa pa, kasama talaga sa relasyon yan, you'll overcome it, tiwala lang. Usap kayo kasi communication parin ang sagot sa lahat ng problema.
Ps. Okay lang maging clingy kasi REALTALK comfortable ang mga lalaki sa mga babae, pero dapat alam mo yung limitations mo.
 
Ganyan talaga mga babae lods, pilit ni lang binabalik kasalanan noon pero wala namang masama kapag ganyan siya pinapaalala niya lang sayo yung mali mo before pero hindi ibig sabihin dapat ka magalit kasi pinamuka niya sayo. Hindi ka dapat magalit kasi kung totoong nagbago ka na, kung totoong nagsisi ka pagkakamali mo noon hindi ka guilty? Wala ka dapat ika galit bagkos ayy intindihin mo girlfriend mo lods..🙂🙂

Kung totoong mahal mo talaga girlfriend mo lods You always finds a way to understand her ganyan totoong pagmamahal kahit masakit o mahirap gumagawa ka parin ng paraan upang unawain siya.🙂🙂
 
Nasa 15 to 20 siguro na babae ang dumaan sa akin bago ko nakilala yung asawa ko ngayon,6 yrs na kami magkasama,3 yrs ng kasal.
Unang kita ko sa kanya nun sabi ko sa sarili, eto na yung hinihintay ko. At nagkatotoo nga.
Salamat boss. Im on my early 20s.. BS pa mga babae
 
Ganyan din si GF lods hahah pero I think ganun na talaga ung way ng pagmamahal nila. Aaminin ko malaki kasalanan ko wala ako magawa kundi iprove yung sarili ko sa kanya eh, Praning din sya na baka magawa ko ulit ung nagawa ko dati. Ewan ko minsan naiinis ako pero minsan nacu-cutan ako sa kanya pag ka ganun sya eh. nilalambing ko nalang :)
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top